Prologue

65 6 6
                                    

"Mommy! Daddy! Can I ride the carousel, please? Promise, last one na 'to," 7-year-old Charmelle pleaded, flashing a toothy grin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mommy! Daddy! Can I ride the carousel, please? Promise, last one na 'to," 7-year-old Charmelle pleaded, flashing a toothy grin.

"Hindi ka pa ba nagugutom?" Aira, her mom asked while chuckling softly. Inayos din nito ang nagulong buhok ng anak at ang tumabinging pink na cat ears headband na suot-suot ng anak nito. "Kakasakay mo lang ng mini pirate ship, hindi ka ba nahilo o natakot do'n?"

"Hindi po. Hindi naman scary 'yon. I wanna try the rollercoaster if I'm allowed to, kaso 'di pa pwede," she pouted.

Her dad, Sergio just blew a deep sighed. "Okay. Just ride this one, and after this, kakain na tayo. It's past 12 already."

"Yes dad!" she answered gleefully. Bumaling siya sa ina. "Sakay na ko, mommy, ha?"

"Go on, my princess. Take care. Huwag kang malikot do'n, ha. Baka mahulog ka."

"Don't worry mommy, I'm a big girl na. I can take care of myself," she said reassuringly.

Tumawa lang ang mag-asawa dahil sa sinabi niya. Magkahawak ang kamay nilang sinundan ang hyper na anak nang magtatakbo ito patungo sa pila ng carousel.

Charmelle just watched her parents lovingly while she was waiting in the line. Mahaba ang pila, pero hindi siya makaramdam ng pagkainip dahil naaaliw siya sa mga magulang.

His dad's arm was wrapped around protectively on her mom's waist while her mom's head was leaning on her dad's shoulder. Maya't-maya pa ang paghalik ng daddy niya sa pisngi ng ina. She can't help but smile.

'What a perfect couple,' she thought. 'I'm lucky that they are my parents.'

After twenty minutes of waiting, finally it was her turn to ride the carousel. Tumulis ang nguso niya habang pilit na sumasampa sa kabayo. Masyado kasi itong mataas para sa kanya.

Tumingin siya sa paligid para humingi ng tulong, pero bago pa man niya matawag ang isang staff, ay naramdaman niyang may bumuhat na sa kanya at isinakay siya sa kabayo.

It was a kid who's taller than her and maybe, he's also a bit older than her. She frowned a little, but then smiled after. "Thank you!"

"You're welcome dwarf!" ani nito saka sumakay sa kabayo sa likod niya.

Naiinis na nilingon niya ito. "I'm not dwarf! Tatangkad pa ako!"

Hindi umimik ang bata, sa halip ay binelatan lang siya nito kaya lalo siyang nainis. Pero agad ding natunaw ang inis niya nang magsimula nang umandar ang carousel.

Tumingin siya sa mga magulang na nakamasid sa kanya. "Mommy! Daddy!" tili niya.

Habang nakasakay siya sa kabayo at mabagal na umiikot ito, panay lang ang pagkaway ni Charmelle sa mga magulang sa tuwing tumatapat siya sa kanila. Malapad din siyang ngumingiti kapag kinukuhanan siya ng litrato ng kanyang ina, gamit ang polaroid camera nito.

See My Side (3FOL Series #2) - UNDER MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon