Chapter theme: Bright - Ecosmith
Mag-aalas dos na ng hapon pero nakahiga lang si Cairo sa kama niya habang hawak-hawak niya ang isang A4 size picture frame na naglalaman ng lumang portrait painting ng isang babae. Hindi niya maiwasang mapatulala habang pinagmamasdang mabuti ang babaeng nakaguhit do'n.Akala niya noong una ay nagkataon lang na kamukha ni Charmelle ang babae dito, pero habang tumatagal, unti-unting lumilinaw ang pagkakahawig ng dalawa.
Nilipasan na ng panahon ang portrait na 'yon, ngunit ang detalye ng bawat guhit ay napakalinaw pa rin. Ang kulay brown na buhok nito ay bumagay sa magagandang kulay ng mga mata nito — a pair of amber orbs. Halata rin sa facial features ng babaeng nakaguhit na may lahi ito.
Kaya nang makita niya si Charmelle sa malapitan, bahagya siyang nakaramdam ng labis na pagkamangha. It was as if the girl had come out straight from this painting and he's finally seeing her in flesh, alive and breathing.
But if Charmelle was really the girl in this painting, isang palaisipan sa kanya kung paano at ano ang naging koneksyon nito sa kanya. He needs to figure it out.
Napabalikwas ng bangon si Cairo nang marinig niyang mag-ring ang cellphone niya. Inabot niya ito mula sa ibabaw ng bedside table at agad niyang sinagot ito nang makitang ang girlfriend niyang si Clarisse ang natawag.
"Babe? Busy ka?" bungad nito.
"Not really," sagot niya. Muli siyang nahiga sa kama habang nakaunan ang ulo niya sa isang kamay habang hawak sa kabila ang cellphone na nakalapat sa kanyang tainga.
"Can we go out on a date today? I have free time too!"
"Sure. Dinner tayo tonight?"
"No! I want it now. Para matagal tayong magkasama. Palagi ka na lang busy diyan sa gig mo. Wala ka nang oras sa akin," pagtatampo nito.
"But babe, nagpapasama rin kasi sa akin si Celine mamaya, eh. Pwede naman tayong magkita mamayang gabi 'di ba? Puntahan na lang kita sa inyo after naming manuod ng sine."
"I told you, gusto ko ngayon na tayo magkita. You promise to me! You said you'll make it up to me, tapos ngayon simpleng request ko hindi mo mapagbigyan?!"
Cairo sighed. By the tone of her voice, he could feel that she's annoyed.
"But babe..."
"Babe naman, eh! Please? Pretty please? Sabi mo ako priority mo. Iyang kapatid mo lagi mo namang kasama sa bahay, eh. Pero tayo bihira lang magkita. Hindi mo ba talaga ako pwedeng pagbigyan ngayon?"
"Okay. Okay. Magkita na tayo," Cairo said, defeated.
Wala talaga siyang magawa minsan kapag umaakto na ng ganito ang girlfriend niya. Mas mabuting pagbigyan na lang niya ang gusto nito, kaysa magtalo pa sila.
BINABASA MO ANG
See My Side (3FOL Series #2) - UNDER MAJOR REVISION
Genç Kız Edebiyatı(A COLLAB WITH PARKSONGMIN28) Date started: July 20, 2020