Chapter theme: Moonlight Sonata"Charmelle, tapos ka na bang mag-ayos? Pinapatawag ka na ng daddy mo sa baba," imporma ni ate Grace habang nakasilip sa pinto ng kwarto ko.
"Just a moment ate Grace! Naghahanap pa ako ng susuotin!" tugon ko habang isa-isang tinatanggal ang mga dresses sa closet ko. "Bakit kasi late na siyang nagsabi sa akin? Nangangarag tuloy ako," reklamo ko pa. Katatapos ko nga lang maligo kaya may towel pang nakapulupot sa ulo ko.
I heard ate Grace let out a soft chuckle. "Nawala raw sa isip niya. Mabuti na lang at pinaalala sa kanya ng personal assistant niya. Hindi ka pa nasanay diyan sa daddy mong mahilig sa biglaan?"
"Mabuti sana kung simpleng event lang ang pupuntahan namin ngayon, kaso hindi, eh." Humaba na lang ang nguso ko dahil sa inis.
For sure, puro matataas na tao sa lipunan na naman ang makakadaupang palad ko ngayong gabi. I don't really need to impressed them, the hell I care about their opinion, but for my dad's sake, kailangang maging presentable ako sa paningin nilang lahat. Marami pa namang imbitadong reporter sa event na 'yon. Isang maling galaw ko lang, magre-reflect 'yon sa iniingatang image ni daddy. Ayoko namang pagpiyestahan nila kami. I should behave myself tonight.
Inilipat ko ang mga mata ko sa puting sobre na nasa ibabaw ng kama ko. It was an invitation for that charity concert, organized by the former secretary of Social Welfare and Development. The said event will held at the Mariano Hall and it will start at exactly 8 in the evening. Iyong pera na kikitain sa concert na 'yon ay para sa mga batang cancer patient.
"Tulungan na kitang mag-ayos," prisinta ni ate Grace habang nakatuon ang mga mata sa mga nagkalat kong damit sa sahig at kama.
"Mabuti pa nga ate Grace. Baka mag-ala dragon na naman si daddy dahil ayaw na ayaw niyang nale-late," sambit ko na lang. Pasado alas-sais na kasi ng gabi.
Agad namang lumapit si ate Grace sa akin para tulungan akong maghanap ng dress na susuotin ko ngayong gabi.
"Ang dami mo namang mga damit. Nagagamit mo ba ang lahat ng 'to?" namamanghang tanong niya habang iniisa-isang tignan ang iba ko pang dresses na naka-hanger sa loob ng closet.
"Hindi nga, eh. Baka ipamigay ko na lang din. Kung may gusto ka ate, kuha ka na lang."
"Naku, huwag na! Ang mahal mahal ng mga 'to. Hindi bagay sa katulad ko."
"Ate, walang mayaman at walang mahirap pagdating sa pananamit. Nasa pagdadala 'yan," kontra ko.
Ayoko talaga sa lahat ay 'yung minamaliit nila ang sarili nila dahil sa antas ng pamumuhay nila. Ano ngayon kung hindi sila nakakaangat sa buhay? Nakalagay ba sa batas na bawal kang magsuot ng magagarang damit kapag mahirap ka? I don't think so.
BINABASA MO ANG
See My Side (3FOL Series #2) - UNDER MAJOR REVISION
ChickLit(A COLLAB WITH PARKSONGMIN28) Date started: July 20, 2020