Chapter theme: My Wish - Rascal Flatts
"Absent na naman si Bryan," Yana sighed heavily while looking at Earl's vacant seat.Wala pa ang teacher namin sa next subject kaya panay lang ang daldalan namin. Iyong ibang kaklase namin, nagkakantahan. Iyong iba naman, naghahabulan sa loob ng classroom. Daig pa nila ang mga makukulit na bata sa kindergarten.
"Ano kayang nangyayari do'n?" I asked worriedly. Hindi naman kasi mahilig umabsent ang isang 'yon.
"Sabi ng captain niya sa basketball team, madalas rin daw mag-skip si Bryan ng practice nila," Alyssa added.
Kumunot naman ang noo ko. After class kasi, laging nagpapaalam sa amin si Earl na magpapractice na siya ng basketball. Nagsisinungaling ba siya sa amin?
"May problema kaya siya? Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko, eh." nagtatakang sambit ko.
Kilala ko ang isang 'yon, he loves basketball so much. Hindi siya magpapabaya ng gano'n na lang, unless may urgent na bagay siyang kailangang gawin.
"Puntahan mo kaya sa kanila? Nasa iisang village lang naman kayo nakatira, eh."
"I will. Don't worry," I smiled reassuringly.
Dumating naman ang Filipino teacher namin na si Ms. Prado kaya agad kaming tumahimik at umayos ng upo. Walang patumpik-tumpik na pinalabas niya ang mga libro namin ng Noli Me Tangere. Medyo late siya ng 15 minutes kaya sinimulan na niya agad ang discussion.
Tinawag niya ang isang kaklase namin para ipa-summary ang chapter 10 ng Noli Me Tangere. Tahimik lang kaming lahat habang nakikinig.
"Sinu-sino ang mga tauhan sa kabanata 10?" tanong ni Ms. Prado namin nang matapos sa pagbubuod ang kaklase namin.
Isa-isa niya kaming pinasadahan ng tingin, hanggang sa maglakad siya patungo sa pinakadulong row na lukot ang mukha.
"Jimenez, nasaan ang libro mo?" narinig kong istriktong tanong nito.
Lumingon ako sa likuran ko. Nakapamewang na ang Filipino teacher namin habang nakatayo siya sa harapan ni Chianna.
"Nasaan ang libro mo? Bakit hindi ka nagbabasa? Ayaw mo na bang makinig sa klase ko?" she asked in an annoyed voice.
Umiling-iling naman si Chianna. "Hindi po ma'am."
"Kung gano'n ilabas mo ang libro mo. Bukod tanging ikaw lang ang walang nakalatag na libro sa harapan," galit na wika nito.
Dali-dali namang kinuha ni Chianna ang libro niya na nasa ilalim ng mesa. To our surprise, gutay-gutay na 'yon. Parang ginupit-gupit ang bawat pahina.
"Anong nangyari diyan?" tanong pa ng Filipino teacher namin. Lumambot ang ekspresyon sa mukha nito at bumakas ang gulat at awa sa mga mata niya nang damputin niya ang libro ng Noli Me Tangere ni Chianna.
BINABASA MO ANG
See My Side (3FOL Series #2) - UNDER MAJOR REVISION
Literatura Feminina(A COLLAB WITH PARKSONGMIN28) Date started: July 20, 2020