Chapter theme: Bubbly - Colbie Caillat
Nakaupo ako sa ilalim ng puno dito sa amphitheater sa loob lang ng university namin. Nakapatong sa hita ko ang siko ko habang nasa palad ko ang baba ko. Bagot na bagot na ipanapaikot ko sa pagitan ng mga daliri ko ang ballpen na hawak ko naman sa isa kong kamay.Twenty minutes na ang lumipas matapos mag-alas dose. Sabado ngayon pero may pasok kami. Half day lang naman. Naka-civilian lang din kami kaya black skinny jeans ang suot-suot ko at itim na fitted shirt na pinatungan ko ng denim jacket. Nakakulot naman ang dulo ng buhok ko dahil maaga akong nagising kanina at wala akong magawa.
Imbes na magsi-uwian na kami ay nag-stay na lang muna kami dito sa amphitheater kasama ang mga kagrupo ko para mag-brainstorming.
"What's our plan for the University Fair? Next week na 'yon," pagkuha ni Derek sa atensyon namin kaya napatingin ako sa kanya.
Nakatayo ito sa harapan naming apat dahil siya ang leader namin. As usual, ang mga kasama ko sa groupings noong nagdaang cooking activity namin ang siyang kagrupo ko rin ngayon. Tinamad nang mag-reshuffle ang professor namin.
"Ano bang pwede nating itinda na bagay sa mga booth kapag may school fair?" tanong ni Elaine sa tabi ko.
"Takoyaki tapos yakisoba!" sagot ni Mitch na nakaupo sa harapan ko habang nakahilig ang ulo sa balikat ng boyfriend niya.
Sipain ko kaya ang mga 'to? Wala talaga pinipiling lugar ang mga 'to kapag naglalambingan.
"Iyan na rin ata ang ititinda ng kabilang grupo. Meron na ring magtitinda ng mga korean street foods, tapos may milkshake stand at burger stand na rin," ani Derek.
"Putobumbong na lang para maiba," Jasper suggested while raising his hand.
Nakatanggap tuloy siya ng batok kay Derek. "Pasko na?"
"Bakit, sa pasko lang ba pwedeng itinda 'yon?" giit ng huli.
Inangat ko ang kamay ko at ako naman ang mahinang tumuktok sa ulo niya gamit ang ballpen na hawak ko. "Baka mamaya hindi mabenta, masayang lang."
"Kaya nga. Nakasalalay pa naman sa benta natin ang grades natin. Gusto kong makakuha ng A na grade kahit dito man lang sana," segunda ni Elaine.
Bukod sa graded itong food stand na gagawin namin, iyong kikitain namin ay mapupunta sa napili naming organization.
"May naisip ka ba, Charmelle? Mas maganda kung sa'yo manggaling ang idea," baling sa akin ni Derek.
BINABASA MO ANG
See My Side (3FOL Series #2) - UNDER MAJOR REVISION
Literatura Kobieca(A COLLAB WITH PARKSONGMIN28) Date started: July 20, 2020