Chapter 16 - Treble Clef

38 3 4
                                    


Chapter theme: Is It You? - Cassie

Chapter theme: Is It You? - Cassie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ms. Vienna Angeles. Come here." May ngiti sa labi na tawag ni Ms. Cruz sa kaklase kong mukhang maamong anghel outside, pero demonyita inside.

Bakit? Siya lang naman 'yung walang hiyang nanabotahe sa luto ko last week. Akala niya siguro hindi ko 'yon malalaman.

"Yes ma'am?" malambing na tugon ni Vienna.

Tumayo ito sa kinauupuan na may pagpagpag pa ng asul niyang palda. Akala mo naman may dumi. Inayos niya rin muna ang itim na ribbon sa collar ng uniform niya at may ngisi sa labing tinignan pa ako nito bago lumapit kay Ms. Cruz. As if she was telling me that she's the winner this time. Sige na 'te. Ikaw na bida.

Tignan lang natin. 

I faked a smile at her and mouthed a 'Congrats.' Nagpasalamat naman ito sa akin kaya nanginig ang katawan ko sa kilabot.

Ang plastik!

'Tignan nga natin kung makangiti ka pa kapag narinig mo 'yung sasabihin sayo ni Ms. Cruz,' usal ko sa isip ko habang nagpipigil ako ng tawa dito sa upuan ko.

"Suspended ka ng 3 days, starting tomorrow." Ms. Cruz informed her.

Para namang nilayasan ng kulay ang mukha ni Vienna dahil sa narinig. Namilog ang mga mata nito at nanginig ang mga labi.

Yes girl, karma's a bitch. 

"B-but ma'am, why? Wala naman po akong na-violate na rule ng university so bakit po ako masu-suspend?!" she asked in so much frustration, fidgeting on the hem of her blue vest that was also part of our uniform. Iyong luha naman niya ay nangingilid na sa mata niya.

Kung siya naluluha na, ako parang gustong humalakhak dito at magpagulong-gulong sa sahig sa sobrang saya.

Ang sama ko ba? I don't think so. Siya naman ang nanguna, eh. Tama lang 'yan para maparusahan at magtanda. 

"We saw it. Remember every corner of this school, mayroong cctv? Kitang-kita do'n na nilagyan mo ng maraming asin ang dish ni Charmelle kaya sumama ang lasa nito. With that evidence, we decided to suspend you as punishment."

This time, napahagulgol na si Vienna. Tahimik lang akong nakamasid sa kanya dahil pinag-aaralan ko kung tunay ba 'yang iyak niya o drama lang. Drama Queen 'yan, eh.

Ugh! Can someone give me some popcorn please?

"Ma'am, please? Sorry po! Please forgive me," she clasped her hand in front of her chest. "Ms. Cruz, please po, hindi po ako pwedeng masuspend. Do something ma'am," she pleaded.

See My Side (3FOL Series #2) - UNDER MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon