Chapter theme: I Think I'm Falling - MYMP
Nakatitig lang ako sa kawalan habang nakaupo sa wooden swing sa malawak na garden ng bahay namin. Kagat-kagat ko ang kuko ko at kanina pa ako balisa. Kauuwi ko lang galing sa bahay nila Earl at mas lalo lang akong nag-aalala sa kanya dahil sa mga nalaman ko.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong humugot ng malalalim na buntong-hininga, habang bumabalik-balik sa isipan ko ang napag-usapan namin ng daddy ni Earl kanina.
"Hindi siya pumapasok?" Hindi makapaniwalang tanong ni tito Rick sa akin. Nanlulumong napasandal ito sa sandalan ng sofa nang sabihin ko sa kanya ang madalas na pag-absent ni Earl sa klase.
It turns out, umaalis pala ito ng bahay nila na naka-uniform at palaging gabi na ito nakakauwi. Ang dahilan niya lagi, puspusan na raw ang pagpapractice nila ng basketball kaya late na sila matapos. Eh, hindi nga rin siya umaattend ng practice nila.
"May nababanggit ba sa'yo ang anak ko?" tanong nito.
Marahan akong umiling. "Wala po, tito. Nag-aalala na nga rin ako sa kanya kaya nagpunta na ako dito. Akala ko nga nandito lang siya sa bahay niyo, pero wala rin pala."
"Saan naman kaya nagpupunta ang batang 'yon?" frustrated na tanong nito saka napahilamos na lang sa mukha ng palad niya.
"No offense meant tito, pero may nangyari po ba sa family niyo? I mean, napapagalitan niyo po ba siya? Nasaktan? Or nagrerebelde po ba siya?" usisa ko.
Marahas itong umiling. "Wala naman. Ang tanging problema lang naman namin ay 'yung sa kompanya ng mommy niya. Pero sabi ko naman, huwag na niyang alalahanin at kami na ang bahala do'n. Hindi rin naman namin siya napapagalitan o napagsasalitaan ng masama kaya walang dahilan para magrebelde siya sa amin."
Ano bang tumatakbo sa isip ng lalaking 'yon? Hindi niya naman ugaling magbigay ng problema sa magulang niya. Hangga't maaari, hindi niya binibigyan ng sama ng loob ang mga ito.
"Pasensya na po, tito. Mukhang nabigyan ko pa po kayo ng iisipin."
"No hija, thank you. Salamat at nagmagandang loob kang sabihin sa akin ang pinaggagagawa ng anak ko," ngumiti ito. "Pwede bang humingi ako sa'yo ng pabor?"
"Sure, tito. Anything." I smiled back.
"Pwede mo ba siyang subaybayan kapag nasa school siya? Baka may dahilan kung bakit hindi siya pumapasok. Ayoko muna siyang komprontahin, alam kong may mabigat na rason siya at handa naman akong maghintay na kusa siyang magsabi sa akin.
"Don't worry tito. Ako na po ang bahala sa kanya. Makakaasa po kayo sa akin," I said reassuringly.
"Salamat."
I jolted back to the present when I heard my phone rang. Nakapatong lang ito sa tabi ko kaya agad ko itong dinampot.
"Kanina ka pa hindi nagpaparamdam, nag-aalala na ko. Tumatawag rin ako, hindi mo sinasagot. May nangyari ba?" bungad ni Moonlight na parang nagtatampo.
BINABASA MO ANG
See My Side (3FOL Series #2) - UNDER MAJOR REVISION
Genç Kız Edebiyatı(A COLLAB WITH PARKSONGMIN28) Date started: July 20, 2020