Chapter 17 - Suspicious

33 3 1
                                    

Medyo mahabang author's note, pakibasa po kasi sobrang important lang. Hehe

Hello guys! So ayun, nagkaroon lang ako ng changes konti sa mga previous chapters pati kay Chianna. Minor edit lang naman kasi sinunod ko na ang K-12.

Sa past chapters, binago ko rin. Ginawa ko silang 4th year na at hindi third year. Kaya dito sa present time, ang age ni Rena is 22 since mas matanda siya sa dalawa ng ilang buwan, January birth month niya. Iyong dalawa naman ay 21 palang, turning 22. November si Chianna at December si Charmelle.

Ayun lang! Salamat sa pagbabasa ng mahabang A/N. 🤣

Chapter theme: Trouble - Krisha Chu

"Okay! Done with oreo cheesecake! Now, strawberry milkshake naman!" I mumbled to myself while preparing all the ingredients for the strawberry milkshake

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay! Done with oreo cheesecake! Now, strawberry milkshake naman!" I mumbled to myself while preparing all the ingredients for the strawberry milkshake.

Request ito ng dalawa kong kaibigan na nakatambay dito sa bahay. Sana naman huwag na silang maglikot sa taas. Nang silipin ko kasi sila saglit, naabutan kong magulo ang kwarto ko na akala mo dinaanan ng delubyo. Naghabulan ba naman ang dalawa at naghampasan ng unan.

Palibhasa, nagkataon na pare-parehas maaga ang uwian namin kaya dito muna nagpalipas ng oras 'yung dalawa.

Problemado rin itong si Chianna dahil nga sa issue ng Yago na 'yon. Hindi ito mapakali mula nang magtagpong muli ang mga landas nilang dalawa. And guess what? Nawiwindang ang utak ng babaeng 'yon dahil iniisip niya sa mga nalaman.

Pero baka naman na-misunderstood lang ni Chianna ang nangyari. Lalaking-lalaki ang dating ng guitarist na 'yon, eh, hindi gaya ni Cairo. He has a childish air around him kaya aakalain mong totoy pa ito. Siguro dahil palagi itong nakabungisngis kaya gano'n ang dating niya.

Okay, bakit naisingit ko ang Cairo na 'yon? Erase. Erase.

Nilabas ko na lang ang lahat ng gagamitin kong ingredients para sa strawberry milkshake na gagawin ko, nang biglang dumating si ate Grace.

"Charmelle, kailangan mo ng tulong?"

Banayad na ngumiti ako nang lumapit ito sa akin.

Anak si ate Grace ng kaibigan ni Manang Lydia, ang dati naming kasambahay. Nagretiro na kasi ito, tatlong taon na ang nakakalipas.

Ayaw ni daddy na basta kumuha na lang ng kapalit kaya si Manang Lydia ang nagpasok dito kay ate Grace. Halos nasubaybayan niya rin kasi ang paglaki nito. 27 years old na itong si ate Grace.

"Naku ate, pahinga ka na lang po. Kaya ko naman na 'to," tugon ko bago bumalik sa paghihiwa ng strawberries. .

"Ako na ang maghihiwa diyan," alok niya. "Baka masugatan ka."

See My Side (3FOL Series #2) - UNDER MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon