Kabanata 7

9 0 0
                                    

Kabanata 7

Sundo

Heart beating fast, I nervously stared at the screen of my phone, still reading the message Kuya Lance sent me minutes ago.

Kuya Lance:

I'll be there a little late. I have to do an errand for school, then I'll go straight to your house.

I sighed loudly. Narito na ako sa sasakyan at pauwi na ng bahay galing eskwela. I deeply inhaled, then typed a reply.

Ako:

Okay. Mag-ingat ka, kung ganoon.

I blew out a sigh. I feel so tired today. Medyo nagkaproblema sa school, at damay ako, kaya medyo ubos ang lakas ko. Hindi talaga para sa 'kin ang mga away dahil kung hindi ako umiiyak, napapagod ako nang husto katulad ngayon. Masyadong maraming enerhiya ang kailangang ibigay kapag nakikipagtalo, at para sa katulad kong malamyos kung kumilos, nakakapagod iyon.

Paano ba naman kasi, dalawa sa mga kaklase ko, sina Rianne at Olivia, nilapitan ako kanina sa room. Hindi ko naman talaga naisip kung para ba makipag-away talaga sa 'kin, o para lang mamingwit ng impormasyon galing sa 'kin.

"So tell me, Serene, boyfriend mo ba siya?" ani Rianne. Nakaupo ako sa pwesto ko, at tahimik na nagbabasa ng libro nang lapitan nila ako. "Sumagot ka!"

I blinked a few times at her, making her roll her eyes at me. "Hindi ka sasagot? Sumagot ka, Serene!"

"Hindi ko siya boyfriend, Rianne. May problema ba?" mahinahon kong sagot. I am completely scared and nervous as I looked up at the both of them. Never in my school years was I ever approached like this! Naging mabuting estudyante ako, at kahit kailan, hindi nagkaroon ng kaaway! Siguro mayroong may ayaw sa 'kin, pero walang ganito!

"E, bakit siya panay punta sa bahay niyo, kung ganoon?" mariing tanong ni Olivia.

Olivia Chanel San Marco is a year younger than me, given that I studied late. With a mid-length hair like mine, hers ends with mild curls. Her groomed brows, fox eyes, pinkish cheeks, plump lips, she looked extremely cute and adorable. But due to being used to wearing make up, lalo siyang gumanda sa paningin ko dahil sa galing mag-ayos.

Si Rianne Genesis Daez naman ay kaedad ni Olivia, at magkaibigan na sila noon pa, bago pa magsimula ang pasukan. Her long hair in a pony tail, her full bangs hanged on her forehead. Sa hilig mag-ayos, natanto kong maaaring isa iyon sa mga rason kung bakit sila magkaibigan. Groomed brows like Olivia's, almond eyes, crimson cheeks because of cosmetics, thin reddish lips, she was the typical campus crush. Madalas maging muse sa mga events, kinukuhang model at representative ng aming year level.

We were never friends, just acquaintances. Kaya naman ito ang kauna-unahang interaksyon naming tatlo.

"Just family matters that I cannot disclose with the both of you," I calmly answered. Kahit na natatakot ako, marunong naman akong magpanggap na ayos lang, at hindi kinakabahan. Kaya diretso ang pagsasalita, walang bakas ng nerbyos at pagkakagulat sa kanilang paglapit.

Olivia sarcastically scoffed at me, crossing her arms in front of her chest. "Huh! Family matters? Ang sabihin mo, boyfriend mo siya, at ayaw mo lang aminin!"

Ever since I became a part of our section, Olivia never failed to gush about her crush who just recently graduated from the same school we go to. Lance Ashanti Ferrer. Dahil sa mga kwento niya, maging sa mga kwento ni Kuya Lance, nakumpirma kong dito nga siya nag-aral, at gumraduate na Magna Cum Laude katulad ng kanyang kakambal! Impressive, I know.

At ngayon, sa hindi malamang dahilan at paraan ay nalaman niyang madalas nga sa bahay ang kinahuhumalingan niya. Although, I will never doubt the high chance of girls liking Kuya Lance, dahil miski ako ay humahanga sa kanya, kaya naiintindihan ko, hindi ko aakalain na maaaring may mga babaeng kumikilos o gumagawa ng paraan para malaman kung nasaan siya, o kung anong ginagawa niya.

You for All Lifetimes (Ferrer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon