Kabanata 37

8 0 0
                                    

Kabanata 37

Therapy

Nang sumapit ang gabi noong araw na iyon, kinailangan kong manatili sa firm kasama si Kuya Yvo, Shan, at Mr. Ireneo para i-discuss sa'kin ang chart ng firm. Anila'y kailangan ko nang pag-aralan ang kompanya bago ito maturn over sa'kin bilang CEO.

Halos lutang na ang isip ko sa sobra-sobrang impormasyon sa isang upuan.

Ipinaliwanag sa'kin ang departments na under ko. Medyo hindi na ako nahirapan maying pamilyar sa mga iyon dahil nakakaengkwentro ko naman ang mga departments sa kompanya nina Shan, lalo na kapag departamental meeting ay lalo ko silang napag-aaralan, kaya hindi na ako nahirapan doon.

Ipinaliwanag din sa'kin ang mga serbisyong inaalok ng kompanya para sa mga kliyente. Dahil architectural firm kami, mas madalas ang pagtanggap namin ng mga pagpapadisenyo ng mga ipapatayo, mga proyekto mula sa ibang kompanya, o hindi kaya'y mga indibidwal na kliyente.

Pero hindi dahil architectural firm kami, ay hanggang doon na lang ang kaya naming ibigay para sa mga tao. Mayroon kaming engineering department, kaya lahat ng inquiries and services about engineering ay pwede ring i-avail ng mga kliyente kung kailangan nila.

Ipinakilala rin sa'kin ang members of the board, ibang kaibigang kompanya, at iba pa.

Kaya nang mapansin na nilang parang sasabog na ako sa lahat ng itinuturo nila ay agad din naman kaming huminto. Kuya Yvo decided that we'll continue the meeting some other time, especially that there's still a lot to learn, but we're already out of time.

Dahil ang mag-asawa ay nasa condo nila kasama si Kael, I asked Kuya Yvo if we can drop by for a while since I have to discuss something to them, too.

Tahimik kami ni Shan sa sasakyan habang nagmamaneho siya papuntang unit ni Ate Yvonne.

Nakasandal lang ako, at nakapikit. Medyo nasakit na ang ulo ko sa lahat ng nalaman kaya sinubukan kong magpahinga sa byahe. Hindi naman na nagsalita pa si Shan at hinayaan na lang ako.

Ilang sandali ay naramdaman ko na ang marahang pagyugyog ni Shan sa balikat ko.

"Serene..." I heard him call. Huminga muna ako nang malalim bago sinubukang idilat ang mga mata, at kumurap-kurap.

"Hm?"

"We're here..." mahina niyang sabi. "Are you sure you want to go? I can drive you home so you can rest already."

Umiling aki at tumuwid na ng upo, bahagyang hinawi ang buhok at inalis na ang seatbelt. Agad na lumabas si Shan at pinagbuksan ako ng pinto. He immediately got my bag, and helped get out of car, holding my waist. Kahit sa elevator ay tahimik kami. Sabog pa ata ako mula sa antok kaya wala kaming mapag-usapan.

"We already had dinner," salubong ni Ate Yvonne na siyang nagbukas ng pinto. Tumango na lang ako at hindi sumagot.

She eyed me suspisciously, but didn't say a thing. Nang makapasok kami ay agad kaming nagtungo sa sofa kung saan naroon ang iba pa. Si Kael ay abalang naglalaro. Pero nang mamataan ako ay agad na tumayo at humalik sa pisngi ko.

"Ginabi po kayo..." kumento niya. Tumango lang.

"We had another meeting, it took a while..." I answered. Tumango lang siya at umupo na ulit, nagpatuloy na sa paglalaro.

"Bakit pumunta pa kayo rito? Sana dumiretso na kayo ng uwi..." ani Ate Yvonne. Tumango lang si Shan, at sinulyapan ako.

"We have something to talk about," I muttered, drinking a glass of water.

Mataman akong pinagmasdan ni Kuya Yvo at Ate Yvonne bago umupo sa isang upuan sa dining table.

"You have a plan already?" si Kuya Yvo nang makaupo rin ako.

You for All Lifetimes (Ferrer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon