Kabanata 23

6 0 0
                                    

Kabanata 23

Noon Pa Man

"Tss, if I would have known that this is boring, I wouldn't ask this from you in the first place," reklamo ni Shan.

A few weeks passed after being his personal intern and assistant, here we are in his office after a date. Yes, we already started with our plan. And here we are again, inevitably hearing his usual rant.

At katulad ng lagi niyang kumento matapos ang isang date, boring daw! Halos irapan ko siya nang sumalampak siya sa sofa ng opisina pagkapasok namin habang ako, nakatayo rito sa tapat ng desk niya, nakahalukipkip siyang tinitignan.

"Let's stop, then?" I asked. Mabilis na umangat ang tingin niya sa'kin.

Inirapan lang din niya ako.

Sa linggong ito ay nasa pangatlong babae pa lang kami sa listahan, si Micaila Torres. At ito ang pangalawang labas nilang dalawa nang lumuwag ang parehas nilang schedule.

Katulad ng nauna naming ginawa para sa naunang dalawang prospect ni Shan, niyaya niya ito ng dinner isang beses nang mapadayo ito ulit sa opisina sa hindi ko alam na dahilan. As usual, hindi ako pumapasok at nakikinig sa usapan kapag babae at mag-isa ang kliyente katulad ni Micaila.

The first one was a short date for them. They ate in a fancy restaurant, chatted a bit, exchanged numbers, then drove Micaila home. Syempre, hindi ako kasama sa paghatid. Nakakailang naman kung maisipan nilang maglampungan at naroon ako.

Kaso nga lang, hindi man ako kasama mismo sa date, naroon naman ako para magbantay sa kanila, gaya ng utos ng Shan. It was stupid, to be honest. Bakit kailangan pang naroon ako? Sinasayang ko lang ang oras ko kaaabang sa kung anong mangyayari sa kanila. Pero dahil pabor ito, at sa'kin umaasa si Shan pagdating sa plano, hindi na lang tumanggi, at sumunod na lang. Minsan, nasasama ko pa si Kael kapag diretsong uwi ang ginagawa namin, hindi katulad ngayon na nasa opisina kami.

Pagkatapos pa ng date niya sa prospect niya ay nililibre niya ako ng dinner bilang pasasalamat daw sa ginagawa ko para sa kanyang lovelife. Tapos ay ihahatid na ako pauwi.

For this second date, Micaila was the first one to invite Shan. Which was unexpected, but also expected. Hindi namin inaasahan na nagyaya agad siya para sa 'next time' date nila, but at the same time expected from a woman who likes Shan. I mean... as I have observed during the past few weeks, they are very... aggressive? And bold.

Malalakas ang loob nilang sila mismo ang magyaya ng date kay Shan. And I have nothing against it, really. Bumibilib pa nga ako sa lakas ng loob nila. Swerte nila na naghahanap na si Shan nang potential girlfriend niya, at... potential wife na rin.

Sa pangalawang labas nila, nanood sila ng sine, at naglaro sa arcades. Rings a bell? Well, like usual! At ano pa nga ba? Nagpunta sila sa photobooth na para bang sila na, at itinabi naman ni Micaila ang picture nila sa phone case niya!

"Tss, this is getting tiring, to be honest," kumento ni Shan habang nakahilig ang ulo sa backrest ng sofa. Pinanood ko lang siyang nakapikit. "I feel like a... playboy! I'm dating different women weekly! I feel bad..."

"Wow, after dating two women for the last few weeks, saka ka lang nakaramdam ng konsensya, Engineer?" I sarcastically asked. Saglit siyang bumangon sa pagkakahilig para lang samaan ako ng tingin. Peke akong ngumiti, bago siya bumalik sa pwesto.

"Well, I realize it now!" he exclaimed. "At saka..." umupo siya nang tuwid.

"I hate to say it... but she's really boring... and annoying! All she keeps talking about is make-ups, make-ups, make-ups! You saw us go inside a cosmetic shop, right? She was subtly telling me to buy her stuffs!" kwento niya.

You for All Lifetimes (Ferrer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon