Kabanata 1

9 0 0
                                    

Kabanata 1

Proposal

Monday came and I started the day making breakfast for me and my brother. Dahil Lunes, may pasok ang kapatid ko. Kailangan ko nang asikasuhin ang mga kakailanganin niya habang tulog siya.

"Why not part-time where I worked, Rene?" si Tobi.

I sighed, temporarily stopping covering my brother's lunch.

"Sinabi ko naman na, Tobi. Hindi ako pwedeng basta-basta magtrabaho na aalis dito sa bahay dahil hindi ko pwedeng iwanan si Kael," sagot ko, at nagpatuloy na sa paglalagay ng takip ng baunan ng kapatid ko.

"Well, it's just part-time, you know."

Muli akong napahinto. It's true, though. Maybe I could part-time? But... sayang naman ang diploma ko kung magiging waitress lang ako, o janitress, o cashier. Muli akong napabuntong hininga.

"Oo nga, Serene," ani Rianne, isa pa sa mga kaibigan ko.

Nilingon ko ang laptop na nakabukas kung saan makikita ang mga kaibigan ko.

Kuya Yvo and Ate Yvonne provided us a house fully equipped with everything. Sa bahay na binigay nila, hindi mo iisipin na pinalayas kami sa bahay naming talaga. Though, I chose something not flashy as possible, hindi pa rin naman mukhang pang-informal settlers. The wooden apartment is kinda good for the eyes, so it's not really bad at all.

"Kapag pumasok na ang kapatid mo, pwede mo siyang sabayan na pumasok papunta rito sa café. That is kung morning shift ka. Pagtapos ng shift mo ng tanghali, pwede ka nang umuwi!" dagdag ni Tobi. "Ayos naman, 'di ba?"

"Very tempting," I commented. Nagtungo na ako sa may sala ng bahay para simulan nang plantsahin ang uniporme ng Kael. Nilapag ko ang laptop sa sofa na katapat ko para patuloy na makausap ang mga kaibigan.

"You should try it out, Rene. Wala namang mawawala!" kumbinsi pa ni Tobi. "Plus, the owners are very kind. They'd accept you, for sure! Engineer at Architect ang dalawang magkapatid na Hidalgo na naghahandle ng café. Malay mo madiscover ka pa, 'di ba?"

"Paano naman mangyayari iyon kung crew lang naman ako sa café niyo?" nagtaas ako ng kilay habang nagpaplantsa.

"You'll never know."

"How about... i-apply kita rito sa firm namin? Intern!" si Olivia. "Intern din kami rito ni Rianne, for sure they'd hire you, too! Knowing your credentials? Damn!"

I smiled and stopped. "That would be nice, too. That could work, probably."

"Talaga?" masayang wika ni Via.

"Oo, I'll think about it," sagot ko. "My sibs will try to look for a job for me, too. Kaya kung may idaragdag pa kayo sa listahan, mas maganda siguro."

"Buti na lang, your steps are nice, 'no?" si Rianne. "I can't imagine if they're as evil as your step-mom!"

Natawa ako sa sinabi niya. Oo nga, tama siya. Mabuti na lang at mababait sina Kuya Yvo. Kung hindi, hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Kawawa naman ang kapatid ko, kung sakali. I don't want him to live a hard life. Kung sana ako na lang ang pinalayas ni Tita, at hindi na dinamay pa si Kael, tutal ako lang din naman ang dahilan ng galit ni Tita.

"True!" ani Via. "Buti na lang they're reasonable and considerate. Imagine them being awful to you just because of unintentionally ruining a plan? That would be a disaster!"

"Well, mabait din naman si Tita. Kung hindi lang naudlot ang mga plano niya dahil sa 'kin, panigurado naman na maayos pa ang relasyon namin ngayon."

You for All Lifetimes (Ferrer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon