Kabanata 36

6 0 0
                                    

Kabanata 36

Yours

True enough, on the first of January, Shan went home to his parents' home to celebrate the New Year along with his brothers, sister, and in-laws.

He wanted to bring me along and finally introduce me to his family as his girlfriend but for some reason, we both refused to the idea. He understands that even though I want it, too, he knows that I'm still not prepared after what happened.

He told me that they were worried about me. For some unknown reason, Shan decided to tell his father and Kuya Zeke about my situation days ago. Kaya naman isa sa mga tumulong sa'kin makaalis sa bahay noong araw na iyon ay ang bodyguard ni Kuya Zeke na si Uno.

Ngayon hapon naman, matapos ang tanghalian, si Kuya Yvo ay didiretso sa firm para i-check ito. Dahil sa naaresto si Tita, automatic daw na bakante na ang pwesto ng President o CEO. Kaya naman kailangan si Kuya roon bilang Vice President.

Ako, si Ate Yvonne, at Kael naman ay pupuntang presinto kung saan naka-detain si Tita Cherish. Hindi ko alam ang kasong sinampa sa kanya ni Kuya Yvo at ng magkakapatid na Torres. Ang sabi ni Ate, huwag na raw alamin dahil baka makaapekto iyon sa nararanasan, o sitwasyon ko.

Sa byahe papunta roon, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng habag para sa pangalawang ina. Hindi ko matanggap na nagawa niya sa'kin iyon, pero hindi ko rin naman kayang tanggapin na kailangan pa niyang umabot sa ganito. You wouldn't be able to let it sink in your mind when you see the Cherish Buenaventura, who was once a powerful CEO in the field of Engineering, Architecture, and Construction, sitting inside a cell.

It is damn heartbreaking.

Hindi ko nga alam kung magandang ideya pa ba na isinama ko si Ate Yvonne ngayon sa pagbisita kay Tita dahil baka magbreakdown siya sa harap ng kanyang ina. Hindi ko nga alam kung mabuti ba iyon para sa kalagayan lalo na at...

Mabilis akong napangiti sa sarili ko.

Ate Yvonne is pregnant with their first child. Like, finally! After being married for years, ngayon pa lang sila magkakaanak na mag-asawa. She just announced it earlier at breakfast! Gulat na gulat nga si Kuya Yvo dahil naunahan pa siya ng kapatid niya magpakasal at magkaanak!

Ewan ko rin ba. Kuya Yvo has been in a relationship with Ate Amanda for years now, but... they're still engaged, or something. But, who am I to question their decision? Hindi naman ako parte ng relasyon nila kaya hindi na ako umimik sa issue na iyon. Alam ko namang ayos at masaya sila kaya hindi na kami dapat mag-alala pa.

Nang makapasok kami sa loob, tahimik kaming inihatid ng mga nakabantay sa lamesa kung saan naroon na si Tita Cherish. I feel my heart slowly shattering into a million pieces for her as I watch her in her attire that was given here in the precinct.

Nalulungkot ako para sa pangalawang inang tiningala ko sapagkat... isa siya sa mga pinapanood ko sa paglaki ko. She was always fashionable, always gentle and soft, very caring and thoughtful. But here we are...

Why did we have to end up here?

"Anong ginagawa n'yo rito?" malamig niyang utas nang mamataan kami. Mabilis na nangilid ang mga luha ni Ate Yvonne nang makaupo kaming dalawa.

Kael and Kuya Santi stayed outside. We didn't want him to witness the possible outrage of Tita Cherish when she sees us. Ayaw ko nang madagdagan pa ang takot at pag-aalala niya. Sapat na siguro iyong sa nagkulong lang ako, at hanggang doon na lang iyon. Tapos na, wala pang susunod pa. Dahil ipinangako ko sa lahat ng nakamasid sa'min noong gabi ng ika-uno ng taong ito, hindi ko na hahayaan pang lumaki at tumanda si Kael na may dinadalang takot at kinikimkim na pag-alala para sa kanyang pamilya.

You for All Lifetimes (Ferrer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon