Simula

16 0 0
                                    

Simula

"How are you there?" I sighed, putting the mug of coffee down on the table.

"Ayos lang kami ro'n, Kuya," sagot ko, inangat ang tingin sa nakatatandang kapatid.

Nilingon ko ang kapatid kong masiglang nakain sa tabi ng aking kuya. Along with us in the room is my older sister, with her husband.

"Bakit ba kasi hindi na lang kayo rito tumira? It's much safer here!" ani Ate Yvonne. "Plus, it'll give us peace of mind. Kumpara mo kapag naroon kayo, mas mababantayan namin kayo nitong bunso natin!"

Muli akong napabuntong hininga. "Ate, kilala mo naman si Tita. Malaman lang niya na nawala kami sa bahay, baka magwala 'yon! Paano pa kung malaman niyang narito kami? E 'di nadamay pa kayo?"

Kuya Yvo spoke. "You know that we can handle Mama. Bakit mo pa ba siya inaalala? She will never cause you both harm, you know that."

"Really, Yvo?" Kuya Santi spoke. "If kicking them both out of their own home isn't harm, I don't know what is."

"Plus, you're mother's crazy, let's admit it. No offense, babe," dagdag niya. Tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanya. Inirapan lang siya ni Ate Yvonne, at napailing.

Narito kami ngayon sa condo unit ni Kuya Yvo, katulad ng mga nakaraang linggo. Kada sasapit ang Sabado at Linggo, pumupunta kami rito sa condo unit niya, at ni Ate Yvonne para maglinis. Sa loob ng pitong taon, ganoon ang naging sistema simula noong pinalayas kami ni Tita Cherish sa bahay namin.

Kuya Yvo and Ate Yvonne are my step siblings. Given that, you know that Tita Cherish is my step mother. Sa hindi malamang dahilan, ang ama ko ay muling nag-asawa matapos mamatay ng aking ina matapos ipanganak ang bunso kong kapatid, si Mikael.

After years, bumigay din ang katawan ni Papa. He left me to the hands of my step mother. Sa una, naging maayos. Hanggang sa nangyari ang mga nangyari pitong taon na ang lumipas.

Nang palayasin kami ni Tita sa bahay, agad na sumaklolo sa 'min ang dalawa. Sila ang nagbigay sa 'min ng matitirahan. Lahat ng gastusin, sila ang sumasagot. Kuryente, pagkain, mga pangangailangan sa eskwela, lahat. Sa kabila ng kahihiyan, hindi ko matanggihan iyon noong mga panahong iyon dahil anong magagawa ng isang labingwalong taong gulang na katulad ko? Bukod pa sa hindi pa ako tapos mag-aral, hindi ako pwedeng basta-basta magtrabaho para may mapagkunan dahil bata pa ang kapatid ko noong panahong iyon. Hindi ko siya pwedeng iwanan.

Para mabawasan ang gastos nila sa 'min, sinikap kong makakuha ng scholarship sa eskwela nang tumuntong ako sa kolehiyo. At ngayong nakapagtapos na ako... hindi ko pa rin alam ang mangyayari sa buhay namin.

"Let's not speak ill of Mama, Santiago. We all know what was the reason of her anger. Though, I wouldn't tolerate her behavior, we have to be reasonable and considerate," ani Kuya Yvo. Nanatili akong tahimik sa gitna ng pag-uusap nila, at sinabayan na lang kumain ang nakababatang kapatid.

"My bad," si Kuya Santi.

Tinanguhan lang siya ni Kuya Yvo.

"Gutom ka pa ba?" kausap ko sa kapatid ko.

May laman pa ang bibig, ngumiti sa 'kin si Kael. "Opo, Ate! Kapag narito po talaga tayo, ang dami kong nakakain! Ang sarap din magluto ni Ate Yvonne!"

Ngumiti ako, hindi alintana ang kirot sa puso sa naging sagot ng kapatid.

"Oh, Kael!" ngisi ni Ate Yvonne. "I would have felt fluttered by your comment, but it was your sister who cooked that!"

Lalong lumaki ang ngiti ko.

"Talaga, Ate?" nanlaki ang mga mata ni Kael. "Sabi ko na! Kaya ang sarap, e! Ikaw pala ang nagluto!"

You for All Lifetimes (Ferrer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon