Kabanata 8

8 0 0
                                    

Kabanata 8

Date

"Kuya Lance!" sabay naming bigkas ni Tobi na mukhang gulat rin sa nakikita ngayon.

Wearing his usual formal attire of longsleeve polo, black slacks, and dark leather shoes, he slowly looked at the guy next to me.

"Serene," malamig niyang usal.

"Kuya?"

"Get in the car."

Napakurap ako sa malamig niyang sabi at nilingon ang kasama. "Pasensya ka na, kailangan ko nang umuwi. Salamat sa paghatid, Tobi."

"W-walang anuman, Serene—"

"In the car now, Serene!" mariin ngunit medyo kalmado nang sabi ni Kuya Lance.

Nagtataka ko siyang nilingon at nagsimula nang humakbang. "Ito na nga, o."

"Ingat ka," nilingon ko pabalik si Tobi at ngumiti bago pumasok ng sasakyan.

Nakita kong kumibot ang labi ni Tobi habang nakatayo pa rin silang dalawa sa labas ng sasakyan. Balak ko sanang lumabas ulit para pakinggan ang kung anong pinag-uusapan nila nang biglang bumaling sa sasakyan si Kuya Lance, at agad na nahuli ang tingin ko. Sa sobrang tinted ng mga bintana ng sasakyan niya, hindi ko alam paano naging posible iyon!

Tahimik lang kami buong byahe. He was obviously in a foul mood, kaya hindi ko na sinubukan pang kausapin siya. Hindi ko pa siya gamay, at natatakot akong bigla niyang sigawan.

Saglit ko siyang nilingon.

Gripping the steering wheels a bit tight, he let out his nth sigh. Kunot ang noo, paulit-ulit na umiigting ang panga, at masama ang tingin sa daan, halatang-halata nga talaga na badtrip siya.

Curiosity winning over fear, I inhaled deeply before speaking.

"Tinext ko si Manong, kanina pa," sabi ko. Nanatili ang talim ng tingin niya sa daan, pero hindi na ganoon kalala ang pagsalubong ng kilay niya. However, it doesn't lessen the fact that he's in a bad mood right now. "Bakit ikaw ang sumundo sa 'kin?"

Napanguso ako nang pinagmamasdan ko siyang hindi sumagot sa tanong ko. His usual playful look was gone the minute the afternoon light shadowed the side of his face that I was currently looking at. His face was dark, and I cannot help but think that he looked suddenly dangerous, like his other older brothers! Is this a usual look for the Ferrers? A perpetual scowl, and an intimidating aura?

I probably look as intimidating as my father, but hell, I don't think I could pass the chillness of the stares of the Ferrers! They were scary when they were invited for lunch, and no smile was evident on their faces! Kung hindi lang nila kami nakita ay baka nanginig na ako sa kaba dahil sa sobrang seryoso ng mukha nila!

"May problema ba?" tanong kong muli, hoping to finally get him talk. Did he have a bad day at work? At school? Nakakainis naman kung ako ang pagbubuntungan niya ng inis niya. "Kuya Lance?"

Nagpakawala lang siya ng mahabang buntong hininga bago nagsalita. "We'll talk when we're at your house."

Agad kong tinikom ang bibig ko, at hindi na sumagot pa. Mukhang badtrip talaga siya, at kung mangungulit pa ako, baka mag-away kami kapag ako nga ang pagbubuntungan niya ng inis!

"Oh, good afternoon, hijo! Serene!" maligayang salubong sa amin ni Tita Cherish. "Mabuti naman at nakarating na kayo."

"Magandang hapon, Tita," halik ko sa pisngi niya. "Bakit nga po pala si Kuya Lance ang sumundo sa 'kin? Nakakahiya, at pwede namang ang driver na lang."

You for All Lifetimes (Ferrer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon