Kabanata 12

8 0 0
                                    

Kabanata 12

Girlfriend

Halos takbuhin ko ang daan papuntang parking dahil sa kaisipang kanina pa roon naghihintay si Kuya Lance. I was too entertained in our group's conversation, I forgot that he fetches me everyday, at the same time!

Nang makapasok sa parking lot ay agad kong namataan siya, nakahilig sa sasakyan at naghihintay.

Agad na kumalat ang pait sa sistema ko nang makita rin ang babaeng nasa harapan niya, halatang kinakausap siya, at tsumatsansing! She was boldly touching his arm, and chest, habang si Kuya Lance, wala man lang ginagawa para pigilan ang babae! Sino naman 'yon? Girlfriend niya? Babae niya?

Lalong pumait ang timpla ko dahil sa naisip.

Giving them more time bitterly, I slowed down my walking. But unfortunately, a few cars aways from them, our eyes met. Agad akong napabuntong hininga, at sinubukang pakawalan ang namumuong selos, at sama ng loob. Damn it! Ni wala akong karapatan makaramdam ng ganito!

Halos mapairap ako nang tumayo siya nang tuwid at hindi na inalis ang tingin sa 'kin. What now? Feeling mo bistado ka na dahil sinabi mo sa 'kin na wala kang girlfriend, tapos mayroon pala? Damn you!

Para na akong hinihingal dahil sa umuusbong na galit sa loob-loob ko! How dare him! Talagang ganitong naghihintay siya sa 'kin niya naisipan na makipaglandian sa babae? Habang naghihintay sa 'kin? Nakakahiya naman pala sa kanila! Inaagaw ko ang oras nila!

"Serene," he called when I was already near them.

Nilingon ako noong babae. Matangkad siya ng ilang pulgada sa 'kin. Baka higher level sa 'kin ito sa university kung dito nga siya nag-aaral. Wearing an orange fitted cropped top, along with her fit denim skirt, and white sneakers, she ran her eyes from my head to toe.

"Sino 'to, Lance? Kapatid mo?" agad na tumaas ang kilay ko. Kapatid? Mukha akong kapatid nito? Lalong nag-init ang mukha ko sa iritasyon. Pero sa iritasyon ay mas pinili kong huwag ipakita ang pagkainis sa kanilang dalawa, kaya nanatiling seryoso at walang pakielam amg mukha ko.

"Hatid mo muna siya, tapos kita tayo? What do you think?" ibinalik niya ang tingin kay Kuya Lance at humalukipkip sa harap nito. Nanatiling nakatingin sa Kuya Lance sa 'kin, hindi tinatapunan ng atensyon ang kausap, pero hindi nagsasalita. "You know, you should get her her own driver, para naman hindi ka naiistorbo sa mga biglaang lakad mo katulad nito."

"Well then, kung may lakad pala kayo, umalis na kayo at tatawagan ko na lang ang driver namin para magpasundo," agad kong sinabi. E, istorbo lang pala ako sa kanila, e 'di umalis na sila rito! Gawin na nila ang gusto nila at huwag na nila akong isipin!

I fished for my phone, walking fastly away from the two, and about to dial my driver's contact when Kuya Lance called me, making me look at their direction again.

"Bakit pa, Lance? Hayaan mo na, at may driver naman pala kayo. Let's eat dinner? Watch movies? Ano?" patuloy na yaya noong babae. Sino ba siya?

"May sasabihin ka ba o wala? Kasi kung wala, aalis na ako," I don't give a damn if I come out rude to the both of them! I don't care! Sila nga, walang atubiling pinaparamdam na istorbo ako sa kanila, tapos magmukha lang bastos, inaalala ko pa? Huwag na lang!

Kumunot ang noo ni Kuya Lance sa 'kin. Agad na umusbong ang kaba sa 'kin dahil sa pagkasuplado ng itsura niya ngayon habang nakatingin sa 'kin. Pero sa kabila noon ay nanaig ang iritasyon ko kaya napantayan ko pa ang iritasyon ng mukha niya, dahil panigurado, mukhang galit na rin ako ngayon!

"Get in the car," aniya.

"Ang sabi ko, kung may lakad pa kayo, umalis na kayo, at—"

"Get in the fucking car, or I'll drag your ass here!" mas mariin niyang sinabi, at lalo kong ikinakaba ang nakakatakot niyang boses. Okay, damn! His voice is definitely scary when angry! I'll take note of that.

You for All Lifetimes (Ferrer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon