Kabanata 2

10 0 0
                                    

Kabanata 2

Harsh Advise

"Mama! Ayoko nga! What the hell?" rinig kong sigaw ni Ate Yvonne nang makapasok ako sa gate ng aming bahay.

Kauuwi ko lang galing eskwela, at alas kuatro na ng hapon. At ang marinig ang sigaw ng nakatatandang kapatid ay nakakabagabag. Hindi naman siya madalas na umayaw sa mga gusto ni Tita Cherish kaya... ano kaya ang mayroon?

"Ah!" I heard Tita Cherish laugh awkwardly nang makalapit na ako sa pintuan at nasilip ang mga nangyayari sa loob.

Sa aming tanggapan, naroon sina Tita Cherish, kasama si Ate Yvonne at Kuya Yvo. Sitting on the other sofa in front of them are two other people. One woman, and one man. Both in their formal attire. Is this supposed to be a private meeting? Bakit sila rito nag-uusap at hindi sa opisina o 'di kaya'y sa study?

Chest heaving, Ate Yvonne breathed heavily and almost panted as she looked at Tita Cherish with disapproval and anger. Habang si Tita Cherish ay nakahawak sa magkabilang braso ng anak, tila pinapakalma ito habang nahihiyang nakangiti sa mga bisita.

"My apologies, I'll talk to my daughter later, and settle this with her. I'm so sorry," ani Tita Cherish.

Tuluyan na akong pumasok sa pinto dahilan ng paglipat ng tingin sa 'kin ng lahat.

"Magandang hapon, po," bati ko nang magmano ako kay Tita at humalik sa pisngi ng mga kapatid.

"Magandang hapon," yumuko ako at ngumiti sa mga bisita.

"Good afternoon, hija," ani noong babaeng bisita. Maagap kong inayos ang bagsak at mahaba kong buhok bago muling nilingon ang pamilya.

"Aakyat na po ako at magbibihis. I'll leave you all here, po," I bowed slightly and went to the stairs leading to the second floor of the house.

Nang makapagpalit na ng damit ay agad kong tinungo ang garden ang bahay kung nasaan ang kapatid ko tuwing hapon, at naglalaro.

Nang makababa ng hagdan ay wala na roon sina Tita. Probably went to the study to continue their talk. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang nila iyon naisipan gano'ng mukhang importante at pribado ang kanilang pag-uusap.

Agad akong lumabas sa sliding door, at nakarating na sa garden. At doon ay ang kapatid kong nakikipaglaro sa aming alagang aso.

The laugh of my five-year-old brother rang as he chased Maya, our golden retriever pet.

"Hmm, no kiss for me?" I called. Agad siyang nahinto at napalingon sa 'kin. Nang masilayan ako ay agad na ngumiti nang malaki at sa 'kin naman tumakbo.

"Ate Raffy!" I bent down when he hugged my knees to kiss his forehead and ruffle his damp hair.

"Hello, Kael. Pawis na pawis ka na," wika ko at pinunasan ang kanyang noo at leeg. "Kanina ka pa ba naglalaro? Nagmerienda ka na ba?"

Kumurap lang siya sa 'kin, at hindi nagsalita. Agad akong natawa sa natanto. He probably doesn't know which question to answer.

I grinned at him. "Kumain ka na ba?"

"Mm-mm," he nodded. "Pina...kain ak-ko n-ni Kuya Y-Yvo k-kanina, At-te!"

"Bakit mag-isa ka rito? Wala kang kasama maglaro," dagdag ko at nagpatuloy sa pagpunas ng kanyang pawis.

"Hmm," ngumuso siya. "M-may dumating p-po kanina, e. Tita Che-Che said I s-should p-play mun-na."

I nodded. Sa hindi malamang kadahilanan, lagi akong naaaliw sa pagkautal ng kapatid. Pero... hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit siya hirap magsalita. Iniisip ko na bata pa siya kaya ganoon.

You for All Lifetimes (Ferrer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon