Kabanata 26

8 0 0
                                    

Kabanata 26

Uuwi

"I'll bring that for you..." ani Shan na biglang sumulpot sa likod ko. Napanguso na lang ako at iniabot sa kanya ang box ng mga gamit ko.

Dalawang linggo na simula noong 'nagkaaminan' kaming dalawa. At ngayong araw ng Miyerkules, heto kami sa opisina at naglilipat ng gamit.

Noong isang linggo pa kasi ako inaalok ni Shan, more like inuutusan, na ilipat na ang desk ko sa loob ng opisina niya. Which is ridiculous! Sino namang boss ang maglalagay ng intern niya sa loob ng opisina niya? Siya lang ata. Lalo lang umigting ang mapanuksong tingin sa'kin ni Dione habang pinapanood kaming dalawa. Pinandilatan ko lang siya, at naiiling siyang natawa sa'kin.

"What?" sabi ni Shan nang nakita kong nakadungaw pala siya sa'kin nang pandilatan ko ang katrabaho.

Umiling na lang ako. "Wala. Bakit ba kasi lilipat pa ako sa loob? Pwede naman akong dito na lang sa labas kasama ni Dione. Mamaya may tsismis pa na kumalat na may nililigawan kang intern mo."

"So? It's true, anyway. So, it's not a rumor anymore," nagkibit balikat siya, bago kaswal na pumasok ng opisina niya dala ang ibang gamit ko. Napailing at napairap na lang ako sa sagot niya.

"I know that it's not a rumor, Shan. But, hello? We're at work. We should be professional. Not because you're courting me doesn't mean hahayaan na lang na may umikot na balita sa kompanya. Ano na lang ang sasabihin ng mga empleyado mo? Na inakit ka ng intern mo?" pakikipagtalo ko pa.

Walang imik niyang inilapag sa desk kong nasa loob na ng opisina niya ang box. Matikas siyang humilig doon at pumamulsa, nakanguso at nanliliit ang mga mata sa'kin, tila nag-iisip at nananantya. Nagtaas lang ako ng kilay sa kanya habang nakapamewang sa harap niya.

"So? Inakit naman talaga ako ng intern ko, noon pa," aniya. Napansin ko ang pagkatigil ng ibang trabahador na nasa loob ng opisina para tignan kaming dalawa. He smirked at me when he noticed them, too. Agad akong napairap at matalim siyang tinignan.

"Ang kapal mo, hindi kita inakit!" giit ko. Mabilis niyang hinila ang siko ko, kaya bigla na lang akong nadala papunta sa kanya. Kaya naman ngayon ay nakatalikod na ako sa kanya, at nakatingin sa mga trabahador na halatang hindi alam kung lalabas ba ng opisina o magpapatuloy sa ginagawa! Lalong nag-init at namula ang mukha ko nang maramdaman ang mabagal na pagpulupot ng isang braso niya sa bewang ko.

"Actually, you did," he whispered. Patago kong kinurot ang hita niyang nasa gilid ko lang, kaya napadaing siya.  Parang pinigilan pa ng ibang taong narito na lingunin kami.

"Pwede ba? Nasa trabaho tayo! May mga empleyado ka rito, o!"

"You may leave us," baritonong utas ni Shan, kaya naman nagmamadaling nagsilabas ang mga empleyado. Nasapo ko na lang ang mukha ko dahil talagang ginagawa niya ang gusto niya.

"Pwede na ba kitang lambingin?" masuyong bulong ni Shan sa'kin, tapos ang hinalikan ang tainga ko! Hindi ko na napigilan pa ang paimpit na tili ko dahil sa pagkakiliti. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko, at kinurot muli ang hita ni Shan.

"Damn it! Nakikiliti ako! Ano ba!" natatawa kong sabi nang hapitin pa lalo ni Shan ang bewang ko, at patuyang hinalikan ang tainga ko pababa ng leeg. Kaya halos umalingawngaw ang mga hagikhik ko sa opisina.

Damn it! Nakakahiya!

He was chuckling behind me, as he continued on kissing my ear and neck, listening to my suppressed giggles.

"Shan, stop it!"

"It's okay, baby... my walls are soundproof, anyway..." bulong niya, tapos ay dalawang braso na ang pinulupot sa'kin. Sa huli ay hinalikan na lang ang pisngi ko, at ibinaon ang mukha sa buhok ko.

You for All Lifetimes (Ferrer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon