Kabanata 29

6 0 0
                                    

Kabanata 29

Selfish

Nakatayo na ko sa bandang gilid at likod ng swivel chair ni Shan habang inutusan ni Shan si Dione na papasukin na si Tita. Mabilis ang tambol ng dibdib ko nang marinig ang pagbukas ng pintuan, at ang pag-alingawngaw ng boses niya sa buong opisina.

"Oh, Lance! Looks like a pest—" she stopped in her tracks after her roamed and stopped at me. "...is still here, huh?"

"Oh well!" she exclaimed and continued walking towards the large desk. "I was able to actually ignore your unappealing presence the first time. I guess now, I have to be patient to be not annoyed with you."

"Good afternoon, Mrs. Buenaventura," pag-iignora ni Shan sa parinig ng madrasta ko.

Mahina akong tumikhim nang pumwesto na rin si Dione sa kabilang gilid ni Shan. My heart hammering so damn wildly in my chest, parang lalabas na ito sa katawan ko sa sobrang kaba dahil nasa harap ko lang si Tita.

"Why is she inside your office now? Last time I checked, her desk is outside your office, right? In the office of the secretaries?" patuloy na pang-uusisa ni Tita.

"Let's proceed to your business with me, Mrs. Buenaventura," ani Shan na kinatigil ni Tita sa kinauupuan niya. Awkward siyang tumawa bago tumango.

"Oh, of course, hijo!" nahihiya niyang sabi. "You really take your work seriously! Hindi na kataka-taka ang pagmamalaki sa iyo nina Natalia at Luis!"

Hindi umimik si Shan at nanatiling magkahawak ang kamay habang pinapanood ang ina ko.

Tumikhim si Tita bago tumuwid ng upo. "Well, anyway..."

My step mother wanted to establish her own mansion in her recently bought real estate somewhere in Visayaz. With her managing an architectural firm, she already have her own design of the project already. Since Shan's company is a full-time construction company, all that she needs for construction can be availed here already.

But a mansion? A recently bought real estate in Visayaz?

Napangiti ako sa sarili ko. She's still doing good until now. She probably manages the firm well with Kuya Yvo and Ate Yvonne kaya naman kaya na niyang bumili ng ganoon.

I am truly happy for them. I am happy for my step mother.

At kahit ayaw ko, naaawa ako para sa sarili ko. Ni hindi ko napakinabangan ang mga iniwan sa'kin ni Papa. Ni wala akong nakuhang pabalik sa mga iniwan sa'min ni Mama. After years, I'm still working to be able to pay rent through my siblings, to provide for me and Kael. Pero sila... nakabili na ng sariling lupa... patatayuan pa ng mansion! How easy and light their life is...

Saglit lang naman at natapos agad ang meeting na iyon dahil nagpahayag lang si Tita tungkol sa kagustuhan niyang ang kompanya ng mga Ferrer ang mamahala sa construction.

Lumipad na ang oras at nagulat na lang ako, tapos na ang departamental meeting, at nakuha rin ni Shan ang deal na siyang last meeting niya para sa araw na 'to!

"Congratulations on that deal, Engineer," yuko ni Dione.

Yumuko na rin ako at bumati. "Congratulations, Engineer..."

"Thank you," pormal na tumayo si Shan at itinupi ang cuffs ng sleeves niya hanggang siko. "Pwede kayong maagang umuwi ngayon. Submissions of papers due today will be moved tomorrow so you can go home early."

Malaking ngiti ang iginawad ni Dione kay Shan at mabilis na tumango. "Thank you, Engineer! Iuuwi ko na lang po ang mga files at sa bahay na gagawin. I'll make sure to pass it first thing tomorrow."

You for All Lifetimes (Ferrer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon