Kabanata 9

6 0 0
                                    

Kabanata 9

Sudden

"Nag-enjoy ka ba ngayon?" tanong ko sa kapatid ko habang sinusuklayan ang basa niyang buhok. Katatapos lang niya maligo, at inaayusan ko na siya para sa pagtulog.

"Yes, Ate!" maligayang sagot ng kapatid ko. I smiled at him, and lightly pinched his nose as he giggled cutely at me. "Kuya Lance is super cool! He's good at basketball! I want to be good like him!"

"Really? I didn't notice," pabiro kong sabi habang patuloy siyang sinusuklayan.

"I want to be the best basketball player someday, Ate!"

I chuckled at his words. "Of course, you'll be the best, Kael. Gusto mo ba bilhan ka ni Ate ng basketball attire? Pati ng sapatos?"

"Talaga? Yes! Yes, Ate! Yes!"

I laughed more at his excitement. "O, sige. Promise to be good boy, and I'll buy you those, I promise."

"Talaga, Ate? Yey! Yes! I promise, magiging super mabait ako, Ate!"

"Alright, time to sleep."

Matapos ang pagpunta sa kapatid ko, agad akong nagtungo sa kwarto para maligo at magbihis. Pagkatapos ay bumaba para magtimpla ng gatas bago matulog.

Like some whirlwind, memories from earlier danced into my mind as I stared into blankness, drinking my milk.

We didn't go to somewhere fancy. In fact, just to a nearby mall from the subdivision.

Ang totoo, kinakabahan talaga ako noong nasa byahe kami. Hindi ko alam, at wala akong alam, sa lakad na 'to. And unwillingly, I thought it was a real date between Ate Yvonne and Kuya Lance!

Pero katulad nga ng mga napag-usapan namin sa plano, upon arrival on the parking lot around the mall, we saw Kuya Santi, waiting by his car, and on his casual clothes.

So, this is literally a date. But theirs! Not Ate Yvonne and Kuya Lance's! But for the couple! Para lang kaming naging cover-up sa date nila, para nga maipakita kay Tita Cherish na sinusubukan naman niyang pakisamahan ang gustong ipakasal sa kanya.

We ate dinner on a fine restaurant. At pagkatapos noon ay nanood ng movies sina Ate Yvonne and Kuya Santi. Inalok naman nila kami, pero magalang akong tumanggi dahil kasama ko si Kael, I was afraid he'll throw a fit when he's bored watching.

Kaya naman nagdesisyon kaming maghiwalay. Kami ni Kael ay sa isang arcade, at ang dalawa ay manonood. Sumama sa 'min si Kuya Lance dahil ayaw daw niya kaming hayaang umalis na kami lang, at humiwalay. Not finding anything wrong with it, I agreed, watching Ate Yvonne's grin grow wider. She's really crazy.

Kaya iyon nga ang nangyari. Sinamahan niya kami maglaro ni Kael. Kahit na masyadong pambata, hindi niya iyon inalintana at nakipaglaro talaga. Mayroon nga lang na hindi na pwede sa edad namin kaya si Kael lang ang pwede.

Niyaya niya kami sa isang photo booth sa loob ng arcade, katabi ng mga karaoke rooms and claw machines. Medyo may kaliitan iyon, kaya naman nagsiksikan kami, lalo na dahil malaking tao si Kuya Lance!

I actually blushed at the photo because we were like a little family! Jesus, bless my thoughts!

Mayroong nakasmile kaming dalawa habang mukhang nawawala si Kael. May nakapeace sign kami, nakawacky! And my, I can't believe that even in an ugly pose, Kuya Lance looked absolutely adorable, and... still handsome! How unfair! Mayroon pa nga iyong inakbayan niya ako, at nilapit nang maigi sa kanya! And to my horror, I looked shocked and startled at the photo! Nakakahiya! Malalaman niya na apektado ako lagi sa mga ginagawa niya!

You for All Lifetimes (Ferrer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon