Kabanata 38

9 0 0
                                    

Kabanata 38

Abala

"Tss... huwag mo akong pagmadaliin, Ate Yvonne..." sabi ko habang nakaipit ang cellphone ko sa pagitan ng tainga at balikat ko, at nagliligpit ng gamit.

Mabilis kong kinuha ang isang maleta na dala ko, at binuksan nang mailapag sa kama ng silid.

"Anong huwag pagmadaliin? Huwag mo akong paghintayin!" utas niya sa kabilang linya. Natatawa akong umiling at inirapan ang ere dahil hindi naman niya ako nakikita.

After meeting with Attorney Borromeo with my siblings, and Shan, I learned about everything that my parents left for me and Kael. I also had a glimpse of how the firm works that same day.

Sa sumunod na araw ay tulad ng napag-usapan, pagsapit ng alas diez ng umaga ay bumusina ang sasakyan ni Kuya Yvo, at handa na kaming ihatid sa mansion. O si Kael at ang gamit niya. Dahil mas maaga sa kanya si Shan noong araw na iyon. Napilit niya akong sumama talaga sa lahat ng lakad ko noong araw na iyon porque hindi gaanong abala sa kompanya niya.

"Oh? Hindi ka sasabay?" ani Kuya Yvo nang mailagay sa likod ng sasakyan niya ang mga bag ni Kael. Umiling ako. Nagtaas siya ng kilay nang makita ang lalaking kalalabas lang ng gate sa likod ko. "Nawiwili..."

Napangisi na lang ako sa kumento niya.

"Good morning, Yvo..." baritonong bati ni Shan nang maramdaman ko na siya sa likod ko.

Lalong tumaas ang kilay ni Kuya Yvo. "Magpakasal muna kayo bago kayo matulog nang magkasama!" tapos ay binuksan na ang pinto ng sasakyan niya.

Kumunot ang noo ko at ngumiwi sa kapatid. "What?"

"Tss..." ani Kuya Yvo nang humalakhak si Shan. Nagsalit ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Sumunod na kayo sa mansion. Naroon na ang sina Yvonne, at Amanda."

Tumango lang ako. Muli kong sinulyapan si Shan na halos himagikhik na kakapigil sa tawa niya.

"Anong nakakatawa?" tanong ko sabay taas kilay sa lalaking kasama ko. Agad ko siyang hinarap at humalukipkip.

Ngumisi lang siya. "Ano?"

"You're brother thinks I slept here," lalong lumaki ang ngisi niya. "Magpakasal daw muna tayo... tara na kaya?"

Lalo akong napangiwi. "Not that I don't want to marry you, but what the hell is funny about that?"

I looked up at him as he walked closer to me, and held my waist.

"Baby, your brother thinks we... did it..." he whispered and bit his lower lip, while arching his brow looking so amused.

Mabilis na umawang ang labi ko nang matanto ang sinasabi niya.

"Wha- shut up!" I exclaimed, feeling the heat of my face.

Humagalpak siya ng tawa bago hinalikan ang noo ko.

"Ate, dito na po ba ulit tayo titira?" ani Kael nang kumakain na kami ng tanghalian sa dining ng mansion.

Napaangat ako ng tingin sa kanya nang matigilan.

"Kaya po ba ako nagdala ng mga damit?" dagdag niya.

Mabilis kaming nagkatinginan nina Ate Yvonne at Kuya Yvo bago si Shan na nakataas lang ang kilay sa'kin, tila nag-aabang din sa isasagot ko.

"There's a big possibility, Kael," I slowly answered. "We will see how things will go, then, I'll tell you, okay?"

Tumango siya. "Titira na po ba tayo ulit kasama si Tita Cherish?"

You for All Lifetimes (Ferrer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon