Chapter 3

1K 43 0
                                    

Isang milyong piso para maisapelikula ang istorya ko. Paunang bayad pa lang iyon dahil hindi pa kasama roon ang royalties na makukuha kung sakali. Pati ang suswelduhin twing kailangan kong magpunta sa set.

Bayad ang lahat.

At hindi ako magpapakahipokroto para sabihing hindi ko kailangan ang mga iyan. Sa susunod na taon ay nasa kolehiyo na si Ali. Ako lang ang mag-isang kumikita para sa anak. Bukod pa roon ang buwanang pagpapadala rin kila mama.

Malaking tulong iyon, sigurado ako.

Pero, 'me' saying a yes to that job is next to impossible! Para ko lang inalay pa ang sarili sa isang kumunoy.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa sobrang pagkadismaya. I want a job! I want those money for Ali! I need those!

Pero hindi ko itataya ang sarili ko doon.

That's... I just can't do it.

I mean, look! May karapatan naman ako 'diba? Labing pitong taon! Iniwan niya ako ng walang sabi sabi. Hindi niya pinanagutan ang batang ginawa niya! Hindi niya pinanagutan ang Ali ko at wala na akong mas igagalit.

Napalatak ako sa biglaang sigaw ng anak mula sa labas ng banyo. Naliligo kasi ako at ito lang naman ang pagkakataon ko para mag-isip isip dahil ayoko nang mapansin pa ni Ali.

Nagmamadali niyang kinatok ang pinto, "Mommy!"

Napakunot muna ang noo ko at akmang magsasalita noong inunahan na niya ako, "May nagpadala ng cheke! Isang milyon, Ma!"

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan. Anong ibig sabihin noon? Hindi pa ako umu-oo! Wala pa akong pinipirmahan ni isang kontrata.

"Palabas na ako, antayin mo ko dyan."

Minadali ko ang pagligo, nanginginig nginig pa nga ako habang iniisip kung ano ang pupwede pang mangyari.

The moment I step out of the bathroom, mahigpit ang naging yakap sa akin ng anak. "Hey! What happened?"

Binalot ako ng pag-aalala. Hindi kasi nakatakas sakin ang naiiyak na boses na anak. "Thank you, Ma. For working hard. Alam ko pong nahihirapan ka dahil sakin. T-Thank you."

Mabilis nanubig ang mata ko. Dapat sanay na ako sa paglalambing na ganito ni Ali pero hindi ko pa rin mapigilan ang maiyak. Masarap sa pakiramdam na naaappreciate ng anak mo ang mga ginagawa mo para sakanya.

Iyon na ang nagsisilbing trophy para sa aming mga magulang.

"Wala 'yun, okay?" pinilit kong harapin ang anak. "Ginagawa 'yun ni Mommy kasi mahal kita."

Tumigil na sa pag-iyak si Ali noong harapin ako, binigyan na niya ako ng malawak na ngiti kaya kumalma na rin ang pakiramdam ko. "Nasaan na 'yung cheke?"

Mabuti ay agad kong naalala iyon. This is a big misunderstanding! Hindi pa ako umu-oo sakanya kaya bakit niya ako bibigyan ng initial payment?!

"Andito, Ma." itinuro niya ang papel na nakapatong sa kama. "Nagulat nga ako, Ma. Hindi na tayo mamomroblema sa college!" naniningkit ang mga mata kong tinitingnan ang masayang anak.

"My friend, Leo, do you remember him? Sa Ateneo siya mag-aaral, ma-" natigilan ito nang mapansin ang sinabi. "-I know it's too much to ask but I want to study there, too."

Napipilan ako. Isa sa pinakamagandang eskwelahan iyon sa bansa. I can definitely trust Ali's future there kaya lang, kakayanin ba namin?

"Pero, Ma. Okay lang naman po kung hindi. Marami naman schools na pupwedeng apply-an. Ang mahalaga po, hindi ka mapapagod masyado." tumayo na siya at dumerecho sa kusina. Walang pasok kaya siguradong hindi niya ako hahayaang kumilos maghapon patungkol sa gawaing bahay.

Napatitig ako sa chekeng hawak. Pwedeng pwede kong isecure ang college ni Ali gamit ang mga perang makukuha sa inaalok na trabaho sa akin ng StyraxCinema pero kapalit naman noon ay ang pagpapapasok ko kay Josiah sa maliit na parte ng buhay ko.

Kahit pa boss - ayoko siyang maging malapit sa akin.

Pero ang anak ko.

Sapat naman ang sinasahod ko sa publishing company pero hindi nga iyon sasapat sa mga susunod pang taon lalo pa dahil kolehiyo na ang anak ko next year. Malaking oportunidad 'to.

Hindi ko ito dapat palampasin pero... kakayanin ba ng puso ko?

"Ma, kain na tayo."

Muli kong binalingan ang chekeng hawak. Lahat naman siguro ng ina gagawin ang lahat para sa anak.

--

Pagkatapos makakain ay minabuti ko nang gumayak. Iniwan ko si Ali bahay kaya sinigurado ko sa sarili kong magiging madali lang ang pagpunta ko roon.

Malapit lang naman pala ang Styrax sa tinitirhan namin, hindi na naging hassle sa akin dahil hindi ko na kailangan pang suungin ang traffic sa EDSA.

"Good morning. I'm here for Mr. Jacinto." entrada ko sa gwardyang naroon. May tinipa ito sa computer na nasa harap pagkatapos ay tinanong ang pangalan ko.

"Tanya. Tanya Tebrero."

Sa isang pinto, umaliwalas agad ang mukha ng sekyu. "Pumasok na po kayo, Ma'am. Kanina pa kayo inaantay ni Sir."

Napalatak ako. At talagang inaasahan niya ang pagpunta ko? Plinano niya ang lahat?

Paakyat sa lugar na itinuro ng guard ay nagsisimula nang kumulo ang dugo ko. Ano na naman bang pakana ng Josiah na iyan? Patagal nang patagal naiisip kong pinaglalaruan niya lang ako dahil sa pagkukunwari niyang hindi ako naaalala.

Nang may nakita akong sopistikadong pintuan ng opisina, hindi ko na kailangan pang tingnan ang pangalan ng pinto dahil alam ko nang iyon ang tutunguin ko.

Pagbukas ay laglag ang panga akong nalibot ng paningin. Opisina ba ito o mansyon? Mas malaki pa ito kaysa sa bahay na tinutuluyan namin ni Ali, ah!

Nakuha agad ng isang simple pero malakas ang dating na chandelier ang paningin ko. Isa lang ang ilaw noon na napapaligiran ng itim na mga bakal. Malaki rin ang mga sofang nandoon na parang araw araw siya tumatanggap nang bulto bultong bisita. Para ngang ito na rin ang lugar na pagsho-shooting-an sa sobrang lawak, eh.

"Tanya." napalingon ako roon. Mayamaya ay ipinaikot ang mga mata. Sa ganda ng opisina, nakalimutan ko ata ang pinunta ko rito. Iyon nga palang lalaking ito.

"Hindi ako nagkamali-"

"Bakit mo ginawa 'yun?" hindi na ako nagpaligoy ligoy. Kailangan kong magmadali dahil hindi ako mapakaling mag-isa sa bahay ang anak.

"To hear a yes?" nakangiti niya iyong sinabi na mas lalo ko lang ikinairita. How dare he? Paano nito nagagawang ngumiti kahit may pamilya siyang iniwan? May anak siyang inabandona?

"So sinilaw mo ako ng pera-"

"No!" napalatak din ang kaharap ko. Kapagkuwan ay humina ng kaonti ang boses. "I just want you to think about it."

I unconsciously clenched my fist, kailangan ko na silang masanay sa galit na nararamdaman sa lalaking ito dahil paniguradong matatagalan pa ang lahat.

"Nasaan ang kontrata?" sabi ko na agad na nakapagpagulat sakanya. Maya maya ay takot naman ang nagpakita sa mukha niya.

"W-Why? Pupunitin mo?"

Huminga muna ako nang malalim. Here goes nothing, Tanya.

"Pipirmahan ko."

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon