Chapter 26

702 28 0
                                    


"What the hell are you doing here?!"

Iilang salita lang iyon pero halos maubos nito ang dugo ko sa mukha. "P-Po?"

Nanginginig na pilit kong inuutusan ang sarili kong manatiling nakatayo kahit onting oras na lang ay bibigay na ang mga tuhod ko.

"May gana ka pa talagang iharap ang mukha mo sa amin? Alam mo ba kung paanong nawasak ang anak ko dahil sa kalandian mo?!"

Umalingawngaw ang sigaw na iyon ng ginang dahilan para tumigil ang mundo ko...

Sinisisi niya ba ako sa isang bagay na hindi ko ginawa?

Ni minsan, kahit mga bata pa kami at posible ngang lapitin ng tusko, pero hindi ko naggawang lokohin si Josiah. Ni hindi ko nagawang lumapit pa sa kung sinong lalaki.

Malinis ang konsensya kong wala akong ginagawang masama!

"H-Hindi ko po alam ang sinasabi niyo," nanginginig na saad ko pero imbes na sagutin ay malakas na sampal ang inabot ko.

What the hell? Halos mahilo ako dahil sa lakas ng sampal na iyon.

Doon ay hindi ko na napigilang magalit. Wala siyang karapatang saktan ako! Oo nga at anak niya ang boyfriend ko pero wala pa rin itong access na pagbuhatan ako ng kamay.

"Sumusobra na ho kayo! Alam ko ho sa sarili kong wala akong ginawa kay Josiah! Katunayan, siya ho ang nakipaghiwalay sa akin at iniwan ako-"

Hindi ko na halos mabigyan nang matuwid na titig ang ginang. Pakiramdam ko naglalabasan ang usok sa ilong ko sa sobrang inis.

Matatalim rin ang titig ng ginang nang tinigil nito ang pagsasalita ko, "Iniwan ka ng anak ko dahil nagpabuntis ka sa iba! Kailan mo ba aaminan yan sa sarili mo? Kadiri kang babae ka! Disgrasyada!"

Awtomatikong umawang ang bibig ko kasabay nang pagragasa ng mga luhang kanina ko pa pinipigil.

Parang biglang tuluyang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko kaya nabuwal ako sa kinatatayuan. Ni hindi ako makahinga nang maayos. Hindi ko maaninag ang paligid. Parang biglang akong nabingi dahil sa biglaang nananahimik doon. Wala akong ibang naririnig kundi ang mabagal na pagtibok ng puso ko sa nalaman.

Hindi rin nakatulong ang tuloy tuloy na pagsasalita ng ginang na nasa harap na parang hindi pansin ang panlulumong sinapit ko.

"You don't deserve my child. You're a whore! Mabuti lang na iniwan ka niya agad ng araw na 'yun. Ang kapal kapal ng mukha mo? Talagang kinumbisi mo pa siyang panindigan ang bata? Para ano? Para hindi kayo maghirap ng anak mong marungis! Pare-pareha kayo! Pare-pareha kayo ng mga magulang mo!"

Gusto kong magwala sa nalaman. Gusto kong sisihin ang sarili ko o hindi naman kaya pagbubugbugin ang sino mang taong makakasalubong ko pero ni pagtayo ay hindi ko na halos magawa. Ni hindi ko na halos maigalaw ang mga kamay ko para masampal ang ginang na nasa harap sa pandadamay niya sa anak ko at sa mga magulang ko.

"Akala ba ni Antonio mabuti na siyang ama sa'yo dahil sa sinabi niya sa amin ni Josiah ang totoo? Hindi! Pare-pareha kayong dapat masunog sa impyerno!"

For a minute, mas lalo lang akong nanigas sa sahig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Antonio... si papa... Paano niya nagawa iyon sa akin? Paano niya nagawa iyon samin ng apo niya?!

Himala kong maitituring noong nagawa kong makatayo, siguro ay dahil sa sobrang galit at panggagalaiti. Animo ay binuhat ako nito sa sobrang pagkalugmok sa sahig.

Dali-dali kong sinampal ang ginang na walang ibang ginawa kundi mang-insulto. Kay Ali at sa mga magulang ko. Maging sakin!

Madrama itong napasigaw pero bago ko pa man hindi mapigilan ang sarili kong sabunutan siya ay dali-dali na akong umalis sa lugar na iyon.

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon