Chapter 32 (2)

933 30 1
                                    


"Paano si Aliwa?"

Malalaki ang ngisi ko ng sinubukan kong tapatan ang mga mata niyang hindi pa halos makapaniwala ngayon.

Ah! God knows how much I love this guy! Alam kong sarili ko lang ang lolokohin ko kapag hindi ko hinarapan ang katotohanang iyon.

Naging masaklap na sa amin ang tadhana ng halos dalawang dekada. Pinilit kami nitong pinaghiwalay at pinagkaitan ng kasiyahan kaya hindi ko na hahayaang mahadlangan pa iyon ngayon.

Sapat na ang labing siyam na taong hindi siya kasama. Sapat na iyong hirap na pinagdaanan naming dalawa.

And I'll end those hardships now. Tatapusin ko na ang lahat ng paghihirap na sa una pa lang ay hindi naman talaga namin ginusto.

We deserve better. Our family deserves better!

Nang makabawi sa gulat matapos ang iilang minuto ay saka pa lang nagawang magsalita ng loko. "S-She's mine?"

Imbes na tumango ay ngumiti na lang ako - nagpipigil muli ng mga luha.

"Fuck! I have a girl!" sabi pa niya habang sumusuntok suntok pa sa hangin sa sobrang galak. Wala na ang mga matang puno ng lungkot at takot dahil napalitan na iyon ng purong kasiyahan.

"She's Aleera... napakacute ng batang 'yun! No wonder kung bakit ako ang tatay," mayabang nitong sabi saka humalakhak.

I think he's better now? Nagyabang na ulit, eh.

"B-But... are you okay now?" Tinutukoy ko roon ang depresyong nararanasan niya. Hindi ko man nakita nang deretsahan kung paano siya sumpungin ng sakit, sapat na ang mga kwento ng anak kong si Ali para masabing sobra sobra iyon.

"After six months of treatment, saka ako bumalik rito. Maayos naman ang naging result pero sabi ni Isai, hindi raw ako dapat makampante. May iniinom pa rin naman akong maintenance medicine, nagready na rin sila-"

Natigilan si Josiah ng maramdaman ang mahigpit kong yakap. Hindi ko na kayang tumingin lang, hindi ko na kayang pakinggan lang ang mga masasakit niyang kwento.

Ilang segundo lang noong yumakap na ito pabalik. "I'm sorry, Tanya. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari, nagmahal lang ako-"

"Shhh," pagpapatigil ko rito. "Don't say it. But, before this day ends... I want you to know that I am sorry too. Dapat naging understanding akong girlfriend. Dapat mas inintindi lang kita, Jo."

Pagkatapos noon ay natahimik na kami. Napuno ang iyakan at singhutan ang lugar habang nanatili kaming magkayakap.

I missed him. I missed him so much.

And I'll never let anyone take him away from me... again.

"I may be a little unstable but I promise, mas magiging mabuting daddy ako sakanila- Shit! I'm a dad now!"

Nangingiti pa rin ako habang pinagmamasdan siya. Yes, pinabagsak siya ng mga problema yet eto siya... sobra sobra na naman ang saya dahil sa mga anak niya. Josiah is always worthy to fight for. He's worth it. Sa dulo nang laban, marerealize mong you don't really need the pain. Ngiti lang ng taong mahal mo... ng mga anak mo, washed out na iyong lahat.

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon