Chapter 22

719 30 0
                                    


"A-Ano.. 'to, Jo?"

Nang awtomatikong bumuhos ang mga luha ko, hindi ko na lang alam kung bakit. Kung dahil ba iyon sa sobrang takot at pag-aalala sa binata o dahil sa bumungad sa akin ngayon.

Ang eleganteng opisinang iyon ay napuno nang makukulay na mga lobong kinorteng puso, tumambad din sa akin ang mga bulaklak na nasa sahig - ni ayaw ko ngang matapakan.

Bukod pa roon, may isang mesang eleganteng elegante ang dating na may mga kandila - a candle light... lunch? Medyo weird nga iyon pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha.

Unang strum sa gitara, grabe na ang paghuhuramentado ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako sa dati. Sa kung paanong napasagot ako ni Josiah - sa isang harana.

"Oh, thinking about our younger years
There was only you and me
We we're young and wild and free."

Hindi ko napigilan ang pangingilid ng luha, kung hindi ko alam na may amnesia siya ngayon ay iisipin kong naaalala niya ang lahat. Unang beses niyang kinanta iyang "Heaven by Bryan Adams" ay noong nanliligaw rin siya sa akin magdadalawang dekada na rin ang nakararaan.

"Now nothing can take you away from me
We've been down that road before
But that's over now
You keep me coming back from more

And baby, you're all that I want
When you're lying here in my arms
I'm finding in hard to believe, we're in heaven.

Cause love is all that I need
And I find it there in your heart
It isn't too hard to see, where in heaven."

Kitang kita pa rin ang panginginig ng mga kamay ko nang nagsimula siyang lumapit. Hindi pa ako magkandaugaga, hindi ko alam kung saan ako pupwedeng tumingin para lang maiwasan ko ang magaganda nitong mga mata.

"Tanya," bungad niya. Wala akong ibang nagawa kundi ang ngitian lang ang lalaking kaharap at hindi ipahalata rito ang pagpapanic.

"Nung nakita kita sa parking lot, wala ako ni isang ideya kung sino ka. Hindi ko alam kung ano 'yung pangalan mo pero mayroon sa loob kong nagsasabing espesyal ka," he seems hesitant saying all that... siguro ay kinakabahan.

"Okay, fine. I'll speak english na lang, nauubos 'yung tagalog ko," nagkakamot sa ulong sabi niya. Bumungkaras naman ako ng tawa, kaya naman pala hindi ito kumportable sa pagsasalita dahil hindi nito gamay ang lenggwaheng ginagamit.

"Maybe, my mind have already forgotten Tanya but my heart... it beats for you. For ten years, I've kept myself in the dark. But when I met you... again, I got my number one reason to start living. To reach out, letting myself to get out of my own melancholy. You... made me want more. To feel and live more pero sigurado akong hindi kasama ang kung sino man, except you. Now, I am very sure that I want to be with you."

Sa unang sampung segundo, nanatiling nakaawang ang mga bibig ko. Napasinghap na lang ako noong naramdaman ang malalambot na labi ni Josiah sa labi ko. Gulat man ay mas nagulat ako sa sarili ko noong simulan kong ibalik ang mga halik na iyon.

Hinihingal pa noong subukan akong harapin ni Josiah, "Sorry... I had to kiss you, Tanya-"

Para bang may sariling isip ang mga labi ko at agad siyang siniil ng mga halik. Singurado ko na iyon, hindi ako muling mabibitin sa pagkakataong ito.

Nang kapusin ng hininga ay saka lang ako bumitaw. Nanginginig, hindi ko rin alam ang gagawin. Para bang mas pinaiiral ko lang ang puso ko sa pagkakataong ito.

Hindi ko halos maisip kung anong magiging reaksyon ng anak ko rito. Kung paano niyya matatanggap o kung paano niya pakikisamahan si Josiah.

Magulo pa rin ang isip noong sinubukan ko siyang titigan at doon ko pa lang nakitang maging siya ay nagulat din sa lahat.

"Is... that a yes?"

Napailing muna ako bago tumawa, "May tanong ka na ba?"

Pero imbes na makipagtawanan sa akin ay mabilis ako nitong hinapit papunta sa kanya. Ni hindi ako halos makagalaw. Iyon ang unang beses na naging malapit kami sa isa't isa pagkatapos ng labing pitong taon.

"Can you be mine? Again?"

Nanlalak ang mga matang napipilan ako sa sinabi niya. Anong ibig nitong sabihin?

May naaalala na siya? Naaalala na niya ako?

"W-What?!"

"Again. 'Di ba sabi mo ex kita?"

Doon ay para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin kapag buo na ang alaala niya.

"So, can you?"

Fine! Kinikilig na ako, gustuhin ko mang pigilan ang mga ngiting makakapagpatunay doon ay wala na akong nagawa.

Maya maya pa ay unti-unti na akong tumango pero hindi pa nga halos natatapos ay mabilis niya akong hinila at mas diniin sa sarili niya.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi, iyon na lang kasi ang kaya kong magawa dahil sa sobrang lapit ng mga mukha ni Josiah sa akin. Josiah immediately captured my lips, malalamig naman ang kamay niyang nakahawak na sa mga pisngi ko na parang ginigiya ako noong halikan siya pabalik.

Doon pa lang iba na agad ang naisip ko. Alam kong hindi iyon maganda lalo pa sa estado ni Ali kaya lang, gaano ko man ito kagustong itulak ay hindi ko na rin nagawa dahil sa nanginginig kong mga kamay.

Mariin pang kinagat ni Josiah ang pang-ibaba kong labi kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-ungol. Naramdaman ko ang biglaang pagtangis ng bagang ni Josiah habang pilit pa akong hinihigit papalapit sakanya kahit wala naman ng natitira pang espayo roon.

Ganoon na lang rin ang panlalaki ng mga mata ko nang dumapo ang isang kamay ni Josiah sa dibdib ko, "I miss you, Tanya."

Mariin akong napapikit. Hindi ko na nga lang mawari kung para saan iyon, kung sa sinabi pa ng binata o sa hawak niya ngayon. "J-Jo..."

Nang hindi siya sumagot ay sinigurado kong mas malakas ang susunod kong tugon. "Josiah, are we..."

Wala na sa sarili ko siyang tiningnan. His eyes were full of adoration and desire. Ibang iba sa mga matang madalas kong nakikita sa set. Namumungay na ang mga iyon kaya hindi rin nakadagdag ang nakita ko sa pagpapatigil sa mga tuhod kong kanina pa nangangatog.

"Are we..." pag-uulit ko pa na parang hindi ito kayang bigkasan. "A-Are we going to do... it?"

Dumapo muna ulit ang mga labi nito sa noo ko bago magsalita, "Your choice, hon."

Hon. I like that. Parang gusto kong i-replay nang i-reply ang mga katagang iyon sa isip ko.

Nang muli ko siyang balingan, hindi ko na matansya kung gaano na kapula ang mga mukha ko. Nginitian ko ito at dahan-dahang tinanguan bago ko maramdaman ang mas agresibong mga halik galing kay Josiah.

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon