Chapter 4

976 37 7
                                    

"You signed a contract with that guy?!" kitang kita ko ang panlulumo sa mukha ni Ali. Pagkarating ko kasi ay agad kong sinasabi sakanya ang nangyari. Halatang hindi siya makapaniwalang iyong Josiah na iyon ang magiging boss ko.

"Ali, anak. Siya iyong nagpadala ng cheke," nabago naman agad ang itsura niya. Mas lumala ang pagkadismaya.

"Hindi naman ako palaging nandoon sa set, anak. Kung may mga tanong at clarifications lang naman ako magpapakita," dagdag ko.

"Fine. Basta kapag wala akong pasok at kailangan mong magpunta, sasama ako." napangiti na lang ako sa consistent na akto ng anak. Hindi ko naman sinasabing isang daang pursyentong tama iyon pero nakakataba kasi ng puso ang mga ganon ni Ali. Pakiramdam ko mahal niya ako at may pakealam ito sa mommy niya.

Kung gaano naman ang pagkamalas ko sa buhay pag-ibig ay siya naman iswinerte ko sa anak.

Nanood kami ng movie ng anak ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko si Ali na busy sa panonood at pagkain ng popcorn.

From: Unknown number
I need you

From: Unknown number
For meeting with the directors. Wednesday, 3pm sharp.

Gaano ko man kagustong ihagis ang hawak na cellphone ay humigpit na lang ang pagkakakapit ko roon.

Pinaglalaruan ba ako ng lalaking ito?

Hindi ko na nireplyan ang lalaki. Wala rin namang magagawa iyon dahil pupunta naman ako sa meeting dahil nasa kontrata iyon.

Bumagsak na lang ang balikat ko't napailing. Mahirap hirap ito.

---

Mabibigat ang paa ko nang nagsimula na akong pumasok sa conference hall ng SytraxCinema. Dito kasi magaganap ang meeting na sinasabi ni Josiah.

Sabog ang inbox ng cellphone ko sa mga texts niya at wala ng mas nakakairita pa roon. Palagi ko na lang pinababayaan dahil alam kong mapapagod din iyon kakatext. Mapupudpod din ang mga daliri ng lalaking iyon.

Isang pihit sa pinto ng conference hall, lahat ng mga mata ng taong naroon ang dumamantay sa akin. Balik na naman tuloy ako sa panginginig, kahit kailan ay hindi na ako nasanay sa maraming tao.

Malalaki ang ngising dumerecho si Josiah sa tapat ko, tinigil ang pagsasalita sa harapan. "Everyone, I want you to meet Tanya Tebrero." nahihiyang yumuko lang ako pagkatapos ay naging sunod sunod na ang mga taong kinakamayan.

Nandoon ang direktor ng gagawing pelikula, ang mga scriptwriters at editor pati na rin ang bida.

Ganoon niya talaga gustong gawing pelikula ang gawa ko? Hindi naman halatang ready'ng ready siya, ah.

Naupo ako sa bakanteng upuan katabi ng direktor. Hindi pa natitigil sa pagsasalita si Josiah sa harap kaya patago ang mga tanong nito sa akin.

"I've read your book. Sobrang ganda, Tanya! I wish mayroong book 2," mahina akong natawa. Kung hindi siguro si Josiah ang kumontrata sa akin ay baka magtatalon pa ako sa sobrang kasiyahan. Pinangarap ko ito noon, hindi ko lang alam kung paano pa ako masisiyahan ngayon.

Nang matapos makapagsalita si Josiah - karamihan doon ay tungkol sa kontrata ng mga aktor. Hindi ko naman halos pinakinggan. Hindi ko kasi gustong tanggapin sa sariling tainga ang boses nito.

Nagagalit ako. Kinamumuhian ko ang lalaking iyan!

Nagsimula na ang meeting, sharing of ideas at may pinakita na rin ang direktor ng agos ng palabas. Kung ano ang mga kailangan at mga lugar na dapat puntahan sa shooting.

Sang-ayon naman doon ang lahat. Ako lang ata ang hihindi.

"Bakit naman, Tanya? We'll work and at the same time mag-eenjoy rin sa mga pupuntahan. Mostly ang setting dito ay beach kaya sigurado!" napahagikhik ang direktor sa sobrang excitement. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanila pero nang mamataan ko ang pangiti ngiting si Josiah ay nabura ang ngising iyon sa akin.

"Wala kasing maiiwan sa...bahay." Walang maiiwan kay Ali, iyon ang totoo. Kaya lang ay hindi ko iyon pupwedeng sabihin dito lalo na sa harapan ni Josiah.

Mali mang aminin pero si Ali na ang nagmistulang shield ko para maiwasan ang paglapit at panggugulo ni Josiah.

"Pero susubukan ko," dagdag ko. Masyado namang pangit kung hindi ko susubukan at ngayon pa lang ay kokontra na ako.

Mas lalo lang naging excited ang mga tao roon, kanya kanyang kwento ng iba't ibang experiences sa iba't ibang lugar. Talagang nakakalibang ang mga kwento nila hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.

Nanlaki ang mata ko noong nakitang mag-aala siete na. Siguradong nandoon na si Ali sa bahay ay hindi pa ako nakakapaghanda ng dinner. Hindi ko pa natext na magagabihan ako pero may tiwala naman ako sa anak. Siguro ay nagluluto na iyon ngayon o baka nga kumakain na.

"Excuse me but pupwede bang mauna na ako? Kailangan ko na kasing umuwi." nagmamadali kong inayos ang mga nakalabas na libro at notebook ko. Nanghingi sila ng rason na hindi ko naman nabigyan ng sagot pero kalaunan ay naintindihan na rin nila.

Kaya lang, I left the conference hall with Josiah. Nagpumilit itong ihatid ako kahit sa labas lang ng hotel dahil sa sinabi kong may sasakyan naman ako.

"Bakit ang book ko ang napili mo?" I asked out of nowhere, siguro curious din ako dahil marami namang mas kilalang author pero ako pa rin - libro ko pa rin ang napili niya.

Tinitigan ko ito, sumunod naman doon ang nagkakarerang mga kung ano sa loob ko nang namataang nakatitig din ito sa akin. "I...I don't know. Magaling ka," paliwanag nito kaya tumango ako at nag-iwas na ng tingin.

"And I want to be with you.."

Nalunok ko ata ang sarili kong laway kaya nagtuloy tuloy ang pag-ubo ko. Ano bang pinagsasabi nito? Kaya gagastos siya ng milyon milyon ngayon sa isang proyekto dahil gusto niya lang makasama ako?

Well.. sinabi niya rin naman na magaling ako.

Agad kong sinaway ang bibig sa nagbabadyang ngiti, katatapos ko lang maubo at nakikita ko siyang seryosong nakatitig sa akin.

"Sobrang pamilyar ka sa akin. Have we met before?"

Natigilan ako, mabuti ay nagawa ko pang ihakbang ang mga paa ko kaya hindi ako napako sa kinatatayuan. Anong klaseng tanong iyan, Josiah?

Hindi... mo ba talaga ako nakikilala?

Ako itong hindi mo pinanagutan gayong nagawa mo akong pangakuan ng buong mundo! Umaasa akong pagkatapos kong malaman na nagdadalang-tao ako ay agad mo akong yayayain ng kasal kahit wala pa tayo sa edad.

Umasa akong tutuparin mo ang pangakong iniatang mo sa akin noon na bubuo tayo ng sariling pamilya.

Nakalimutan mo na bang lahat iyon?

Nakalimutan mo na ba talaga ako, Josiah?

Akmang magsasalita na ako para tuluyang magpaalam nang malakas na tumunog ang cellphone ko.

Si Ali iyon.

"Ma-"

"Baby!" sinadya kong lakasan iyon para marinig ng kasama. Mabuti na iyon para may excuse ako sa agad na pag-uwi.

"Ma, bakit ka sumisigaw?"

"Baby, pauwi na ako... yes, oo. 'Wag mo akong masyadong ma-miss!" humalakhak ako, nagkunwaring kinikilig sa kausap habang nakatitig kay Josiah na matalim na ang mga tingin.

"Ma, anong sinasabi mo-"

"Sige, I love you. See you!" nang ibinaba ko ang tawag, nagmamadali na akong sumakay sa kotse at hindi na muling nilingon ang lalaking naroon.

Nakahinga ako nang maluwag noong naisip na nagawa kong takasan ang pamatay na tanong na iyon ni Josiah. Ang kailangan ko na lang isipin ay kung papaano ko ipapaliwanag sa anak ang nangyari kani-kanina lang.

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon