Chapter 9

790 30 0
                                    

Josiah is my first love. Posibleng mas bata pa ang sixteen sa iilan pero napagtanto ko na iyon noon pa.

Kaya rin siguro kahit umabot na ang labing pitong taon, hindi ko pa rin siya makalimutan.

Hindi ko pa rin makalimutan ang pakiramdam noong pinangkuan niya ako ng kung ano at kinalimutan niya lang sa dulo.

Masakit...

Napuno ng pagkamuhi ang sistema ko.

Ilang beses kong kinailangan si Josiah noon pero walang dumating. Walang ibang nagpakita.

Hindi ko alam kung nasisiyahan pa akong hindi nagagawang makaalala ni Josiah dahil alam kong isa lang ang ibig sabihin noon.

Hindi niya makukuha ang anak ko.

"At sa huling subok, muling nagkaroon ng heart beat si Kuya. Kaya lang, nag-under go siya sa maraming operations. Nawalan na nga kami ng pag-asa noon, but he fought. Hard."

Napasimangot ako ng maalala ang sinabi ni Isiaah. Josiah suffered a lot too. Hindi lang naman kami ng anak ko ang nahirapan. Pero hindi pa rin nasagot noon ang tanong kung bakit siya umalis.

Malinaw na malinaw sa akin, malinaw na malinaw noong narinig kong sinabi ni Josiah na hindi niya matatanggap ang bata at maghiwalay na lang kami.

[Start of flashback: sorry I needed to indicate since hindi ko siya ma-italicized sa facebook. Para hindi kayo maguluhan.]

"Jo," masayang masaya ako noong kita ko siya kaya lang kabaligtaran noong ang ekspresyong ipinapakita niya. "Anong problema?"

Hindi lang siya sumagot kaya napagdesisyunan kong magtuloy tuloy sa pagkukwento.

Alam kong pareha pa kami hindi handa sa responsibilidad pero hindi ko pa rin maiwasang maging masaya sa natuklasan.

Buntis ako! Magkakaanak na kami ni Josiah! Magiging isang pamilya na kami.

Kaninang umaga nga lang, hindi iyon nagustuhan ni papa at agad na tinutulan. Sinabihan pa ako nito na kailangan naming magpunta sa hospital para ipalaglag ang bata.

Syempre, tumutol ako!

Anak ko ito at hinding hindi ko hahayaang mawala ang bata kahit pa hindi ko sigurado kung paano ang tamang pagpapalaki nito.

Isa pa, malakas ang loob ko dahil andyan naman si Josiah.

"Jo," hindi pa rin mawala ang ngiting nakaplaster na sa mukha ko.

Muli kong tinitigan ang binatang nasa harapan ko. Mukha itong galit dahil sa pagtatangis ng bagang. Madilim din ang awra nito pero binalewala ko iyon.

Siguro naman masisiyahan siya sa ibabalita ko.

"Jo, buntis ako-"

"Ipalaglag mo ang bata, Tanya."

Naunahan na ito ng paglaglag ng sarili kong panga. Si Josiah ba talaga ang kausap ko ngayon?

"Jo, bakit?"

Wala akong ibang maisip na sabihin. Paano niya nagawang ilabas sa bibig niya ang mga salitang iyon? Buhay ng anak namin ang nakasasalay doon!

"Ipalaglag mo, hindi-"

"Ano ba! Ang sabi mo, pananagutan mo ako! Ang sabi mo, bubuo rin tayo ng sarili nating pamilya. N-Na magpapakasal tayo, Josiah!"

Walang mapaglagyan ang galit ko. Hindi ko alam kung anong uunahin kong maramdaman. Pakiramdam ko kasi ay kahit wala pa mga ay tinanggihan na ako ng boyfriend ko sa kasal.

"Hindi," matamang sabi ko. Kung hindi niya kayang tanggapin ang bata ay mas magpapakatatag ako para sa anak ko. "Hindi ko ipapalaglag ang anak ko."

"Maghiwalay na tayo, kung ganoon."

[End]

Iyon na ang huling salita ni Josiah bago ako nito tuluyang iwan. Wala ng iba, wala ni isang pagpapaliwanag.

Wala naman ako ni isang nagawa. Hindi naman kamk nagka-away bago ang sitwasyong iyon.

Akala ko iyon na ang huling paghihirap na mararanasan ko pero hindi pala, marami pa ang sumunod.

Wala sa sarili akong nagdrive papalayo sa mansyong iyon nila Isiaah. Magulo ang utak, hindi ko alam kung saan ako magsisimulang mag-isip pero nadatnan ko na lang ang sarili sa harap ng isang building.

SytraxCinema.

At kung talaga namang pinaglalaruan ka ng tadhana ay mismong ang palalabas na si Josiah sa building ang sumalubong sa akin.

"Tanya?"

Hindi ko maintindihan ang sarili. Kanina, naramdaman kong gusto ko siyang makausap. Pero ngayon naman ay mabilis akong pumasok muli sa kotse at walang sabi sabing pinaandar ito.

Bumalik ngayon ang kagustuhan kong itanong sa lalaki kung bakit ginusto niyang ipalaglag ang bata noon. Kung bakit hindi niya kami kayang tanggapin. Pero alam kong hindi rin niya masasagot ang lahat dahil sa wala siyang maalala.

"Bwisit!"

Halos sabunutan ko na ang sarili sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho. This is frustrating!

Hindi ko maiwasang isipin na baka kaya nagpabangga si Josiah dahil gusto na niya talaga kaming kalimutan.

Muntik akong matawa sa sarili. Ano ba itong pinaggagawa ko?

Inhale. Exhale. Inulit ulit ko lang hanggang sa tuluyan na akong kumalma.

Kailangan kong maging mas matatag. Hindi na lang ako ang maaapektuhan dito, siguradong ganoon din ni Ali.

Awtomatikong inihinto ko ang sasakyan ng marating ang pamilyar na lugar, ang paborito kong talampas.

Kung ang iilan ay mayroong notebook para sa diary, sa sitwasyon ko ito na ang naging diary ko. Ilang beses na ba itong nabulabog sa kakasigaw ko?

Hindi ko na mabilang.

Nang maiayos ang pwesto ng sasakyan ay agad akong gumayak paakyat doon. Mula rito ay matatanaw mo na ang mga gusali ng lungsod. Tahimik at wala ni sino man ang manghuhusga sayo - always been my favorite place.

"Please! Help me!" nakahawak pa ako sa leeg habang sumisigaw. Nakakasakal din kasi ang lamig na mararamdaman mo rito. Nakalimutan kong magdala ng jacket o kaya magsuot ng long sleeves man lang.

"Bakit unfair? Bakit kami palagi ng anak ko ang nagsusuffer?! Why?!"

Sa tono ng pananalita ko ay halos maghuramentado na ako. Nararamdaman ko na naman ang galit, nararamdaman ko na naman ang pagkamuhi kay Josiah.

"A-Anong ginawa ko? Bakit mo kami pinahihirapan ng ganito ni Ali?"

Nang tumulo ang mga luha ko, iyon na lang ang nararamdaman kong mainit. Yinakap na kasi ng lamig ang buong katawan ko.

"I wish.. the situation's better. Bakit nandito kami ni Ali?! We've suffered a lot! Kailan mo pa ba 'to ihihinto?"

Pwedeng sabihin ng ibang makakarinig, baliw ako. Dahil kung titingnan, mas mukhang hangin lang ang kausap ko. Pero hindi na iyon mahalaga ngayon, importante na sa akin ang gumaan man lang maski kaonti ang nararamdaman ko.

"Please..."

Purong init ang lumukob sa sistema ko ng makaramdam ng isang mahigpit na mahigpit na yakap. Halos mapapikit pa nga ako, alam ng Diyos kung gaano ko kailangan ang isang yakap ngayon.

Nang marealize kung sino maaari ang estrangherong yayakap sa akin mula sa likuran ay doon pa lang ako nagsimulang magpumiglas.

"S-Sino ka?"

Pero imbes na pakawalan ako ay mas lalo lang humigpit ang yakap niya, "Tanya.."

Nanlalaki ang mga mata ko siyang hinarap, "Jo.. Josiah! A-Anong ginagawa mo dito?"

Imbes na sagutin ay mas lalong hindi ko inasahan ang sunod na ginawa nito nang dumampi ang labi niya sa labi ko. His kisses were gentle and sweet na parang kilala niya ako.. na naaalala niya ako... na parang mahal niya pa rin ako.

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon