Chapter 5

933 31 1
                                    


Sinubukan ni Daphne ang manatili pa sa lugar lalo pa dahil gusto nitong mapanood ang magandang paglabas ng palubog na araw. It's a rough fight, napapagod man ay wala na siyang balak indahin ang mga iyon.

Hindi pa magtatagal ang minutong lumipas ay may naramdaman na lang itong lalaking biglang tumabi sakanya. Pino ang mga kilos noon na parang hindi siya gustong maistorbo.

Iyon na siguro ang pagkakataon para humingi ng tulong para kay Daphne dahil wala naman siyang kilala sa mismong lugar. Iyon nga ang gusto niya - maging estranghero sa isang mataong lugar, walang makakakilala at walang makakapanghusga sa pagkatao niya.

Nang ilang minuto ay wala pa ring naging kilos ang lalaki ay mabilis niya itong hinarap, "D-Drake?"

[Scene from Have We Met Before written by Tanya Tebrero]
-

"Sigurado ka ba talaga, Ma?" mas bilang ko na ngayon ang mga guhit sa noo ng anak. Noong sinabi ko kasi sakanya na kailangan kong magpunta sa Batangas kasama ang mga tao sa proyekto ay hindi na siya mapakali. Akala mo naman tatay ko. Natatawa na lang ako sa kinikilos ng anak.

"'Nak, 'di ba? You said you want to study in your dream-"

"Pero Ma, it doesn't matter! Kahit saan namang school, pagbubutihan ko po ang pag-aaral. Hindi mo naman na kailangang maghirap ng ganito." pahina ng pahina ang boses niya habang sinasabi iyon. Mataman ko kasi siyang tiningnan. Paulit-ulit ko siyang pinagsasabihan na senyales na ng pagrespeto ang hindi pagputol sa isang taong nagsasalita.

"Fine," pinal na sabi nito. "Just update me, Mom."

Hindi ko na napigilan ang pagtawa. "Sira! Ikaw dapat ang mag-update sa akin, anak kaya kita."

Pabirong inikot ni Ali ang mga mata. "I still have the rights. Lalo pa wala akong tiwala sa Josiah na 'yun."

Napailing iling na lang ako at tuluyan siyang sinundan papasok sa sasakyan. Ihahatid ko muna kasi siya sa school bago dumerecho sa meeting place naming napag-usapan nina Direk AJ.

"Basta, Ma." hindi na natapos ang kakapaalala ng anak.

"I know, Alesseo. I know," I said in a dismissive tone. "Isa pa, one day lang naman. Susunod ka rin naman bukas dahil wala ka nang pasok."

Ibinaling ko na ang tingin ko sa daan noong nagsimula na akong magmaneho.

"What if ngayon na mo na lang ako sunduin, Ma?" madali kong tiningnan kung seryoso ba ang anak. Taliwas kasi ang sinabi niyang iyon sa napag-usapan namin kanina na bukas ng umaga ko na siya susunduin.

"Ang iniisip ko nga, anak.. baka pagod kana after school tapos babyahe pa."

"Ma, I can sleep naman po sa byahe. Ayoko lang matulog sa bahay ngayon. Hindi po ako sanay na wala ka sa kabilang kwarto." natahimik ako. Nangingiti sa sinabi ng anak. Hindi ko nga lang alam kung nambobola lang iyon para pumayag ako.

"Okay lang po ba?" dagdag pa nito.

"No problem, same place. Pero mamayang gabi na."

Nang makarating kami sa eskwelahan nito, hindi pa halos magpaawat ang anak ko dahil sa paulit ulit nitong bilin. Na kesyo huwag daw akong magdididikit sa bago kong boss, huwag daw akong papayag kapag niyaya ako kung saan at marami pang iba. Parang ako na nga tuloy ang naging anak ni Ali.

--

Pamilyar na simoy ng hangin agad ang sumalubong sa akin pagdating ko roon. Naalala ko tuloy iyong tinirhan ko sa Quezon. I lowley hate that place before - doon ko kasi nakilala si Josiah at doon din niya kami nagawang iwan ni Ali.

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon