Chapter 18

672 26 0
                                    

Tatlong araw na.

Tatlong araw na simula noong umalis si Ali pero ni ilang minuto ay wala akong natanggap ni isang tawag o text man lang dito.

Tatlong sunod-sunod na araw na rin akong umiiyak. Hindi ko alam, sobrang bigat ng pakiramdam ko. Sobrang sama ng loob ko.

Mismong anak ko na ang nag-iwan sakin dito. Iyon ba talaga ang role ko sa mundo? Ang iwan?

Napailing na lang ako sa dami nang naiisip. Why do I need to suffer much? Hindi pa ba sapat na nahirapan na ako noon?

Hindi ko na nga rin alam kung ano ang una kong iisipin. I really need to talk to Ali.

Kinuha kong mula ang telepono ko, magbabakasakali akong sumagot ang anak. Sobra sobrang pag-aalala na rin ang nararamdaman ko ngayon. Kumakain pa ba siya? Alam ko kung gaano nito kagusto ang kumain.

Nakakatulog ba ito ng maayos? Hindi ba ito nangangati sa higaan doon?

Hinahanap niya rin kaya ako?

Ganoon na lang ang gulat ko noong pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na nito ang tawag.

"H-Hello? Hello, anak?" walang kung sino ang nagsasalita. Ni wala akong naririnig na ingay mula sa background pero hindi naman niya pinatay ang tawag kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagsasalita.

"Anak, umuwi ka na. M-Miss na miss na k-kita," nanginginig kong sabi. Hindi ko kasi alam kung ano ang uunahin kong maramdaman, iyon bang kasiyahan dahil sinagot na nito ang tawag ko? O labis na kalungkutan dahil naalala ko na namang kinamumuhian ako ni Ali?

"Ali," mas sumeryoso ang boses ko ngayon. "If there will be a chance na.. na magkita kayo ni Josiah, 'wag na 'wag mong sasabihin sakanya ang totoo."

Napapikit ako mula sa sumisirit na sakit sa loob ko. Do I deserve all of these?

"May amnesia siya, anak. Hindi dapat siyang biglain sa kung ano man ang totoo or else," halos mabilaukan ako mg sarili kong laway sa sobrang nerbyos. Wala rin kasi ako ni isang ideya kung nakikinig ba ang anak ko o hinahayaan lang ako nitong magsalita ng magsalita.

"Hindi niya kakayanin.. he m-might die. K-Kaya, nakiusap na sa'kin 'yung kapatid niyang kahit anong mangyari.. 'wag munang magsasabi ng kung ano kay Josiah."

Marami na sana akong gustong sabihin sa anak pero nang muli nitong ibaba ang tawag, hindi ko na inulit.

Ang importante ay nasabi ko na rin sakanya ang sitwasyon ng ama niya.

Alam kong matalino si Ali, sana lang ay maintindihan niya iyong lahat.

Sana magawa niya pa akong mapatawad dahil hindi ko ata kakayanin kung habangbuhay itong magtatanim ng galit sa akin.

Pinilit kong muling tumayo mula sa higaan. Araw-araw, pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko. Pabigat nang pabigat ang katawan ko na para bang may pasan akong kung ano.

Pilit akong kumuha ng tubig sa ref, hindi ko alam kung ilang araw na ring walang nakakapasok na kung ano sa tyan ko. Hindi ko alam kung ilang araw na rin akong hindi kumakain.

Basta, isa lang ang gusto ko. Iyon ay ang umuwi na ang anak ko at mapatawad na rin niya ako.

Nang bumaling ako sa salamin ay halos tawanan ko ang sarili ko, this is not Tanya.

Sa loob ng tatlong araw na iyon, napabayaan ko ang sarili ko. Nawala na sa isip ko ang kahit anong bagay, maliban sa anak ko.

Sa loob ng tatlong araw ay hindi rin pumalya si Josiah sa araw-araw na pagbisita pero ni isang beses ay hindi ko ito nagawang papasukin sa bahay.

Alam kong uuwi rin naman iyon kaya hindi ko na rin pinagtuunan ng pansin.

Matapos makainom ng tubig, inaakala kong kakalma na ako pero mali ako nang naisip. Mas lalo lang sumakip ang dibdib ko at hindi na tuluyang nakahinga.

I miss my baby. Patagal nang patagal ay mas lalo lang akong nangungulila. Mas lalo ko lang naaalala ang lahat ng pagkukulitan namin sa lugar na ito. Iyong unang araw kaming dumating dito, kung paano kami magkwentuhan ng kung ano ano sa gabi.

Kung paano ako nito nagawang yakapin at pasalamatan noon.

Sa kung paano nito iparamdam na ako ang pinakamahalagang tao sa buhay niya.

Iyong mga weekends na pinagsisilbihan niya akong parang prinsesa.

Miss na miss ko na si Ali.. miss na miss ko na ang anak ko.

Please, bring him back.

Hindi ko na namalayan ang muli kong paghagulgol na tatlong araw ko nang ginagawa. Nakakatawa nga dahil hindi pa rin nito magawang maubos hanggang ngayon.

Napapagod na rin ako umiyak. Nakauubos na ng lakas.

Tumayo akong muli mula sa pagkakaupo para sana tuluyang bumalik sa kwarto nang magsimulang umikot ang paningin ko, mas lalo tuloy lumakas ang kaba ko.

Doon ay halos mabuwal ako sa kinatatayuan kaya mabuti na lang ay naagapan kong maupo. Pero hindi ko rin iyon matagal na nakayanan dahil ilang sandali pa ay bigla ko na lang naramdaman ang malamig na sahig na siyang binagsakan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon