Chapter 17

678 33 0
                                    


"Ali-"

"Anong sabi mo, Ma?!"

Sa labing pitong taon, ngayon ko lang nakitang nagkaganito ang anak ko. Dali dali ko itong pinuntahan at umambang tutulungang makatayo mula sa pagkakaluhod nitong dahilan ng panghihina sa narinig pero itinulak lang nito ang mga kamay ko.

"Anak.. anak magpapaliwanag si Mommy." nagawa kong hawakan ang mukha nito ng ilang segundo pero agad niya rin iyong pinagtutulakan palayo sakanya.

Pinalalayo niya ako na parang isa ako sa pinakakinamumuhian niyang tao.

"Makinig ka sa akin," pumapalahaw na ako sa pag-iyak. Ito ang pinakakinatatakot kong mangyari.

"No! Leave! Leave, please. Leave me!" singhal nito pero hindi ako nagpagapi. Ilang beses ko siyang sinubukang hawakan pero lahat ng iyon sinasalag niya lang at mas itinutulak lang akong palayo.

"Ali, please..." hindi ko na mapigilang hindi humikbi. Lahat ng mga kinalimutan kong sakit ay nagmistulang bumalik, nadagdagan nga lang dahil sa mismong anak ko na mismo ang mayroong galit sa akin.

"I trusted you, Ma! Akala ko tayo ang kakampi rito!" sigaw niya noong tuluyan na siyang makatayo habang naiwan ako sa pagkaluhod.

"M-Magkakampi... tayo, anak-"

"LIAR! You lied!!" iyon ang naging huli niyang pagsigaw bago tumakbong muli paalis doon.

"Alesseo..."

Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon, hindi ko man lang magawang makatayo. Agad kong naramdaman ang mga kamay sa likuran ko na siyang umalalay sa akin.

"Tanya! Tanya, what happened?" hindi ko na nasagot ang nagising na pala naming si Josiah. Nanatiling ang paghikbi ko lang ang rinig sa buong kwartong iyon.

Maya maya pa ay dumalo na rin doon sila Direk AJ kasama si Alice at Baste, pati iilang staff ng Styrax.

"B-Baste, please. Si Ali," nag-aalala ko pang sabi. Mabuti na lang at agad niya ring nakuha iyon at tuluyan nang umalis sa lugar para sundan ang anak ko.

Pinagtulungan nila akong paupuin sa kama, pinalibutan nila ako roon habang ako hindi na halos makahinga sa sobrang pag-iiyak.

Nalaman na niya! Nalaman na ni Ali ang totoo.

Ngayon, ano na ang gagawin ko?

Tama siya, nagsinungaling ako sakanya. Nagsinungaling ako kahit iyon ang rule naming mag-ina. Kahit ipinangako namin sa isa't isa noon na walang magtatago dahil kaming dalawa lang ang magkakampi.

Hindi ko ata kakayanin. Hindi ko ata matatanggap na tuluyang lumayo ang loob sa akin ng anak ko dahil sa pangyayaring ito.

"Tanya, ano ba talaga ang nangyari?" pang-ilang ulit na tanong na iyon ng Direktor na nasa tabi pero ganoon pa rin ang ginawa ko. Hindi ko pa rin ito sinagot.

"Sir Jo?" si Alice naman ang bumaling kay Josiah na parang gulat na gulat din sa mga nangyayari.

"I.. really don't know. I fall asleep, nagising na lang ako sinisigawan na ni Ali si Tanya."

Pumalahaw muli ako ng iyak, naaalalang muli ang nangyari pati ang mga salitang sinabi sa akin ng anak.

Sinungaling ako pero para sakanya rin naman ang mga iyon. Noong nasa unang baitang pa lamang si Ali, alam kong hindi niya rin maiintindihan ang lahat.

Alam kong malaki ang kasalanan ko, hindi ko ibinigay sakanya ang karapatan niyang magkaroon ng buong pamilya. I told him that his father left us. Hindi na nga lang ako nagbanggit ng kung ano pang impormasyon tungkol sa ama niya.

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon