Chapter 30

823 33 2
                                    

Tanya Tebrero's

2 years later...

"Aleera! Ali naman, eh. Sabi ko namang 'wag mong aalisin ang tingin mo sa kapatid mo!" Agad kong binaba ang bimpong hawak at tinakbo na ang maliit na distansya papasok sa amusement park na iyon.

Nang tanungin ko kasi si Ali kung saan nito gustong magpunta sa birthday niya ay ito agad ang tinuro. Tinawanan ko na lang, ito na kasi ang 19th birthday niya kaya nakakapagtaka ring dito niya pa gustong magpunta. Pero sa sabagay, minsan may kakulitan din kasi itong anak kong ito. Hindi na nagbago.

"Eh, My, kinuha ko lang po 'yung milk niya dito paglingon ko wala na po." Halata sa boses ng anak ko ang takot kaya minabuti kong kontrolin ang sarili. Pupwede kasing mas natatakot ko pa siya at hindi rin iyon maganda kaya ginawa ko rin ang lahat magmukha lang kalmado.

Kahit ang totoo, para na akong mabaliw sa mismong kinatatayuan. Isang taon pa lang ang anak kong iyon at hindi pa nakakapaglakad ng maayos kaya paanong bigla na lang iyong tatakbo palayo?

O baka hindi talaga ito tumakbo? Baka kinuha talaga siya ng masasamang loob?

Napakahawak ako ng mahigpit sa kamay ng anak kong kasama ko magtatatakbo. Imposible namang nawala agad si Aleera lalo pa kakaonti lang naman ang taong naririto. Hindi naman linggo at hindi rin holiday.

"Aleera! Anak? Nasan ka na? Andito na si Mommy!" tawag ko na para bang magagawang maintindihan iyon ng anak.

Sinubukan na naming maghiwalay Alesseo pero wala pa rin. Ni anino ng anak, wala akong makita.

Mabilisan kong kinuha ang cellphone at tumawag ng pulis — na dapat kanina ko pa ginawa. I can't lose her, I can't lose my baby.

"H-Hello, Sir? I... need your help. My daughter's missing–" sinubukan ko pa rinilibot ang paningin.

Wala namang masamang mangyayari hindi ba? Wala namang pupwedeng kumuha sa anak ko.

"Yes, nasa FD Amusement Park kami... ngayon ngayon lang po. Please, please... help us," patuloy kong sinasagot ang mga tanong niya habang hindi pa rin mapakali sa kakahanap.

Naghiwalay kaming muli ni Ali pero ilang minuto lang ay bumalik muli ito dala ang mas naaalarmang mukha.

"She's one year old, yes... pulang dress, puting boots— Aleera?!"

Likod pa lang ng niya ay kilalang kilala ko na. Nasa tapat siya ng isang ice cream parlor at tumalon talon habang hawak ang isang matangkad na lalaking naka-leather jacket.

"Aleera!"

Mabilis kong ibinaba ang tawag at tinakbo na ang distansya noon. Nauna na rin sa akin si Ali kaya hindi na ako nag-alala pa.

Mula sa lugar ko, kitang kita ko ang pagdalo ng anak kong si Ali sa lalaki pero ilang segundo lang ay agad itong napaatras. May kalayuan pa ako pero kitang kita mula rito ang panlalaki ng mga mata ni Ali sa nakita.

Nang makarecover mula sa pagkabigla ang anak ko ay agad ko nitong binalingan. Wala na ang ngiti ng isang Alesseo Tebrero. Napalitan iyon ng takot at pag-aalala sa papalapit kong bulto.

"My my!"

Nawala ang mga iniisip ko tungkol sa tinging iyon ng lalaking anak nang mabilis akong dinaluhan ng anak na mukhang tuwang tuwa at nagkalat ang ice cream sa bibig.

Natatawa akong kumuha ng tissue sa bag at kinulit kulit pa ang bata habang pinupunasan ang mga iyon.

"Mommy..." pagkuha ni Ali sa atensyon at doon ko lang halos naalala ang kasamang lalaki ng anak ko kaya kaagad rin akong nagtaas ng tingin habang buhat na ngayon ang tumatawa tawang Aleera na parang nasisiyahan dahil sa nakain nitong ice cream.

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon