Chapter 15

758 28 0
                                    

Malakas ang naging pagsigaw ko nang nagligalig ang kabayong sinasakyan ko. Idagdag pang medyo natatakot na rin ako kaya hindi na halos ako makagalaw.

"Tanya!"

It was Josiah, buong oras kasi ay nasa likod ko siya dahil buong oras ko lang din siyang sinusungitan. Of course! Hindi ako pwedeng makipaglapit. Hindi ako pupwedeng makipag-usap at makipagkwentuhan kahit naiisip kong magandang bagay iyon para tuluyan kong maiwala ang mga iniisip at takot sa hayop na sinasakyan.

Nasaan na kaya si Ali? Paniguradong enioy na enjoy iyon. Mabuting desisyon lang ang hindi nito pagsama sa akin dahil paniguradong baka hindi rin kami makagalaw dahil sa takot ko.

"Sir!" narinig kong tinawag ni Josiah ang isang guide kaya agad itong lumapit sa amin. "Paki-balik na lang po ang kabayo niya. Ako na lang po ang bahala."

Agad din tuloy na lumapit sa akin ang lalaki pagkatapos ay inalalayan ako sa pagbaba, iniliko ang kabayo at pinatakbo palayo roon.

"Now, what?! Pinakuha mo ang kabayo ko," matakang sabi ko. Magsisimula nang mairita. How dare him? Inaaral ko ang kabayo!

"Yup," sagot niya.

"Now? Ano, maglalakad ako rito habang kayo ang sasaya sa pagho-horse back riding?!"

Sumimangot ako, pinagkrus ang ma braso sa tapat ng dibdib. Andaya naman kasi! Takot nga ako but that doesn't mean na I can't do it!

"Sino ba magsabi sa'yong maglalakad ka?"

Lumapag ang tingin ko sa kabayong sinasakyan niya pagkatapos ay bumaling pabalik sa kaharap. "What?!"

"Sumakay ka na sa akin, Tanya."

Sa totoo lang, nagpanic na ako. Hindi na nga ako dapat nakikipaglapit sa lalaking iyan, eh! Bakit ba parang kalaban ako ng mundo?!

"At bakit ako sasakay sa'yo, eh hindi naman kalakihan 'yang kabayo mo! Hindi ako kakayanin niyan," dere-deretso kong sabi.

Huli na nang marealize ko kung bakit tumatawa nang tumatawa ang lalaki, "Bastos ka!"

Pinagpapalo ko na siya pero hindi pa rin nito napigilan ang pagtawa. "Wait up, Tanya!"

Ibinaba kong muli ang mga kamay ko at nanlilisik na tiningnan siya. "What?!"

"May ibibigay pala ako," sabi niya na siyang pinakatitigan ko lang.

Ano ang bibigay niya? Stress? Sakit? O sama ng loob?

"Here," kuminang ang mga mata ko nang mabalingan nito ang isang pulang parihabang box.

Inalabas niya roon ang isang magarang kwintas at isinuot iyon sa akin. Ni hindi ko magawang makapagsalita, this is... too much. Bakit ako bibigyan ng ganito ni Josiah?

Mabilis ang pagtibok ng puso ko pati ang paghinga. Ilang beses na rin naman ito nangyari sa akin dahil kay Josiah pero para bang mas hindi ko iyon mapigilan ngayon lalo na noong lumapit ito sa akin at naramdaman ko ang mainit nitong hiningang malapit sa leeg ko.

"P-Para saan 'to?"

Nakatalikod man ay ramdam ko mula roon ang pangngiti niya, "That's a symbolism, Tanya."

"Simbolismo ng alin?" hinarap ko ito at tinaasan ng kilay. Sabog ba ang lalaking ito?

Halos mapugto ang hininga ko nang itinapat nito ang mukha niya sa mukha ko at inilapit iyon, bahagya pa akong napaatras pero agad din itong naharangan ng mga kamay niya sa likod ko. "Na magiging akin ka."

***

Nang may mangyari sa amin ni Josiah kahit pa mga bata pa kami ay itinatak ko na sa sarili kong sakanya ako.

Kay Josiah lang ako.

Siya na ang unang nagmarka sa akin kaya alam kong siya na rin ang magiging huli. But then, bigla itong nagbago. Biglang isang araw, nagmistulang nawalan ito ng interes sa amin.. sa akin.

Biglang isang araw, magulo na ang lahat.

Biglang isang araw, iniwan niya na kami.

Mariin kong tinutop ang mga labi ko sa sinabing iyon ng kaharap. Buti na lang nagawa nang tumawag sa akin ng anak ko kaya hindi ko na kailangan pang isipin kung ano ang maaari kong isagot sa sinabi niya dahil ang totoo..

Hindi ko na rin alam.

Nitong mga nakaraang araw parang bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin. Kung noon, alam ko sa sarili kong kinamumuhian ko ang binata.. ngayon, hindi ko na alam. Hindi na ako sigurado.

"What's next?" excited na sabing muli ni Direk AJ. Napagpasyahan kasi muna namin ang mananghalian along with the cuisine na ipinagmamalaki ng lugar.

"Siguro, we'll try paddle boating. Ano sa tingin mo Sir Jo?" si Alice naman ngayon ang nagsalita. Kapwa nag-iisip ang mga ito kung ano ang maaaring isunod.

"Anything. Kung anong gusto niyo, walang problema." naghiyawan ang andoon. Nanatili lang rin akong tahimik. Nangingiti at paminsan minsan ay humahawak sa bagong kwintas na suot.

Hindi rin nagtagal nang ihanda ang mga pagkain, pinagmamasdan ko pa lang ang mga iyon ay halos manubig na ang bagang ko. Kumpleto kasi ang mga ito, mula sa appetizers hanggang sa desserts.

"Leche flan!!"

"Paki-abot nga ng leche flan, AJ."

Hindi man ako nakatingin sa mga kasama, alam ko na agad kung kanino galing ang mga boses na iyon kaya napapikit na lang ako.

I knew all along that leche flan is Josiah's favorite. Kaya lang, nagkataong iyon din ang paborito ng anak ko.

Maraming gustong pagkain si Ali, pero makikipagpatayan iyan panigurado para sa isang leche flan.

"Mine. I got it first," natatawang agad na kinutsara ni Ali ang pagkain at pinainggitan pa si Josiah. Hindi pa iyong tumigil hanggang hindi ko pinandilatan.

Walang nagawa roon si Josiah, pero duh? Pwedeng pwede naman siyang mag-order ulit pero hindi niya ginawa. Iisa lang kasi ang naroon dahil promo umano iyon ng restaurant.

Napailing na lang ako kay Ali na hindi pa rin makamove-on sa kakatawa.

Akmang kukuha ako ng pagkain noong abutan ako ni Josiah ng crabs. Nasa magarang stainless na lagayan ito na agad ko ring inilayo sa akin.

"Allergic sa crabs ang mommy ko."

Sinubukan ko na lang ngitian si Josiah. Pati ang bagay na iyon ay hindi na niya talaga maalala.

Paborito rin niya alimango and as much as we want to eat that food together, eh hindi naman namin magawa dahil allergic nga ako. Naalala ko ang ilang beses na crab party namin kasama si Isiaah na wala naman akong nakakain na isang alimango. Ganoon lang, chips at bread lang ang madalas na kinakain ko.

Napangiti na lang ako nang maalala ang maliit na memoryang iyon sa isip.

"Your necklace is stunning, Tanya. Parang hindi ko naman 'yan napansin kanina," biglang saad ni Direk dahilan para matalim na tingnan iyon ni Ali.

Ramdam ko ang matagal na pagtitig niya roon pagkatapos ay agad na binalingan si Josiah. "A-Ah.. ano."

"Bigay ko." laglag ang panga kong hinarap si Josiah. How dare he say that? Alam niya namang iba ang magiging reaksyon ng anak ko tungkol doon!

"Wait. Are you... two—"

Direk AJ was cutted off by my son, "Of course not! 'Di ba, Ma?"

Hotseat! Pakiramdam ko tuloy gusto kong biglang umalis sa upuan ko at tumakbo.

Bakit ba naiipit ako sa sitwasyong ito? Paniguradong nanggagalaiti na iyan si Ali!

"Ali, liligawan ko si Tanya."

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon