Chapter 12

791 29 0
                                    

Hindi pa rin matigil ang kakaubo ko dahilan para mapalabas na si Ali sa kwarto nito at nag-aalala akong dinaluhan.

Maayos naman kasi akong umiinom, eh! Kung hindi lang basta bastang nagsasalita si Josiah ng kung ano ano edi sana hindi ako nabilaukan sa tubig.

Hinahagod hagod ni Ali ang likod ko, samantalang nag-aalala naman na sa akin si Josiah.

"What the hell are you talking about?!" bumalik na naman tuloy ang pagsigaw ko matapos kong makarecover sa pagkasamid.

"Sa kwarto muna ulit ako, Ma." tinanguan ko lang biglang pagsang-ayon si Ali pero nanguha ito ng nachos at softdrinks pag-alis kaya napailing na lang ako sa anak.

Nang tuluyan iyong makaalis ay saka kong muli binalingan si Josiah, "Anong pinagsasabi mo?"

Mas mahina na ang pagkakasabi ko noon, baka mas marinig pa ni Ali ang pinag-uusapan namin.

"Why? What about it?"

Mahihina ang pagkakasabi ko pero halos magputukan na ang iilang ugat ko sa leeg sa sobrang panggigigil. "Alesseo Jacinto is a NO!"

Fine! I may be overreacting pero hindi ko gugustuhing mapalitan ang apelyido ng anak ko. Ali is mine!

"Come to think of it, Tanya." halos mapapikit na ako sa sobrang pagpipigil ng inis sa pinagsasasabi ng lalaking kaharap. "Alesseo Jacinto—"

"Alam mo, mabuti pang umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo." doon na pumalahaw ng tawa ang lalaki. Pahawak hawak pa ito sa sarili niyang tyan.

"Go now, Josiah!"

Nagkibit balikat lang siya, hindi pa rin natigil sa katatawa. Kapagkuwan ay kinuha na nito ang cellphone na nakapatong sa mesa at inilagay iyon sa bulsa.

"Fine, I'll see you tomorrow."

Nalukot agad ang mukha ko, "Anong tomorrow?"

Imbes na sagutin ay dumeretso na siya sa pinto at naghanda sa paglabas. "Tanya, ill pursue you. Ilang beses mo man akong kontrahin at pigilan."

Matiim ang sumunod kong pagtitig sa seryoso niyang mukha.

"I like you.. but I think it's more than that."

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Totoo ba ang mga iyon? Nang iwan niya ako sa lugar na iyon, hindi lang ako ang sinaktan niya.

Sinaktan niya rin ang anak namin.

Sinaktan niya rin si Ali.

Hindi ko na nabawi ang ngiting kanina pa nasa aking mga labi, wala naman nang rason para ngumiti lalo at naalala ko na naman ang totoong rason. Totoong rason sa galit ko kay Josiah.

"Mauuna na ako. Magpagaling ka na Tanya," sabi nito bago nagsimulang maglakad palayo roon.

Tinanaw ko pa ng sandali ang papalayong bulto nito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin, ano kaya ang nangyari kung hindi nawala ang alaala mo?

Hahanapin mo pa rin kaya ako?

Tahimik akong bumalik sa loob, bumuntong hininga at isinandal ang likod sa pinto.

Alesseo Jacinto... mukhang maganda nga iyon.

***

"Ayos! Kunin ko na 'to, ha?" matalim ang mga titig ko sa anak habang pinapakyaw nito sa pagkuha ang mga pagkaing nasa harapan namin.

Pinasiguro na niya sa plato niya ang sandamakmak na kare-kare tapos ay crispy pata na sinamahan pa ng pagkarami raming kanin.

Ngayon ko lang napagtantong nagsasayang lang kami ng pera sa pagdyi-gym.

"Alesseo," pagbabanta ko sa anak.

"Ma, sa atin naman daw ito. Pinahahalagan lp lang 'yung blessings."

Kung normal na sitwasyon lang ito, paniguradong tinawanan ko na ang anak pero iba ngayon.

Nasa harapan muli namin si Josiah at mukhang nasisiyahan pa sa anak ko.m

"It's fine, Tanya. Sainyo naman talaga 'yan," pangungunsinti pa ng lalaking iyon sa anak ko.

Mag-ama talaga. Nagsabay pa sa pagkain, eh."

"Akala ko ba sa amin 'yan, bakit nakikikain ka?"

Bumungkaras ng tawa si Ali sa inasal ko, maya maya ay uminom ng tubig at dumeretsong muli sa pagkain.

"Ako naman ang bumili kaya para sa akin na rin," sagot niya.

Napailing na lang ako. Dinala ko muna ang sarili ko sa kusina at nagtimpla ang hot chocolate para sa sarili.

Sumasakit ata ang sintido ko sa view ko kanina. Magkatabi kasi ang mag-ama at hindi ko maiwasang isiping maganda ang tanawin ja iyon para sa akin.

Nagtagal na ako sa kusina, lagpas sampung minuto rin siguro dahil pinili ko ring pakalmahin muna ang pagkakarera ng puso ko — sa kaba? Sa takot.. siguro.

Nagtagal na ako roon pero pagbalik ko sa dining area ay kumakain pa rin ang dalawa.

"Magpatawad naman kayo! Gabi na, baka hindi na kayo magising nyan!" pagbibiro ko na lang kahit ilang beses kong pinigilan ang sarili ko sa pagngiti.

Si Ali kasama ang tatay niya ang pinakamagandang tanawing nakita ko. Kung aayos lang siguro ang sitwasyon. Kung hindi kami tinanggihan ni Josiah noon edi sana ganito rin ang sitwasyon namin — siguradong mas masaya pa kumpara rito.

"Mommy! Sasama ako sainyo next week!"

Awtomatiko ang naging pagkunot ng noo ko. May napag-usapan na pala ang dalawa habang wala ako?

"Next week kasi 'yung susunod nating shoot. Sa Quezon naman iyon—"

"Quezon?!"

Nanlaki ang mga mata ko. Paano ko nga ba nakalimutang may eksena nga sa Quezon ang mga bida ng istorya ko pero sino ba ang mag-aakalang hindi na nila binago ang nakasulat doon?

"Oo nga, Ma! If we have some time, we can visit lolo and lo—"

"NO!"

Halatang nagulat ang dalawa sa biglaan kong pagtataas ng boses. Eto na naman ako, baka masyado na akong nahahalata?

"I mean, andoon tayo para sa trabaho. Iyon na muna ang asikasuhin natin, 'nak. Sa susunod na buwan, promise. We'll visit your lolo and lola," sabi ko. Sana lang ay lumusot ito.

"Really, Ma? Yes!"

Ninenerbyos talaga ako, hindi talaga bagay sa akin ang magsinungaling. Sa sobrang paghuhuramentado ng dibdib ko ay napaupo ako sa tapat ng dalawa at nagsimula na ring kumain.

Binalingan ko ang iilan lang pagkaing naroon. Sa sobrang stress ay paniguradong goodbye diet muna ako.

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon