Chapter 21

734 30 0
                                    


"Ma, tara na po. Nag-aantay na raw po sila Direk at Josiah," nagmamadaling sabi ni Ali na handang handa na — ako na lang ata ang hindi.

Nagmamadali kong kinuha ang maliit na sling bag at dumeretso na sa pagsasarado ng pinto. Bakit ba naman kasi ngayon pa kami nahuli ng gising?

Dalawang buwan matapos ang gulong iyon, masaya ako dahil hindi pa nadadagdagan pa. At hindi ko na hihilingin!

I can feel that everything is falling into its proper places. Kung pupwede nga lang matapos na ito sa ganito.

Magdadalawang buwan na rin pala noong aminin ni Josiah sa akin na nililigawan niya ako — sa pangalawang pagkakataon at sa mismong harapan pang muli ni Ali. Iniisip ko ngang magagalit na naman ang anak ko pero nakakapagtakang hindi.

Tinutotoo talaga niya ang rason nito sa akin.

Isang oras at kalahati pa ang kailangan naming gugulin bago tuluyang makarating sa lugar pero kanina pa raw nandoon ang mga staff. Nakakahiya! Ito ang huling araw namin sa pagsho-shoot kaya higit na mas kailangan daw ako roon. Pagkatapos ay kailangan pa ulit i-brief ang mga editors at sa susunod na man daw, sabay sabay naming panonoorin ang nagawa.

Nahihiya at hindi ko halos matingnan ang mga taong naroroon dahil talagang kami na lang ni Josiah ang hinihintay.

"Tanya!"

Hinila ko na agad palapit doon ang anak ko. Nakakahiya naman kasi lalo kung kami na nga ang nahuli, kami pa ang magbabagal. Nagtuloy ako sa iilang staffs na kasama rin si Direk. Dumeretso naman agad si Ali sa Kuya Baste niya.

Busy ako sa unang sampung minuto, kaya huli na nang mapansin kong wala nga roon si Josiah. Pero, teka? Akala ko ba kami na lang ang inaantay at nandito na ang lalaki?

"Si Josiah?" hindi ko na mapigilang magtanong at magtaka lalo na kung natahimik silang lahat at nagtinginan lang.

"Lumabas ba?" dagdag ko para lang makuhang muli ang mga atensyon ng taong naroon.

"Ma'am," nakahinga lang ako nang maluwag nang ang sekretarya na nito ang sumagot. "Hindi raw po makakarating si Sir, hindi po kasi maayos ang pakiramdam niya. Sabi niya, pupwedeng cause iyon ng sakit nito kaya hindi na niya tinitigilan ng pagsakit ng ulo."

For that second, alam kong sariling tibok ng puso ko lang ang naririnig. Sobra naman ata akong kinakabahan. Dapat nga medyo kampante na ako dahil pinili nito ang magpahinga.

"Pero Ma'am, 'wag na po kayong mag-alala. Nagpatawag naman na po kami ng doktor so anytime now darating na rin," dagdag niya pa. Pinilit ko ang sarili kong tumango at magpasalamat.

Sa mga sumunod na minuto ay pilit kong nilibang ang sarili ko. Gusto ko rin kasi itong pigilan sa pag-aalala sa binata pero hindi ko pa rin maisip kung ano marahil ang sitwasyon nito roon.

Nakakakilos kaya ito para kumain o kahit uminom man lang ng tubig? Paano kung hindi? Sino ang katulong nito? May kasama kaya ito sa bahay? O baka nasa opisina lang siya—

"Ma, are you okay?" pinili ko rin ang sarili kong tumango sa tanong na iyon ng anak.

Ang totoo, hindi. Bakit ba ako kinukutuban sa bagay na ito? Sobra sobra ang kaba ko na parang may hindi magandang mangyayari... huwag naman sana lalo pa at nagsisimula pa lang kaming muli.

"Nga pala, Ma. Pwede ko po bang samahan si Kuya Baste? He'll be out para bumili ng food natin for lunch," sabi nito na agad ding sinundan ni Baste.

"Yes. Malapit lang naman dito 'yung branch nila Isiaah kaya do'n na lang."

Sa huli, hindi ko na rin napigilan ang pagpayag. Hindi ko nga lang sigurado kung gusto ko ba talagang sumama ang anak ko roon o hindi lang talaga ako makapag-isip ng tama.

"Tanya!" sa pagtawag na iyon ni Direk AJ ay halos walang buhay akong lumapit. "This is Fez, siya ang magiging head ng editors natin. Gusto ka sana niyang kausapin."

That's what I did. Kaya lang hindi naging pag-uusap iyon dahil kadalasan ay si Fez lang ang nagsasalita. Sobrang kinakain na ng pag-aalala ang sistema ko.

Hindi rin nakatulong ang biglaang pagsigaw ng sekretarya ni Josiah sa kausap nito sa cellphone kaya hindi ko na napigilang makiusyoso.

"Sir?! Ano pong ibig ninyong sabihin na wala? Imposible ho. Tinawagan ko na si Dr. Serilla kanina at sinabing tutuloy siya."

"Ano 'yan?" pagsingit ko pero ni si Direk AJ ay walang nasagot kaya minabuti naming mag-antay na lang.

"Tatawag na lang ako ng ambulansya, Sir. Asap," sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Ambulansya? Bakit?

"Ano ba 'yun?!" pasigaw ko na halos na sabi.

"Ma'am, hindi dumating 'yung doktor kaya ngayon hindi na halos kayanin ni Sir ang pananakit ng ulo niya kaya tatawag na lang raw po sa ambulansya—"

"What the hell!" mabilisan kong kinuha ang sling bag na dala ko at inilabas doon ang cellphone ko habang naglalakad na palayo roon. Hindi ko na rin nagawang makapagpalam bukod sa deklarasyon kong pupuntahan ko si Josiah.

"Ma'am, sasama po ako. Tumawag na po ako ng ambulansya at papunta na raw po sila," dere-deretsong sabi pa ng sekretarya ni Josiah na limot ko na halos ang pangalan.

Sumakay ako sa kotse ko at sumakay rin ito sakanya, naisip ko ngang mag-iisa na lang kami ng sasakyan pero hindi rin siguro maaari.

Habang nagdadrive, doon ko pa lang nacontact ang anak ko. I put it on a loud speaker na mabilis niya namang nasagot.

"Ma?" bungad niya.

"Ali, umalis ako sa set. Babalik ako mamaya after ng emergency pero 'pag natagalan ako baka pwedeng makisabay ka muna kay Kuya Baste mo—"

"Ma, calm down."

"I....I can't," agad kong sagot.

"Ano po ba 'yung nangyari?"

Mabilis ang pagpapatakbo ko. Hindi ko alam kung dala ito ng adrenaline o baka sinasadya ko talagang magmadali. "I-Isusugod sa ospital si Josiah."

"What?!"

Kahit siya ay nagulantang rin, napilit pa nga itong sumunod pero hindi ko na rin muna pinayagan. Mabuting kasama niya muna si Baste at magpunta na lang roon kapag naayos na ang lahat.

Ano ba kasing pinaggagagawa mo, Josiah? Ginapang ako agad ng panginginig ng biglang maisip na baka kaya ito nagkaganoon dahil sa pagpilit nitong makaalala.

Why the hell would he do that?! Aware naman siyang delikado, hindi ba?

Ang dalawang buwan na iyon na maayos kami nila Ali ay pinakamasayang dalawang buwan na ng buhay ko. Kung hindi kasi kami mamamasyal ay roon naman nagpapalipas ng maghapon si Josiah sa unit.

Paulit ulit kong nararamdamang masaya ako, eh. Kaya bakit? Bakit pa? Bakit hindi pa kami tinitigilan ng kung anong kamalasan sa buhay?

Namalayan ko na lang na umiiyak na naman pala ako nang may tumulong kung ano sa kamay ko — mga luha ko na pala. I'm such a crybaby for all these pero bakit naman kasi?! Bakit ba palagi na lang kaming pamilya ang kailangan magsuffer?

Bakit palagi na lang ako? Bakit palagi na lang kami ni Ali?

Sa sobrang pag-iisip, hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa tapat ng tinutuluyan ni Josiah ngayon — sinabi iyon ng sekretarya bago kami tuluyang maghiwalay ng sasakyan.

Pagdating roon ay hindi ko na inantay na makita man lang ang sasakyan ng sekretarya nito, dali-dali na agad akong pumasok roon at ganoon na lang ang pagtataka kong wala ni anino man lang ng ambulansya.

Hindi kaya nadala na ito sa ospital?

Dali-dali kong tinungo ang pintuan at halos mawalan ng lakas ng mahawakan ko ang bukas nitong doorknob. Andito pa... siya?

"Josiah!"

\\\

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon