Chapter 27

747 30 0
                                    


"Sagot!"

Buong buhay ko ay malaki ang pagrespeto ko sa mga magulang. Sila nga ang role model ko, eh. Sila ang lahat para sa akin. Alam kong malaki ang utang na loob ko sa mga magulang ko pero hindi ko na kaya pang lokohin ang sarili. Hindi ko na kayang magtimpi.

"A-Anak, kumalma ka." Imbes na tumitig sa ina dahil sa sinabi nito ay mariin lang akong napapikit.

"I want the truth. Please... please, tell me the truth." nanlulumo kong sabi.

Alam kong may karapatan pa rin naman akong magalit sa nagawa ng mga ito sa akin... bakit hindi ko magawa?

Bakit ipinapasok ko pa rin sa kokote kong kailangan kong mas pagpasensyahan ang mga magulang?

Wala akong ibang ginawa kundi mag-antay habang inuubos ang sarili sa pag-iyak. Nagbabaka sakali pa rin ako. Nagbabaka sakaling sabihin na nila ang lahat.

I need the truth! I am so fed up with the lies. Hindi ko na alam kung ano ba ang totoo at ang kasinungalingan.

"Ako... ako ang may kasalanan," nanginginig nginig pa ang mga labi ni papa habang lumuluha.

"Hindi ko gusto ang pagbubuntis mo noon, a-anak. Alam mo namang gusto kong ipalaglag ang bata, hindi ba? Kaya, iyon ang naisip kong paraan. Inisip kong palabasin na ibang lalaki ang nakabuntis sa'yo para t-tuluyan kang layuan ni Josiah at maisip mong ipalaglag na lang ang bata-"

Ipinangako ko sa sarili kong makikinig ako sa paliwanag ng ama pero hindi ko pa rin kayang panindigan iyon. Nakayukom ang kamao ko at malakas na itinulak ang bakanteng upuang nasa tabi dahilan para malakas itong kumalampag.

"Pwes, nagtagumpay ho ba kayo?! Nakakapanlumo, Pa! Pinaniniwala niyo si Ali na mahal niyo siya kahit ang totoo ilang beses mong hiniling na patayin ko siya!"

Minabuti ko nang tumalikod. Pakiramdam ko kasing sapat na ang mga narinig ko sa ama nang bigla nitong hinigit ang mga braso ko. Dahilan para mapaharap akong muli sa kanila, nasa kanan ko si mama na pumapalahaw na ng iyak at nasa kaliwa naman ang ama kong kung titingnan mo ay mukhang tigasin pero ngayon ay nagsisimula na sa pagbe-breakdown.

"Anak, bata ka pa noon. Delikado sayo ang pagbubuntis. Ayokong maapektuhan ang buhay mo pero mas ayaw kitang mamatay! Hindi namin kakayanin ng nanay mo ang mawala ka samin," tuwid niyang paliwanag kahit punong puno na rin ng mga luha ang buo nitong mukha.

"Tagumpay kayo, Pa. Hindi nga ako namatay sa panganganak pero parang kayo mismo ang pumatay sa akin dahil sa sakit."

Sa pagkakataong iyon, tuluyan na akong nakalabas sa bahay ng walang ibang pumipigil. Doon ay mabilis kong tinakbo ang malapit na dalampasigang naroon. Dalampasigang madalas naming pinupuntahan ni Josiah.

Ang dalampasigan kung saan niya ako nagawang pabayaan.

Kung saan ko huling naiwala si Josiah.

Lugar kung saan nagsimula ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pagkaupo sa isang maliit na espasyong na roon - malayo sa mga turistang halatang enjoy na enjoy, niyakap ko agad ang sariling mga hita at pinatong ang ulo sa tuhod habang patuloy pa ring tahimik na umiiyak.

"He... loves you."

Sa gulat ay agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses at ganoon na lang ang gulat nang makita si Isiaah. Tahimik din siyang naupo sa tabi ko at ginaya ang pagkakaupo.

Paanong nandito rin ang lalaki? Sinadya niya ba akong sundan?

"Mahal na mahal ka niya, Tanya." Dahil inulit pa niya ang sinabi kanina, doon ko lang ito napagtuunan ng pansin. Nagsisimula na namang manikip ang dibdib ko nang maalala muli ang mga pinagdaanan.

"Kung mahal niya ako, bakit niya ako iniwan? Kung mahal niya ako, bakit hindi niya pinandigan ang anak ko? Kung mahal niya ako, bakit hindi ako ang pinaniwalaan niya?!"

Palakas nang palakas ang naging paghagulgol ko kaya alam kong natutop din ni Isiaah ang bibig. Totoong marami akong tanong, marami akong gustong makuhang kasagutan pero hindi na ata kakayanin ng sistema ko ang lahat. Hindi na ata nito kayang i-handle pa ang panibagong sakit.

Pagkatapos ng ilang minutong pananahimik ay narinig ko ang malalalim na paghinga ng katabi, "Yes, nalaman naming hindi si Kuya ang tatay ni Ali noon. Naniwala kami dahil mismong ang tatay mo ang nagsabi, Tanya. Kuya's devastated. Inuulit ko lang, sobrang mahal ka niya at ang malamang nabuntis ka ng ibang lalaki ay halos ikamatay niya na rin."

Nanatili akong nakatingin sa mga buhanging nakapatong na sa paanan ko habang nakayukom pa rin ang kamao.

My own parents made me suffer. Hindi ko mapapagdaanan ang lahat ng ito ngayon kung hindi iyon ang naisip niyang paraan!

"He tried to take his own life... ten times, Tanya. Sampung beses! Sampung beses kaming pabalik balik ng ospital sa loob ng sampung taon! Sampung taon niyang pinasan ang katotohanang alam niya, na may iba kang pamilya. Na hindi siya ang kasama mo!"

Hindi ko alam kung kanino ako papanig. Hindi ba dapat nagtanong muna si Josiah noong araw na iyon? Kaya pala mukha na siyang galit bago pa ako makalapit sakanya. Kaya pala wala itong pag-aatubiling sabihing ipalaglag ko ang bata.

Alam kong malaki ang tsansang nagsasabi si Isiaah ng totoo. In fact, siya pa nga ang nagsimulang magmulat sa akin ng lahat. Simula roon sa pagkakaroon ng amnesia ni Josiah.

"Sampung taon, wala siyang kaalam-alam. Galit kami lahat, Tanya. Nasasaktan rin ako para sa kuya ko lalo na't doon ko lang siya nakitang nagkagano'n. But after ten years, we saw you. Sa facebook account nung bestfriend mong si Cassie, a picture of you and Ali. Alam mong mas kamukha ni Josiah si Ali nung bata, Tanya, kaya isa lang ang naisip namin ni Kuya tungkol doon. Alam na naming nagsinungaling ang tatay mo," pagpapatuloy niya.

"Pero, bakit? Bakit 'di siya umuwi? Alam na niyang matagal ang totoo pero hindi siya bumalik-"

"He did! Bumalik siya... at sa sobrang pagmamadali niya, he got into an accident. Doon na nagsimula lahat, pitong taon... wala na siyang maalala."

Hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ako kung hindi pa ako aabutan ni Isiaah ng dala nitong panyo. Tinanggap ko ito, pagkatapos ay parang gusto ko nang ilubog ang mga mukha ko sa panyong iyon.

Mas nadagdagan ang iisipin ko ngayon dahil sa panibagong nalaman. Mas sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ng alaala ni Josiah.

No! It was my father's fault.

Pero ako ang dahilan kung bakit nagkandaleche-leche nga ang buhay ni Josiah.

Ang buhay ng taong mahal ko.

And I think... I need to save him. Tama nga ang mommy niya, he doesn't deserve this. He doesn't deserve me.

Nang tumayo ako, ipinalagay ko na ang sarili ko. Pare-pareha lang kaming nasisira sa nangyayari.

Akmang tatalikod na ako at pipiliing lumayo sa lugar na iyon ay nagawa ring hawakan ni Isiaah ang braso ko para mapigilan.

"Tanya," bungad niya. "Tanya, he loves you."

Hindi naman sapat iyong mahal niyo lang ang isa't isa, hindi ba? Hindi naman porket nagmamahal ka ay kaya mong tanggapin ang lahat ng sakit pupwede mong maramdaman. Hindi ako kasing tapang ng kung sino man.

Ang totoo, duwag ako. Duwag akong ituring dahil hindi ko na ata kayang mas ilaban pa ang sakit... walang namang may karapatang masaktan.

Wala na akong lakas makipagtigasan sa sakit. I had enough. Sobra sobra na ang lahat.

"K-Kitang kita ko ang lahat, Tanya. Kung paano nasira ang buhay ni Kuya noong nawala ka. Kaya ngayon, masaya akong nakita ka niya ulit."

Tahimik lang ako pero hindi maitatagong pinakikingnan ko siya.

"Ayokong makita si Kuyang magkagano'n ulit, Tanya. He loves you, w-wag mo siyang iwan."

Ipinikit ko na lang muli ang mga mata ko na parang iyon lang ang kaya kong gawin at isagot. Nakatalikod ako sakanya pero alam kong hindi pa rin makakatakas rito ang maliliit na paggalaw ng mga balikat ko dahil sa paghikbi.

"Siya ang nagsimula, Isiaah. Tinatapos ko na," pinal na sabi ko. Sa gulat ay nawalan ng mga lakas ang pagkakahawak nito sa braso ko dahilan para maalis ko iyon at makatabo paalis sa lugar na iyon.

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon