Chapter 16

667 29 0
                                    


"MA?!"

Nanginginig ako nang subukan kong harapin ang anak ko. Alam kong galit siya, hindi niya gusto ang lalaki at higit sa lahat hindi pa siya handang pumasok ako sa isang relasyon.

Nagmamadali akong tumayo nang magsimulang tumakbo papalayo roon si Ali pero pinigilan lang ako ni Josiah.

"Tanya, pabayaan mo-"

"Pabayaan?! He's my son! At siya lang ang mayroon ako. Nagkagano'n siya dahil sayo kaya kung may mangyari man? Hinding hindi kita mapapatawad." kusa niyang nabitawan ang mga braso ko. Pagkatapos ay umalis na ako sa lugar na iyon.

"Alesseo!"

Nang mawala na ito sa paningin ko ay tuluyan na akong sinakop ng takot. Hindi siya pamilyar sa lugar. Paaano kung bigla na lang siyang hablutin ng kung sino dyan?

"Ali? Please, nasaan ka?"

My eyes started to water. Paminsan minsan ay sinsisi si Josiah sa biglaan niyang pagpasok sa buhay namin. Dapat noon pa lang ay hindi ko na hinayaan eh. Dapat hindi na ako pumirma sa kontrata. Dapat na kuntento na lang ako sa pagsusulat at pagdedesign.

Mag-iisang oras ko na atang nalibot ang lugar at balde-baldeng luha na rin ang nailabas ko. Alesseo, nasaan ka na?

Hindi hindi ko mapapatawad maging ang sarili ko kung may nangyari mang masama sakanya. Sa pagod ay pinili ko munang mapuno sa naglalaking mga bato roon. Mabuti na lang ay hindi gaanong mainit, alam kong hindi rin naiinitan si Ali kung nasaan man siya.

Matalino si Ali. Alam kong hindi naman ito maliligaw sa lugar kaya wala ako dapat ikatakot. Nag-aalala lang ako kung paanong may kumuha sakanyang kung sino at dalhin kung saan.

This is all my fault. Alam ko nanang gulong posibleng mangyari sa amin noong una pa lang pero hinayaan ko pa rin. Tinanggap ko pa rin.

Kasalanan kong lahat ito. Kung hindi lang ako naging mahina ay hindi na sana madadamay pa ang anak ko.

Nabunutan ako ng malaking tinik sa text ni Baste, sinasabi noong kasama raw nila si Ali at magpapaddle boating. Bumalik na raw ako.

To: Sebastian Clarete

Sige, salamat. Kayo na lang.

Mas gugustuhin ko na muna sigurong maupo. Isa pa, takot rin naman ako sa malalim na dagat. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar,

Hindi ko alam pero tuwing nakararamdam ako ng peace sa isang lugar ay mas lalo akong nalulungkot. Mas lalo ko kasing naaalala ang lahat ng pinagdaanan ko, lahat ng pinagdaanan namin ni Ali.

Simula nang iwan kami ni Josiah, wala ni isang gabi akong hindi umiyak. Parati ko siyang hinahanap, parati kong hinahanap ang isang taong ginusto naman talagang umalis. Nang maipanganak ko si Ali, mas lalo lang naging mahirap ang sitwasyon. Tuwing umiiyak ito, tuwing kailangang may makain kami. Akala ko nga iyon na ang pinakamahirap na parte.

Pero nang lumaki na siya at nagsimula nang mag-aral, doon pala kami mas mahihirapan. Hindi lang dahil sa kailangan ng sapat na panggastos.. dahil pa nagsimula na rin siyang hanapin ang wala.

My Ali was bullied because he doesn't have a father. Walang araw na hindi ito umiyak sa akin noon dahil gusto niyang makita ang tatay niya. Walang araw ka hindi niya hilingin sa akin na puntahan namin ito kahit ako sa sarili ko mismo ay hindi malamam kung nasaan si Josiah.

Wala siya. Wala si Josiah.

Wala siya noong hirap na hirap kaming dalawa ni Ali sa pangkain at panggastos. Wala noong kailangan namin ng matibay na haligi sa aming tahanan.

At iyon ang mga bagay na pumipigil sa akin para sabihin ang totoo.

Hindi namin kailangan si Josiah. Ang pagsiwalat ng katotohanan ay parang pagbibigay daan para sakanyang pumasok ng ganoon ganoon na lang sa buhay namin.

Ayoko.

"Hindi, Tanya. He doesn't deserve it," pagkukumbinsi ko pa sa sarili kong kaonting kibot ay bibigay na.

Nang makaramdam ng antok ay pinili ko nalang bumalik sa Villa. Magpapahinga na lang siguro muna ako habang inaantay sila.

Kukunin ko na sana ang susi ko para tuluyang mabuksan ang kwartong inuukupa nang maramdamang bukas iyon. Dali dali akong pumasok at halos mapugtuan ako ng hininga nang makitang si Josiah ang naroon. Tahimik at nakaupo lang sa gilid ng kama. Napatingin ito sa akin nang maramdamdaman ang presensya ko.

"Tanya," panimula niya.

"Anong ginagawa mo rito?"

Taas noo akong kumuha ng damit sa isa mga bag ko pagkatapos ay dumeretso sa banyo pero wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa lalaki. Kahit noong makalabas na ako at maupo sa kabilang gilid ng kama.

"Anong problema-"

"Hindi ba kita pwedeng magustuhan? Hindi ba kita pwedeng mahalin, Tanya?" hindi ko na nagawang pigilan ang lalaki noong hilain ako nito pahiga sa kama dahilan para tuluyan kaming maging magkatabi.

Nanatili akong tahimik at saka minabuting ituon ang mga mata sa kisame. Ayoko siyang tingnan lalo pa at awkward ang posisyon namin ngayon dahil masyado kaming malapit sa isa't isa.

"Bakit gano'n? Hindi pa nga ako nagsisimula pero nararamdaman ko nang maraming hadlang. What's wrong about pursuing you? Anong masama kung mahalin kita, Tanya?"

Mabilis na nanubig ang mga mata ko dahil sa sunod-sunod na sinabi ng katabi. Pinigil ko ang sarili kong magsalita kahit marami akong gustong sabihin. Kahit marami rin akong tanong at mga bagay na gustong malaman.

Mabuti na lang at nakatingin lang ako sa taas, napipigil noon ang nagbabadya kong mga luha.

Gusto kong hilingin sa lalaki na layuan na niya ako. Gusto kong iparamdam na ayoko sa kanya pero kinakalaban din ako ng puso ko.

Hinding hindi ko pa rin makalimutan si Josiah kaya kahit ilang beses kong gustuhin na tuluyan siyang ipagtabuyan ay hindi ko magawa.

Ang gulo! Sobra na akong maguguluhan. Alam ng isip kong hindi tama ang ganito. Hindi tama ang papasukin pa si Josiah sa buhay naming mag-ina.

Pero tinututulan lang iyon ng puso ko. Patuloy pa rin kasi iyong umaasang pupwede pa kaming maayos. Pupwede pa kaming maging isang buo at masayang pamilya.

Imbes na magsalita ay sinubukan kong balingan ang katabi. Ilang minuto na rin kasi matapos ng huli siyang magsalita kaya tuluyan na itong nakatulog.

Mariin kong tinitigan ang bawat parte ng mukha nito na parang inaanalisa ko iyon. Na parang miss na miss ko.

Naguguluhan na rin ako. Hindi ko alam kung alin sa mga bagay ka ginagawa ko ngayon ang tama at katanggap-tanggap.

Napabuntong hininga na lang ako ng makumpirmang tulog na nga ang lalaki. Kung pupwede ko lang sanang sabihin sa iyo ang lahat.

"K-Kung.. sana hindi mo lang kami iniwan. Paniguradong masaya ang pamilya natin nila Ali ngayon."

Pinunas ko ang mga luhang nakalusot at muling bumaling sa kisame. Paanong naging sobrang kumplikado ang lahat?

Napabalikwas ako nang may kumalabog malapit sa pintuan. Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ang anak kong nakaluhod at nakakapit sa hamba ng pintuan.

"Anong sabi mo, Ma?"

Burning MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon