〔 02 〕

7.9K 363 440
                                    

SALLY'S

"Let's try naman sa Horror house." Sooji said at hinila kami bigla ni Yiji para pumila. Kakatapos lang namin sa Spin-a-Wheel. Medyo matatagalan kami nito kasi sobrang dami ng tao ang nakapila.

"Halos lahat ata ng sigawan nanggagaling dito sa Horror house." Sabi ni Sooji habang may tinatype sa phone niya.

"EOMMAAAAAAA AAAaAAAAaaaaAaAaAAA!!" Nagulat kami sa napakalakas na sigaw ng isang lalaki mula sa Horror house.

Natawa ang mga taong nakarinig pati na rin ako.

"Familiar ang boses, omg." Sambit ni Sooji.

Hindi nagtagal ay may nagsilabasan na at pinapasok sa loob ang iba kaya nakausad na kami sa pila.

Kaagad nakuha ng isang lalaki ang atensyon ko na kakalabas lang ng horror house.

And omg, kasama niya sila Kuya. Nakakapit ang lalaki sa braso ni Kuya Sunghoon habang sina Jay at Jake ay tumatawa.

"May nakita akong gwapo kasama nina Jake, look!" Pabulong na sabi ni Yiji at tinuro ang direksyon nina Kuya Sunghoon. "Kumaway ka para makita ka ni Sunghoon oppa, dali!"

Katulad ng sinabi ni Yiji, kumaway ako. Kaagad naman akong nakita ni Kuya Sunghoon kaya lumapit sila sa pwesto namin.

"Sally!" Tawag sa akin ni Jay opparrr at nag-apir kaming dalawa. Tiningnan ko naman si Jake at nginitian niya ako.

Omg skksshdjskaajnIa

Nginitian ko rin siya pabalik. Gusto kong magsisisigaw pero dapat kong pigilan ang kilig ko para hindi niya mahalatang crush ko siya.

Tiningnan ko nalang ang lalaking nakakapit sa braso ni Kuya Sunghoon kanina. Sinusuklay-suklay niya ang buhok niya gamit ang kaniyang kamay.

Ang gwapo!

Kaso ang hinhin..

"Nag-eenjoy ba kayo?" Tanong ni Kuya Jay kaya tumango kaming dalawa ni Yiji. Hindi ko namalayan na nag-uusap na pala si Sooji at Kuya Sunghoon sa gilid.

"Kayo ba?" Tanong pabalik ni Yiji. Tumango lang din sina Jake at Kuya Jay. Mas matanda sa akin si Jake pero ayokong mag-kuya sa kanya. Siya na rin ang nagsabi na wag ko daw siya tawaging 'Kuya'.

"Hyung, pinapauwi na ako ni Mama." Biglang nagsalita ang gwapo nilang kasama. Wait lang, hindi ko pa alam ang pangalan mo!

"Ah talaga ba? Sige hatid ka namin. Tawagin na natin si Sunghoon," Tiningnan ulit kami ni Kuya Jay at nginitian. "Una na muna kami sa inyo. Enjoy kayo." Naglakad sila papunta kay Kuya Sunghoon.

"Una na kami, Sally. Ingat kayo pauwi." Sabi ni Sunghoon oppa at naglakad na palayo.

"Sayang, hindi natin natanong ang pangalan." Bigla kong naalala na pinag-usapan namin kanina ni Kuya Sunghoon bago kami magpunta rito sa carnival.

I took my phone out of my pocket at nagbackread. And there, he mentioned his name pala earlier. Bakit hindi ko napansin 'yon?

"Sunoo."

barbie ⌕ ִֶָ  sunoo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon