SALLY'S
Hindi ko napansing friday na pala bukas, ang bilis lumipas ng oras. PE namin ngayon pero wala ang sir namin kasi may inaasikaso raw.
Papunta sana akong canteen kasi nauuhaw ako nang may mapansin akong isang lalaking natutulog sa isang bench.
Nilapitan ko si Sunoo, tinapik-tapik ko ang balikat niya pero hindi siya nagigising.
"Sunoo?" Tinapik-tapik ko siya pero hindi talaga siya nagigising. "Yah bb.." Hindi ko alam kung natutulog lang ba siya o ano.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Kuya Sunghoon.
"Hello, Sally?"
"Kuya Sunghoon, punta ka dito sa bench na katapat lang ng building namin please."
"Why? What happened?"
"Hindi nagigising si Sunoo, eh. Kanina ko pa siya tinatapik-tapik pero hindi talaga siya nagigising."
"Tulungan mo naman ako, Kuya. Dalhin natin siya sa school clinic, baka kung anong nangyari dito eh."
"Okay, wait."
I ended the call. Umupo muna ako sa maliit na space sa bench kasi nakakangalay tumayo. Nawala bigla ang pagkauhaw ko.
"Sally!" Kasama ni Kuya Sunghoon si Kuya Jay, nagmamadali silang tumakbo sa pwesto namin ni Sunoo.
"Anong nangyari dito?" Takhang tanong ni Kuya Jay at pinagtulungan nilang buhatin si Sunoo.
"Hindi ko alam, nakita ko lang siya dyan." Sumunod ako sa dalawa papunta sa clinic. Bumungad sa 'min yung school nurse.
"Anong nangyari sa kanya?" The school nurse asked. Inihiga nila Kuya si Sunoo sa higaan.
Sinabi ni Kuya Jay na nakita lang namin si Sunoo sa bench. Sinimulang asikasuhin ng school nurse si Sunoo.
"Let him rest for a bit, I think he passed out because he lacked sleep." Iniwan na kami ng nurse dahil may aasikasuhin pa raw siya.
"Thank you sa tulong niyong dalawa."
"Wala 'yon Jake este Sally, tropa rin naman namin si Sunoo so natural tutulungan namin siya." Sabi ni Kuya Jay. Mahilig talaga mangasar 'to kahit kailan.
"Bantayan mo muna, Sally. We'll just buy some foods." Tumango ako kay Kuya Sunghoon at lumabas na sila sa clinic.
I sat on the chair next to Sunoo's bed and stared at his handsome face. Maputla ang mukha niya pero gwapo pa rin.
I got bored by staring at him so I took out my phone and opened my fb nalang, scroll-scroll lang ganurn.
After a few minutes, nakabalik na rin sina Kuya Sunghoon dala-dala ang mga pinamili nilang pagkain.
"May klase pa ba kayo?" Tanong ko. Kumuha ako ng isang slice ng pizza at isang chuckie.
"Mayroon pa but it's a boring subject so okay lang magcut," Ani Kuya Jay at kumuha rin ng pizza. Umupo siya sa may paanan ni Sunoo. "Plus, classmate ko si Sunghoon, pwede niya akong pakopyahin kapag magquiz."
"Gago, aasa ka nanaman sa akin." Sabi ni Kuya Sunghoon, kumuha siya ng isang upuan at tumabi sa 'kin. Inabutan niya ako ng hamburger.
"Syempre." Sambit ni Kuya Jay at nagwink kay Kuya Sunghoon.
"Hyung.." Napalingon kaming tatlo nang magsalita si Sunoo.
"Sunoo, gising kana pala." Tumingin muna siya kila Kuya Jay bago niya ako tingnan.
"Bakit ako nandito?" Takhang tanong niya. Tinulungan naman siya ni Kuya Jay sa pag-upo.
"You passed out." Sagot ni Kuya Sunghoon. "Sally saw you kanina sa bench."
Sunoo looked at me kaya ngumiti ako sa kanya. Tumitig siya ng matagal sa 'kin bago siya umiwas ng tingin.
Bakit parang may mali sa tingin niya?
Tinawag namin ang school nurse at inasikaso ulit si Sunoo.
"You should eat more, Mr. Kim." Rinig kong sabi ng school nurse habang inaasikaso pa rin si Sunoo.
"Nakalimutan kong kumain kanina." Mahinang sambit ni Sunoo pero narinig ko pa rin. May sinabi pa sa kanya ang school nurse bago umalis.
"Uuwi na ako." Bago pa man makababa ng higaan si Sunoo, pinigilan na siya ni Kuya Jay.
"Kain ka muna." Umayos ng upo si Sunoo. Inabutan ko siya ng hamburger at tinanggap niya naman iyon.
"Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ko.
"Medyo okay na."
"What did you do last night? The school nurse said you lacked sleep." Inabutan ni Kuya Sunghoon si Sunoo ng tubig.
"Project? Hehe."
"Kakasimula palang ng second quarter, Sunoo." Kuya Jay said and drank his energy drink.
"Report? yeah, report. I stayed up late last night kasi I finished my report for tomorrow."
"What subject? You should've told me para natulungan kita." Sabi ni Kuya Sunghoon.
"Uh.. science.." Halata talagang nagsisinungaling si Sunoo.
"Pareho tayo ng teacher sa science, right? Ms. Seo. Sa pagkakaalala ko, magqui-quiz palang tomorrow." Sunoo sighed before looking at me.
"Uh fine.." He sighed again. "I couldn't stop thinking about someone so I stayed up late, I didn't even noticed that it was already 3 am in the morning."
BINABASA MO ANG
barbie ⌕ ִֶָ sunoo
Fanfic⌗𝐊𝐈𝐌 𝐒𝐔𝐍𝐎𝐎 ━ ❝ Ikaw pala yung gwapong barbie na sumigaw sa horror house. ❞ 엔하이픈 series #1 ╰──╮ completed あ : epistolary + short narrations ♡ ً taglish © treasurenhypen 2020