SALLY'S
"Kain pa." Sambit ni Sunoo at nilagyan ng meat ang plate ko.
"Ayoko na, busog na busog na ako." Malapit nang mag 2pm, ilang oras na kaming kumakain dito amp. Ayaw ko na mag-eat all you can. Sasabog na ata ang tiyan ko nang dahil sa kabusugan. #rhyme charot.
"Sino ba ang nagsuggest na mag-eat all you can?" Sinamaan ni Kuya Jay ng tingin si Sunghoon oppa. Napataas lang ng kilay niya dito.
"Di ko na kayang ubusin ito, busog na talaga ako." Sabi ni Sunoo at sumandal sa upuan.
"Pero sayang naman kung hindi natin uubusin." Sabi ko at nagpout. Nilagyan ko ng tubig ang baso ko at dahan-dahang ininom.
Nakatingin lang ako sa may pintuan ng restaurant habang umiinom.
Nasamid ako nang biglang pumasok dito ang isang pamilyar na lalaki.
"Sally, okay ka lang? Hinay-hinay lang kasi sa pag-inom." Tanong ni Sunoo. Inabutan niya ako ng tissue, agad ko naman itong inabot. "Eyy, kadiri ka sis, yung plato mo may tubig na tuloy."
"Si Jake.." Turo ko sa may counter. Sabay-sabay silang lumingon sa counter. Kasama niya si.. Denchie?
"Animal." Mahinang sambit ni Kuya Jay na siyang dahilan para matawa si Kuya Sunghoon.
Nakatingin pa rin kaming apat sa direksyon nila Jake. Akala ko ba busy siya kaya hindi siya nakasama sa amin?
Hinawakan ni Jake ang kamay ni Denchie at naglakad sila palabas ng restaurant. Hindi niya ata kami nakita.
Parang tinusok-tusok ng daang-daang karayom ang puso ko sa nakita. Ang oa pakinggan pero iyon talaga ang nararamdaman ko.
Tumabi sa 'kin si Sunoo at tinapik-tapik ang likod ko.
"Ayos ka lang?"
BINABASA MO ANG
barbie ⌕ ִֶָ sunoo
Fanfiction⌗𝐊𝐈𝐌 𝐒𝐔𝐍𝐎𝐎 ━ ❝ Ikaw pala yung gwapong barbie na sumigaw sa horror house. ❞ 엔하이픈 series #1 ╰──╮ completed あ : epistolary + short narrations ♡ ً taglish © treasurenhypen 2020