〔 46 〕

3.5K 237 92
                                    

SALLY'S

Tapos na kami sa Ring toss, Ball toss, Fish out of the Water, Spin-a-Wheel at Ferris Wheel. It's 6:45 pm, we are currently queuing para sa Swinger.

"Pagkatapos ng Swinger, saan tayo?" Tanong ko kay Sunoo na nasa tabi ko, inuubos ang shake na binili namin kanina.

"Kahit saan huwag lang sa Horror house." Ngumiti ako ng nakakaloko.

"Horror train." Kaagad niya akong sinamaan ng tingin at pinalo sa braso. "Aray!"

"Huwag dyan! May nanghihila raw ng buhok." Naubos na ang shake niya at inilagay sa basurahan. "Nakalugay ka pa naman, wala kang pantali?"

Umiling ako.

"Edi tulungan mo ako kapag may humila sa buhok ko." Ngumiti ako ng mapangasar. "Gusto kong matry ang Horror house bago mawala itong carnival next next week."

"Fine, fine." Halatang napipilitan lang siya, kita ko talaga sa mukha niya.

Pinasakay na kami sa swinger, doon kami sa pinakadulo umupo para mas maganda ang view.

Nagsimulang magswing, puro sigawan at tilian ang naririnig namin, nakakabingi.

"AaAAaAAAaAAa!"

"Potangina ayoko na nasusuka na ako!" Sigaw mula sa gitna. Nagtawanan lahat ng nakarinig.

"Itigil na natin 'to! Natatae na ako!" Natawa kami sa sigaw mula sa kabilang dulo.

Nang matapos, kaagad akong hinila ni Sunoo sa may damuhan.

Natawa ako nang magsimula siyang sumuka. Ewwness. Bumili ako ng tubig tsaka bumalik sa kinaroroonan ni Sunoo.

"Ito, inom, kadiri ka." Natatawa kong sambit. Hinagod ko ang kanyang likod.

"Ngayon lang ako nahilo ng ganito." Ani Sunoo bago uminom ng tubig. I took a tissue from my bag and gave it to him. "Thanks."

He wiped his mouth with the tissue I had given. Kinuha ko ang alcohol sa bag ko at inilahad sa kanya.

"Ready na ready ah." Tumawa kaming dalawa.

"Okay kana? Tara Horror train." Naglakad kami patungong horror train.

"Sure ka ba dito, Sally?" Halata talagang ayaw niya sumakay sa horror train.

"Nakakuha na tayo ng tickets, aatras pa ba tayo?" Iwinagayway ko ang tickets sa mukha niya. "Dito mo patunayan na hindi ka barbie." Panghahamon ko ulit.

He took a deep breath bago kami sumakay sa train. Katabi ko lang si Sunoo, hindi siya mapakali, patuloy lang siya sa pag kagat ng kuko niya.

The train started moving, napakagat ako sa labi nang makapasok kami sa loob. Puro sigawan na ang naririnig ko mula sa unahan.

Biglang may kumapit sa balikat ko kaya napatali ako't kaagad napasiksik kay Sunoo. Napahagikgik siya sa ginawa ko.

"See? Natatakot ka rin naman pala eh." He said wrapping an arm in my shoulder and pulled me closer to him. Itinataboy niya ang mga kamay na kumakapit sa aming dalawa.

"AaaAaAaAAa pota!!"

Puro sigawan at tilian pa rin ang naririnig ko kasama na roon ang sa amin ni Sunoo.

"Yah, wala na tapos na, wag ka nang sumiksik dyan." Hindi ko namalayang tapos na pala. Humiwalay ako kay Sunoo at bumaba ng train. Nakakatakot ang pagmumukha nila, ayoko nang umulit.

"So, barbie?"

barbie ⌕ ִֶָ  sunoo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon