〔 55 〕

3.4K 250 237
                                    

SALLY'S

He's been acting weird these past few days. After niyang sabihin sa akin na gusto niya ako, kaagad siyang umalis sa restaurant. Ang resulta, ako yung umubos sa pagkain na inorder namin.

Hindi niya manlang hinintay ang sagot ko, iniwan niya lang ako ng ganun ganun lang? Duh, I've been holding back my feelings for how many days na kaya.

Minsan niya na lang din ako kausapin, naiilang tuloy ako kila Kuya Jay kapag pinapaupo nila ako sa table nila o kung gumagala ako kasama sila. Si Sunoo lang kasi ang hindi ako pinapansin. Ilag na ilag siya lalo na kapag tungkol sa pamilya ang pinag-uusapan.

Tanong nila lagi, "Magka-away ba kayo?" o "Nagkapikunan?" o di kaya "Bakit hindi nanaman kayo nagpapansinan?"

"Alam mo, nacucurious na talaga ako, bakit ba hindi na kayo nag-uusap ni Sunoo?" Andito kami ngayon nila Kuya Jay, Jake, at Denchie sa bahay nila Kuya Sunghoon, tumatambay lang ulit. Mamaya na pala yung barbeque party ni Heesung oppa.

"Siya ang tanungin mo." Ininom ko ang iced tea na nasa kamay ko. Si Sunoo at ako nanaman yung topic, buti nalang wala siya dito.

"Ikaw na, wala naman si Sunoo dito eh." Kanina pa nila ako kinukulit kung bakit daw hindi kami nagpapansinan ni Sunoo. "Oh, Sunoo? Kanina ka pa dyan?"

Lahat kami napatingin sa direksyon ni Sunoo, hindi namin namalayan na nasa may pintuan na pala siya ng bahay nila Kuya Sunghoon. Umupo siya sa tabi ni Denchie.

"Uhm, tulungan ko lang si Kuya Sunghoon sa kusina." Akmang tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang hawakan ni Kuya Jay ang kamay ko. Takhang tumingin naman ako sa kanya.

"No, stay. Kung ano man ang pinag-awayan niyo o kung ano man ang dahilan kung bakit hindi kayo nagpapansinan, pag-usapan niyo." Bumalik ulit ako sa pagkakaupo. "Doon lang kami sa kwarto ni Sunghoon, tara guys."

Talagang iniwan nila kaming dalawa dito sa sala. Super awkward tuloy kasi walang umiimik sa aming dalawa.

"Garden." Tumayo siya at lumabas ng bahay para magpuntang garden. I stood up and followed him.

Nakita ko siyang nakatayo malapit sa fountain, tahimik akong naglakad palapit sa kanya.

Tumabi ako sa kanya.

"I'm sorry, Sally." Huminga siya ng malalim. "Sorry kung iniwan kita sa restaurant."

Hindi ako sumagot.

"Sadyang hindi ko lang alam ang gagawin ko kaya umalis agad ako, ayaw ko kasing mareject."

Tumingin siya sa mga mata ko.

"Hindi ko rin alam kung paano kita kakausapin, may bumabagabag kasi sa isip ko noong mga nakaraang araw."

Hindi pa rin ako sumagot. Hindi ko naman alam ang isasagot ko? ',:/

"First time ko 'to." Umiwas siya ng tingin.

"First time ang alin?" Tanong ko.

"Magkagusto sa isang tao." Sagot niya. "Kaya hindi ko alam ang gagawin ko, never pa akong nagkajowa." Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya.

"Barbie ka talaga." Bulong ko pero alam kong narinig niya 'yon. "Kung hinintay mo yung sagot ko, edi sana may jowa kana ngayon."

"Ano?"

"Sunoo, gusto rin kita.."

barbie ⌕ ִֶָ  sunoo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon