SALLY'S
Kasalukuyan kaming tumutulong ni Sunoo sa pag-ihaw habang nagkwekwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay.
Yung iba, busy sa pagpipicture-picture.
Kasama rin namin si Tayel sa pag-iihaw, nahihiya raw siyang magstay sa table kasi nandoon si Kuya Heeseung, alam niyo na, ex haha.
"Tama na muna ang pag-iihaw, kakain na raw tayo." Ani Daniel, ang pinakabata sa amin. Kaklase niya si Denchie, Taki, at Niki.
Sumunod kami kay Daniel papuntang table, nakakapit lang si Tayel sa balikat ko habang naglalakad. Halata talagang nahihiya.
Umupo ako sa tabi ni Yiji, umupo naman sa tabi ko si Sunoo.
Sabi ni Kuya Jay, kanta raw muna kami ng 'happy birthday', sinunod namin siya, kumanta kaming lahat pero hindi nagsasabay-sabay kaya ang resulta, puro tawa nalang ang nagawa namin.
Nagpray muna kami bago kumain, syempre si Kuya Jay ang naglead kasi bida-bida siya.
"Okay, chibugan na!" Excited na sabi naming lahat. Nag-unahan silang magtungo sa table kung saan naroon ang mga pagkain, syempre nangunguna roon si Geonu at Sunoo.
Nagpahuli kami ng mga kaibigan ko pati na rin sila Kuya Sunghoon.
Pansin kong may ibang putaheng nakadisplay sa table. Akala ko ba barbeque party 'to? haha.
"Akala ko wala dito si Tita? Bakit may ibang dish dito?" Kunot-noong tanong ni Kuya Jay habang kumukuha ng shanghai.
"Wala nga pero sinabihan niya ang Mama ni Sunoo na magluto rito, u know, chef kasi ang Mama niya at magkaibigan sila."
Gulat na napatingin si Sunoo sa direksyon namin. Dali-dali siyang lumapit sa amin.
"A-andito si Momma?" Nauutal na tanong ni Sunoo. Tumango si Kuya Heesung at may tinuro.
Lahat kami napatingin sa back door ng kusina.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..
"Eomma.."
BINABASA MO ANG
barbie ⌕ ִֶָ sunoo
Fanfiction⌗𝐊𝐈𝐌 𝐒𝐔𝐍𝐎𝐎 ━ ❝ Ikaw pala yung gwapong barbie na sumigaw sa horror house. ❞ 엔하이픈 series #1 ╰──╮ completed あ : epistolary + short narrations ♡ ً taglish © treasurenhypen 2020