SALLY'S
Kakauwi ko palang ng bahay- bahay nila Mama. Agad kong nakita si Sunoo sa couch na nakayakap kay Mama habang nanunuod ng tv.
Napataas ang kilay ko.
"Yah, tabi, Mama ko 'yan." Kumunot ang noo ni Sunoo sa sinabi ko.
"Excuse me, mama ko rin 'to." Sabi niya at mas lalong hinigpitan ang yakap niya kay Mama.
"Hindi talaga tayo pwede, magkatapid tayo." Sabi ko at umupo sa tabi ni Mama. Narinig ko naman ang tawa ni Mama.
"Magkapatid tayo pero hindi tayo magkadugo kaya okay lang na jowain kita, diba Momma?" Kinurot ni Mama ang tagiliran ni Sunoo kaya napadaing siya. Natawa ako nang magpout siya.
"Ayan nanaman kayo eh, ewan ko sa inyo." Natatawang sabi niya. "Sally, kung nagugutom ka, may cake sa ref, kuha ka nalang doon."
Tumango ako sa sinabi ni Mama. Nagtungo siya sa kwarto nila.
Pagkatapos nilang magmañanita noong birthday ko, kaagad kaming nag-usap ni Mama. Kung bakit sila naghiwalay ni Papa, in-explain niya lahat sa akin kung bakit niya ako iniwan dati at kung bakit hindi siya nagpakita. Pina-intindi niya lahat sa akin.
Si Sunoo rin, pinaliwanag niya rin kung bakit hindi niya agad sinabi sa 'kin na stepmom pala niya ang Mama ko.
Hinapit ni Sunoo ang bewang ko at niyakap ako.
"Ew, amoy pawis." Pinalo ko siya sa braso pero natawa lang siya.
"I love you, Sally."
"Nagugutom pala ako, kakain mun-" akmang tatayo sana ako pero hinila nanaman ako ni Sunoo kaya napakandong ako sa kanya.
"Ang sabi ko, I love you."
I chuckled and cupped his face to give him a kiss.
"I love you so much!"
BINABASA MO ANG
barbie ⌕ ִֶָ sunoo
Fanfiction⌗𝐊𝐈𝐌 𝐒𝐔𝐍𝐎𝐎 ━ ❝ Ikaw pala yung gwapong barbie na sumigaw sa horror house. ❞ 엔하이픈 series #1 ╰──╮ completed あ : epistolary + short narrations ♡ ً taglish © treasurenhypen 2020