[ ♡ ] SALLY's
Tapos na ang exam, nakapagpass na rin ako ng mga projects at homeworks sa tulong ni Sunoo.
"B, date?" Nakanguso si Sunoo nang salubungin ko sa hallway. "I helped you with your homeworks, proje--"
"Oo na, let's go," Hindi ko na siya pinatapos, kaagad ko nang kinaladkad palabas ng gate. "Saan mo gustong magpunta?"
"Yeouido? Banpo?"
"Hangang Park?"
"Yup." Sumakay kami ng bus papuntang subway station.
⚡︎
"Let's rent a bike." Suggest ni Sunoo nang makarating kami sa Banpo. Parang nasa mood din ako magbike, hindi na masyadong mainit kasi 4 pm na. Medyo marami-rami ang tao dito, mostly couples.
Naghanap kami ng rental station at nag-renta ng bike. Ako na ang nagbayad, nahiya naman ako kay Sunoo. 3,000 won daw per hour so 6,000 won binayaran ko.
"Ayusin natin yung hair mo," Si Sunoo ang nagsuot sa 'kin ng helmet. "Yan, ganda-ganda ng abunjing bunjing ko."
"Nambobola pa eh." Sumakay ako sa bike na ngiting-ngiti.
"Bakit naman kita bobolahin? Hindi ka naman kulangot-- hintayin mo 'ko!"
"Kadiri ka!" Sigaw ko para marinig niya, binilisan ko ang pagpedal para hindi siya makahabol.
⚡︎
"Nakakapagod, kain tayo?" Tapos na kami magbike, isang oras na kaming naglibot sa Hangang Park, actually nagpasobra pa kami ng ilang minuto dahil pabalik-balik kami sa Banpodaegyo bridge. Muntikan pang bumangga dahil sa kalandian ni Sunoo.
We went to the convenience store to buy snacks and drinks. Sa bench kami kumain habang pinagmamasdan ang sunset.
"Baby, smile." Napalingon ako kay Sunoo. Nakatutok ang camera niya sa 'kin. Sinunod ko naman ang sinabi niya't nagsmile at nagpose sa camera.
Ibinigay niya ang phone niya sa 'kin para kuhanan ko rin siya ng litrato. Iba't-ibang pose ang ginawa niya so nakaraming take ako.
Lord, bakit mas maganda pa ang boyfriend ko kaysa sa 'kin?
"Do I look cute here?" Ipinakita sa 'kin ni Sunoo ang picture niya.
"You look awful," Sumimangot siya sa sagot ko. "Just kidding. Of course, you do. You look very cute!!"
He giggled at my answer, "Thanks, b."
"I want ice cream.." Saad ni Sunoo nang may makitang food truck na nagtitinda ng ice cream. "Bibili ako, gusto mo rin? What flavor do you want ba?"
"Vanilla."
"Okay, wait ka lang dyan." Tumakbo si Sunoo papuntang food truck para bumili.
"Hey, Sally!" Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses ng tumawag sa 'kin.
"Jake?" Nasa may skating rink sila ng jowa niyang si Denchie, kumakaway-kaway sa 'kin. Kumaway din ako sa kanila, friends ko eh.
"Here's your vanila flavored ice cream, baby."
"Thanks, anong flavor yung sayo?"
"Mint Chocolate." His fav.
"Andito rin sila Jake, b. There oh." Turo ko sa skating rink malapit sa may outdoor stage. "Ang cute nila, 'no?"
"Ano ba? Mas cute tayo." Inilabas niya ulit ang phone niya para magpicture. Nagselfie-selfie kaming dalawa. Nagpost naman siya sa instagram after, ang caption, "We're cuter".
⚡︎
Naabutan na kami ng gabi dito sa Banpo. The night view is sooo beautiful. Buti naabutan pa namin ang bridge rainbow fountain show bago kami umuwi. It's the longest fountain in the world, grabe ang ganda.
Nagtake pa kami ng photos with Namsan Tower in the background.
"B, knock knock." Ayan nanaman siya. Nahahawaan na talaga ni Kuya Heeseung.
"Who's there?" Tamad kong tanong.
"Lab."
"Lab who?"
"Lab who too," Ang corny. "Kiligin ka naman, baby." Mas kinilig pa 'ko sa 'baby' eh.
"Umuwi na tayo, sakit na ng likod ko." Sabi ko at tumayo. Biglang sumeryoso ang mukha ni Sunoo.
"Sumakit ang likod mo? Bakit?"
"Araw-araw ba namang mahulog sayo, paanong hindi sasakit?"
Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon, hinawi-hawi ang buhok at sinubukang pigilan ang pagngiti pero bigo.
Bigla niya akong inakbayan. Abot tenga ang ngiti niya, "Ewan ko sayo, baby. Tara na nga."
♡
💌: HAPPY 1 YEAR BABIE! I know, hindi 'to yung pinakadabest na book kasi u know, hindi aq masyado marunong magsulat pero thank u pa rin for reading and supporting this story! I salute u guys, natiis niyo ang kakornihan ko lawl. Maraming salamat! Stay safe, healthy and happy lang always! luv u!
BINABASA MO ANG
barbie ⌕ ִֶָ sunoo
Fanfiction⌗𝐊𝐈𝐌 𝐒𝐔𝐍𝐎𝐎 ━ ❝ Ikaw pala yung gwapong barbie na sumigaw sa horror house. ❞ 엔하이픈 series #1 ╰──╮ completed あ : epistolary + short narrations ♡ ً taglish © treasurenhypen 2020