〔 38 〕

3.6K 232 44
                                    

SALLY'S

"Nasaan si Jake, Kuya Jay? Akala ko ba kasama natin?" Bulong ko habang papalabas kami ng gate nila Kuya Sunghoon.

"Kakatawag lang sa akin, sabi niya busy daw siya." Malungkot akong sumakay sa sasakyan ni Kuya Jay. Bongga ng lolo niyo, may sariling sasakyan.

"Masisipa ko na talaga 'to si Jake. Lagi nalang pinapaasa ang pinsan ko." Umupo sa tabi ko si Kuya Sunghoon.

"May 5 days-5 days pa siyang nalalaman." Tumawa si Kuya Jay sa sinabi ni Kuya Sunghoon.

"Tapos na ang 5 days na sinasabi niya, paano ba 'yan?" Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi ni Sunoo. Kunot-noo akong tumingin sa kanilang tatlo.

"Ano bang pinag-uusapan niyo?"

"Mukha akong gwapong driver niyo. Sally, dito ka umupo sa passenger's seat." Iniba ni Kuya Jay yung topic. Nagpout ako tsaka lumabas para tumungo sa passenger's seat.

"Driver lang, walang gwapo, lul." Pang-aasar ni Kuya Sunghoon. Nang dahil sa sinabi niya, biglang pinaharurot ni Kuya Jay ang sasakyan. Pansin niyo? Minsan nalang mag-english si Kuya Sunghoon, dami na raw naiirita sa kanya haha.

"Hyung, kung gusto mong magpakamatay, wag kang mangdamay!"

"Ayoko pang mamatay gago, marami pa akong gagawin sa buhay ko."

"Gusto ko pa makita si Mama!" Pinabagal ni Kuya Jay ang pagpapatakbo sa sinabi ko.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas, nakarating na rin kami sa charcoal grill restaurant.

"Eat all you can tayo, jay." Request ni Kuya Sunghoon.

"Ayoko, malaki babayaran ko." Bulong niya kay Kuya Sunghoon.

"Mayaman ka naman." Sabi ko kay Kuya.

"Mayaman din naman si Sunghoon kaya siya nalang ang magbabayad." Siniko siya ni Kuya Sunghoon.

"Kayo ni Jake ang nagyaya kaya kayo ang magbayad." Naghanap na ng table si Kuya Sunghoon. Napakamot sa ulo si Kuya Jay.

"Masasayang effort ko sa pagda-diet."

barbie ⌕ ִֶָ  sunoo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon