SALLY'S
Tumakbo ako papalabas ng bahay nila Kuya Heesung. Rinig na rinig ko pa ang tawag nila sa akin pero hindi ako nag-abalang lumingon.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko.
Dapat masaya ako eh, dapat masaya ako kasi nakita ko na ang Mama ko pero noong malaman kong ang stepmother pala ni Sunoo ang Mama ko, biglang bumigat ang pakiramdam ko.
Kaya ba ayaw niyang magtambay sila Kuya Heesung noong isang araw sa bahay nila kasi baka makita ni Kuya Sunghoon si Mama? Kaya ba ilag na ilag siya kapag ang pinag-uusapan nila Kuya Sunghoon ay tungkol sa mga magulang kasi alam niyang ang tungkol dito? Ganoon ba 'yon?
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa isang bench habang nakatingin sa kalangitan at dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin.
Tears started falling from my eyes.
"Sally.." Kaagad akong pinunasan ang luha ko. Kilalang-kilala ko boses na 'yan..
"Anong ginagawa mo dito, Sunoo? Bumalik kana roon." Malamig na sabi ko at tumayo.
"Mag-usap tayo please.." He softly said. Hinarap ko siya. Kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya kahit gabi na.
"Wala na tayong dapat pag-usapan, naiintindihan ko naman eh. Bumalik kana lang doon, uuwi na ako." He sighed.
"I'll walk you home.."
"I can walk home by myself."
"It's dangerous, gabi na."
"Kaya ko ang sarili ko."
"Sally, please.." Huminga nanaman ako ng malalim. "Baka kung anong mangyari sayo."
"Fine." Kahit gusto kong mapag-isa, wala akong magagawa since nagpupumilit siya. Nagtatampo ako sa kanya pero hindi ko siya matanggihan.
Naiinis ako sa sarili ko, marupok masyado.
Naglakad na nga kami pauwi, ang awkward lang kasi walang nagsasalita sa amin, walang umiimik pero mas ayos lang 'yon sa 'kin.
Medyo malapit lang ang bahay nila Kuya Heesung sa apartment ko kaya okay lang maglakad.
Nang makarating kami sa tapat ng apartment, humarap ulit ako sa kanya. Ngumiti siya ng pilit bago niya hilahin ang kamay ko't yakapin ako.
"I'm sorry.." Saad niya bago kumalas ng yakap.
BINABASA MO ANG
barbie ⌕ ִֶָ sunoo
Fanfiction⌗𝐊𝐈𝐌 𝐒𝐔𝐍𝐎𝐎 ━ ❝ Ikaw pala yung gwapong barbie na sumigaw sa horror house. ❞ 엔하이픈 series #1 ╰──╮ completed あ : epistolary + short narrations ♡ ً taglish © treasurenhypen 2020