〔 65 〕

3.2K 208 8
                                    

SALLY'S

Kakatapos lang ng PE namin, sobrang nakakapagod talaga pinaggagagawa sa amin ni Sir.

Sinamahan ako ni Yiji patungong locker since kakatapos lang rin ng PE nila. Dinadaldal niya ako habang naglalakad kami papuntang locker.

Pagkabukas ko ng locker, kaagad bumungad sa akin ang isang mineral water, 3 chuckie at isang cheese burger. May nakalagay na sticky note sa mineral water.

Inumin mo ito after ng PE act. niyo. Bumili na rin ako ng chuckie since nakita kitang umiinom nito kanina tapos nairita ka kasi kaagad naubos.

Huwag ka masyadong magpakapagod. K3U~

- k.s.

"Ang sweet ni Sunoo." Inisnatch ni Yiji ang note sa kamay ko. "Iniiwasan mo pa rin ba?"

Tumango lang ako. Kinuha ko ang mineral water at ininom.

"Namimiss mo?" Tumango ulit ako. "Namimiss mo naman pala eh, bakit hindi mo kausapin?"

"Hindi naman ganoon kadali 'yon."

"Sabagay." Kukunin na sana niya yung isang chuckie pero kaagad kong pinalo ang kamay niya. "Aww.. damot."

"Iniiwasan mo nga, namimiss mo naman." Sumandal siya sa locker na katabi lang ng akin. Ang daldal talaga nito.

"Birthday mo na sa Saturday, wala ka bang plano?"

"Gusto ko lang magcelebrate sa bahay kasama kayo." Hinawakan niya ang dibdib niya na para bang natouch sa sinabi ko.

"Tara na nga." Hinila ko na siya papuntang comfort room para magpalit ng damit.

barbie ⌕ ִֶָ  sunoo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon