〔 64 〕

3.3K 222 66
                                    

SALLY'S

Nagtext sa akin si Mama, sabi niya magkita raw kami sa Bighit café. Kinakabahan ako, first time kong makakausap ang Mama ko after how many years.

Pagod ako dahil sa activity namin kanina sa PE pero ayos lang, at least makakausap ko na ang Mama ko.

It's already 6 pm and I took a quick shower. I wore a grey hoodie jacket and I partnered it with denim pants. Malamig kasi kapag gabi.

Hindi na ako nag-abalang sumakay ng taxi, malapit lang naman ang café sa apartment ko.

I texted my eomma at sabi niya andoon na raw siya.

Mas lalo akong kinabahan nang makita ko na siyang nakaupo at nakatalikod. Huminga ako ng malalim bago itulak ang glass door.

"Ma.." Napatingin siya sa direksyon ko at ngumiti. Umupo ako sa upuang kaharap niya. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin.

"Dalaga kana.." First time kong marinig ang boses niya. "Umorder na ako para sayo, hintayin mo nalang." Ngumiti ulit siya sa akin habang ako, nakatingin lang ako sa kanya.

Ang ganda ng Mama ko.

"Ano pong pag-uusapan natin?" Magalang kong tanong. Dumating na rin ang order ko.

"Si Sunoo.. hindi siya kumakain ng maayos dahil hindi mo raw siya pinapansin.. alam mo bang gustong-gusto ka niya? Palagi siyang puyat kakaisip sayo." Biglang may kung anong kirot akong naramdaman. "Nasasaktan ako kapag nakikita siyang ganoon."

Ito ba ang pag-uusapan namin? Hindi manlang niya ako kukumustahin?

"Ako ba, Ma? Nasaktan ka po ba noong iniwan mo ako?"

"Sally.."

"Alam mo, Ma? Uuwi nalang po ako kung ito lang po ang pag-uusapan natin. Pagod po ako, gusto ko pong magpahinga."

barbie ⌕ ִֶָ  sunoo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon