〔 61 〕

3.3K 214 38
                                    

SALLY'S

Recess na pero hindi pa rin ako nag-ssnack. Nanatili akong nakaupo rito sa classroom, kaming dalawa nalang ni Taeyong ang natira dito since bumibili ng snacks ang iba.

"Hindi ka magsnack, Sally?" Tanong niya habang inaayos ang mga gamit niya sa desk.

"Hindi, alaws money." Pagdadahilan ko.

"Maiwan muna kita, bili lang ako." Ngumiti lang ako sa kanya bago ko ituon ang pansin ko sa phone ko.

Sunoo
Sally, mag-usap tayo please.. kahit ngayon lang.

"Uh, Sally? May naghahanap sayo." Tumingin ako kay Taeyong na nasa pintuan, huminga ako ng malalim bago tumayo sa kinauupuan ko't nagtungo sa kinaroroonan niya.

"Sally.." Tawag sa akin ni Sunoo. Parang gusto kong maiyak sa itsura niya ngayon. Mugto ang mga mata niya't halata talagang malungkot siya.

Hinila niya ako patungong music room.

"Bakit mo ba ako iniiwasan?" Hindi ako sumagot. 2 days ko na siyang iniiwasan.

"Noong nalaman kong anak ka ni Momma, iniwasan ba kita?"

Tumingin ako sa mga mata niya.

"Alam mo naman palang anak ako ng stepmom mo bakit hindi mo agad sinabi?" Hindi siya nakapagsalita sa tanong ko.

"Alam mo namang gustong-gusto ko makita ang Mama ko, diba?" Nagsisimula nanamang tumulo ang luha ko. "Alam mo 'yan, alam mong gusto kong makita ang mama ko, lagi kong sinasabi sayo 'yan."

"I'm sorry, Sally.. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sayo, kung paano sisimulan."

"Alam mo, Sunoo? Mas mabuti siguro kung hindi na muna tayo mag-usap, nalilito ako sa mga bagay-bagay." Sabi ko.

Pagkatapos kong sabihin 'yon, dali-dali akong lumabas ng music room at kahit hindi pa tapos ang klase namin, umuwi na ako.

barbie ⌕ ִֶָ  sunoo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon