SALLY'S
"Hey, what are you doing here?" Bungad sa akin ni Kuya Sunghoon nang makapasok ako sa bahay nila.
"Si Tita Yeseul?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya. Makikikain lang talaga ako dito kasi nakakatamad magluto.
"Mom cooked food before she left the house." Kumislap ang mga mata ko sa sinabi niya. Alam na alam niya talaga kung ano ang pakay ko dito
"Lez eat!" Excited kong sabi. Nagtungo akong kusina para ihanda ang mga pagkain.
Nang matapos ko nang ihanda ang pagkain, nagtungo ako sa sala para sana yayain si Kuya Sunghoon kumain pero napansin kong nakabihis ito.
"Aren't you going to eat with me?" Takhang tanong ko sa kanya. Gosh, pati ako nahahawaan na rin sa pag-english-english ni Kuya.
"I will-" Hindi na natapos ang sasabihin ni Kuya Sunghoon nang may marinig kaming sigaw mula sa labas.
"Sunghoonie hyung! Sunghoonie hyung!" Wait.. that voice is familiar.
Kaagad lumabas si Kuya Sunghoon para pagbuksan sila ng gate.
"Ang tagal mo naman!" Rinig kong sabi ng isang lalaki.
Nang makapasok sila, bumungad sa akin ang mukha ni Sunoo kasama sina Kuya Jay, Kuya Heesung, at Jake.
Wait- Jake?!
Kaagad akong napaayos ng buhok nang makita ko si Jake. Gosh, hindi pa naman ako masyadong nag-ayos kasi hindi ko naman ine-expect na magpupunta 'tong mga katropa niya dito.
"Ey, Sally!" Lumapit sa akin si Kuya Jay at nakipag-apir nanaman sa 'kin.
"Where are you guys going?" Tanong ko sa kanila. Napadako ang tingin ko kay Sunoo nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Napataas ang kilay ko sa kanya. Inirapan niya lang ako.
Aba?
"We're going to attend EJ's birthday party." Sagot ni Kuya Heesung.
Ah kaya pala. Kaya pala pormadong-pormado sila.
"Okay, enjoy!" Sabi ko at ngumiti sa kanila.
"Gusto mo sumama?" Napa-iling ako sa tanong ni Kuya Jay.
"Ang pangit namang tingnan kung pupunta ka sa birthday tapos hindi ka invited." Sabi ko at tumawa. "Kayo nalang hehe kaya niyo na 'yan, enjoy kayo."
Babalik na sana ako sa kusina nang magsalita si Jake.
"Come with us, Sally." Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa 'kin.
Omygosh huwag kang ganyan baka sumama pa ako sa inyo ng wala sa oras!
"Oh crush mo na ang nagyaya, aayaw ka pa ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya Sunghoon. Pati sila Kuya Heesung nagulat sa sinabi niya.
Kuya ba't mo 'ko nilaglag?!?!
Napatakip sa bibig si Jake at tumingin sa 'kin. Napapikit tuloy ako ng mariin. Parang gusto kong magpakain nalang sa lupa nang dahil sa kahihiyan. Siguro sobrang pula na ata ng pisngi ko ngayon.
"Oh sorry nadulas." Tumawa si Kuya Sunghoon pagkatapos niyang sabihin 'yon. Nakakatawa 'yon?!?! Parang gusto ko siyang sampalin left and right.
"Crush ako ni Sally?" Inosenteng tanong ni Jake at liminga-linga kina Kuya Jay.
"Yah, Sally! Crush mo pala si Jake? Kailan pa?" Lumapit sa akin si Kuya Jay at hinawakan ako sa balikat. Napakagat siya sa pang-ibabang labi niya. Ewan ko ba pero parang pinipigilan niya ang tawa niya.
"Last last last month pa." Sagot ni Kuya Sunghoon kaya sinamaan ko siya nga tingin.
"Si Sally ka ba? Bwesit ka. Umalis na nga kayo." Tinulak-tulak ko sila palabas. Nagtawanan naman silang lahat except kay Sunoo na nakasimangot lang.
"Ang cute mo, Sally!" Pahabol ni Kuya Jay habang tumatawa pa rin bago sila tuluyang makalabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
barbie ⌕ ִֶָ sunoo
Fanfic⌗𝐊𝐈𝐌 𝐒𝐔𝐍𝐎𝐎 ━ ❝ Ikaw pala yung gwapong barbie na sumigaw sa horror house. ❞ 엔하이픈 series #1 ╰──╮ completed あ : epistolary + short narrations ♡ ً taglish © treasurenhypen 2020